Chapter 27

26 6 0
                                    

KIA

MS. Juliet was known as the CEO of the Girls Beauty Company where the company I work. She was known because of her talent in designing gowns that became popular not even in a week.

That's not all, she was also intelligent in things that are connected into fashions. Kaya humahanga ako sa kaniya.

After she introduced her family, who are the biggest guests, they did a little conversion before they invited us to eat.

Ms. Juliet and Trishy are blood related that's why they're here. Special guest sila nito.

"You didn't even touch your food." Niguel's voice visited my mind. "I lost my appetite." I answered. Hindi ito sumagot.

Maya maya ay inimbitahan kami nito na sumayaw na sa gitna. Hindi na ako nagulat nang inilahad ni Niguel ang palad sa gitna ko.

"Shall we?" Bumuntong hininga ako at sinalo ang kamay niya. "Woah!" Natawa siya nang ako na mismo ang humila sa kaniya sa dance floor.

Gusto ko nang matapos 'to, ayoko na rito. Humarap ako at inilagay ang dalawang palad sa balikat niya at nagsimula na kaming sumayaw.

Gwapo naman si Niguel, may dugo siyan Pinoy, ewan ko, hindi na ako interesado sa mga gwapo ngayon.

Habang palinga-linga sa paligid, hindi ko na siya pinakikinggan sa mga kwento niya at mukha siyang siraulong tanga na nagsasalita kahit wala namang nakikinig.

Nakikinig naman ako, e'. Pero tinatamad lang talaga ako. Huminto ang paningin ko sa kaniya at napakunot ang noo nang maabutan kong nakatitig siya sa akin ngayon.

Dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan, inilibot ko ang pwesto namin. "Is there something wrong?" Agad akong umiling.

All that I keep in mind is I want to go home, I don't feel like a positive energy inside this hall.

Tanging si Rose at Niguel lang ang nakasalamuha ko sa gabing iyon kahit naman maraming tao ang gustong kumausap sa'kin.

Lumapit ako sa malawak na lamesa kung saan may maraming mga pagkain doon. Kumukuha ako ng isang slice ng cake nang bigla na lamang may huminto sa aking harapan.

Naramdaman ko ang tindig nito kaya napatikhim ako at pilit siyang hindi tignan. Ang akala ko ay kukuha lamang siya ng pagkain subalit bigla niyang sinabi ang pangalan ko.

Pinakalma ko ang sarili. "Hm?" Aniko na parang wala lamang sa akin na nasa harapan ko siya.

Tss, wala naman talaga. "How are you?" He asked using his baritone voice. Ba't ba kasi nagtatanong ng ganiyan mukha ba akong hindi maayos.

"I'm fine." Maikli kong sambit. Tumingin siya sa akin sandali bago kumuha ng isang cupcake.

"I bet that's for your daughter?" Hindi siya mahilig sa matatamis. Nagkatinginan kami bago siya marahang tumango.

"She's pretty, how old is she?"

"Going five."

Pumorma sa bilog ang bibig ko. "Oh, congrats then." Kumunot bahagya ang noo niya. "For what?"

"For having a healthy family." Aaminin kong medyo bumara ang lalamuanan ko. Hindi siya nakapagsalita kaya natawa ako nang mahina.

"Kianna!" Sabay kaming bumaling nang tinawag na ako ni Niguel habang papalapit sa amin. Kumuha ako ng maliit na piraso ng cake.

"I need to go." Paalam ko at basta na lamang siyang tinalikuran. "Close ba kayo ng singer na 'yon?" Agad niyang tanong.

Alam kong narinig niya iyon dahil malapit lang kami sa kaniya. Matamis akong ngumiti at umiling.

Can You Be My King? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon