Chapter 10

33 8 0
                                    

KIA

NAKAHINGA ako ng maluwag habang hawak hawak ang puson. Pakiramdam ko galing ako sa langit habang pangisi-ngising pumasok sa classroom. Sa ilang minutong nagdaan, sawakas lumabas na din, ang ihi ko. Hihi. Nadatnan ko ang mga kaibigan kong nag-uusap sa silya ni Hera.



"Anong pinag-uusapan niyo?" Sumingit ako sa kanilang likod at agad naman silang lumayo sa isa't isa na parang isa akong taya sa laro. "Uwi na tayo? Gutom na ako, e'" Inakbayan ako ni Lance at biglang nangilabot dahil sa nakita ko kaninang ginawa niya kay Era.




"A-ah, oo nga." Peke akong ngumiti at pasimpleng tinanggal ang kaniyang pag-akbay. Bigla kong naalala si Roy. "Kayo na lang muna, may gagawin pa ako." Pagsasabi ko ng totoo. "Ano naman yun? Puwede kaming tumulong." Nagkibit balikat si Jie.




"Basta," Hinawakan ko ang laylayan ng aking palda habang kumaway papalayo sa kanila at tumakbo sa roof top. Alas singko na ng hapon kaya maganda na sa balat ang sinag ng araw.




"Ang tagal mo."



Hinihingal akong tumayo sa kaniyang harapan dahil sa pagod. Oo may elevator naman pero mas pinili kong mag hagdan dahil takot ako sa elevator. Subalit, paminsan minsan ay sumasakay ako dito pero sa tuwing sasakay ako doon hindi ko pinapahalata na natatakot ako. "B-bakit mo ba ako pinapunta d-dito?" Humugot ako ng malalim na hininga bago nilapitan siya na nakatayo sa railings, nakatalikod sa akin.




Nagtaka ako dahil may munting mesa doon at may take-out na nakalagay sa lamesa. Mahina akong napangiti. "Kakain siguro kayo ni Era?" Inosente akong napakamot. "Yiee, good luck." Bigla siyang humarap sa akin habang kumunot ang noo. "Huh?" Napakagat ako ng labi. "Wala naman. Bakit mo nga pala ako pinapunta?"




Lumapit siya sa akin kaya madali kong pinagmamasdan ang kaniyang kabuoan. Hindi na niya sinusuot ang jacket niya tapos ngayon pati ang earphones nito. Nakakapagtaka kung bakit niya ginagawa 'to.


"Hoy!" Napasigaw ako nang namalayan ko na lamang na hinila na pala ako ni Roy papalabas sa rooftop habang hawak hawak ko na ang take-out niya. Napakurap ako nang mata noong hininto niya ako sa parking lot. "Akala ko ba kakain kayo ni Era?" Naguguluhan kong tanong.




"May sinabi ako?" Tumaas ang kilay niya. "H-hindi kasi ano-" Tinakpan nito ang aking bibig na nakapagtigil sa akin. Iniwan niya akong tulala at pumasok sa driver seat, ni hindi man lang ako pinagbuksan. Bigla niyang ibinaba ang salamin ng kotse at galit na dumungaw. "Pasok. Bilis." Inirapan ko muna ito bago padabog na pumasok.




"Roy, kapag kami walang makain sa bahay, susuntukin kita. Alam mo bang ako ang mag sasaing ngayon?" Medyo sigaw ko sa inis. Tanging tingin lamang ang binigay niya at walang pasabing pinaharurot ang sasakyan.


"Saan mo kasi ako dadalhin?"


Lagpas bente ko na yung tanong pero hanggang ngayon hindi niya parin ako sinasagot. Aba nga naman. "Saan mo kasi ako dadalhin?" Ulit ko habang tumitingin sa daan, na di-distract din ako sa paligid. "Roy…" Hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko.




"Saan mo 'ko…" Napalabi ako nang lumampas kami sa park. "Saan mo 'ko… dadalhin- uy, may pogi, oh." Bungisngis ko dahil nakakita ako ng isang poging nagbibisikleta sa gilid ng daan. Ang hindi ko inaasahan ay hindi niya ako lilingunin subalit pabiro akong humiyaw nang bumaling ito sa akin.




"Uy! Kita mo yun? Tinignan ako! Ang gwapo! Ano kaya fb non." Napatakip ako ng bibig at napahampas sa kaniyang balikat. Pero sa true lang, trip ko lang na sabihing pogi siya dahil nahihiya na din kasi ako dito na tanong ng tanong kung saan niya ba ako dadalhin kaya iniba ko na naman ang mga papansin ko.



Can You Be My King? Where stories live. Discover now