Chapter 23

19 7 0
                                    

lumayas ka masamang ispirito.

______

KIA

"HAPPY 3rd anniversary!" Tagos sa lalamunan kong sigaw habang ninuyog-yog ang balikat niya habang tulog.

"Gising na!" Sinampal sampal ko ang mukha nito at sinasabunutan sa ulo. "Hmm." Tinabig niya ang kamay ko at gumilid nang higa.

Nanggigil kong hinatak siya galing sa likod at hinalikhalikan nang ilang beses ang mukha niya bago lumayo at umapak sa sahig.

"Bumangon kana para mag-handa, ano ba naman 'to ang gulo ng condo mo." Sabay libot ko nang paningin.

Nakasuot pa naman ako ng yellow dress, handang handa na 'ko, ah. Pero iyong boyfriend ko parang walang kaluluwang natutulog pa.

Naglinis ako nang makapagluto at kahit tulog mantika ay hinatak ko siya. "Dali na." Mahaba kong lintaya. Sasapakin kita.

Umupo siya sa kama at nahihirapang ibinuka ang mata. Ngumiti ako at hinawakan siya sa magka-bilang pisngi. "Good morning." Sabay halik ko sa kaniyang noo't labi.

Tumalikod na ako at hinila na siya papatayo, nakita ko siyang humihikab na umupo sa silya.

Hinandaan ko siya nang pagkain habang nararamdaman kong pinagmamasdan niya 'ko. "Congrats nga pala sa kanta mo," Nginitian ko siya at ngumiti naman siya pabalik.

"Baka sisikat ka niyan, ah at makaalimutan mo na 'ko." Kumuha ako ng basong tubig matapos mahanda nang tuluyan ang pagkain niya.

Bumasangot ang mukha niya. "Bakit ko naman gagawin iyon? Ikaw lang naman mga paksa sa kanta ko." Tinaasan ko siya nang kilay, hindi nagpapahalata sa kilig ko. Hindi naman talaga, ah.

Hinila niya ako papalapit sa kaniya at niyakap sa bewang. "Happy anniversary, my love." Ang kaniyang boses ay napakamalalim at namamaos pa, subalit may halo na itong paglalambing.

"Also good luck." Yumuko ako sa kaniya habang hinahaplos ang buhok niya. "Hm?" Sinubsob nito ang mukha siya tiyan ko. "On your audition."

Ngumiti ako nang matamis. Sabay kaming kumain at sumakay sa sasakyan niya. Panay ang kwento ko habang nasa loob subalit aksidenteng napako ang paningin ko sa hospital na dinadaanan namin.

Bigla kong naalala si Trisha. Tatlong taon na rin ang lumipas simula nang sinabi niya iyon sa'kin at hindi hindi ko iyon malilimutan.

Kaya hindi ito nakapag-transfer dahil mas lumala ang sakit nang papa niya na hanggang ngayon ay nakahilata pa rin sa hospital.

Bilang na lang ang araw nito kaya gumawa ang kaniyang ama ng paraan para hindi sila malulubog sa hirap sa oras na mawala na siya.

Bukod doon, naalala ko pa ang isa kong kaibigan. Dito rin siya idinala nang may mangyaring masama sa kaniya.

Dahan dahan akong tumingin kay Roy at napansin agad niya ang biglaan kong pag-iba ng emosyon.

"Pwede bang bisitahin muna natin siya?"

Aniko sa mahinhin kong boses. Saktong nag red ang traffic lights at inihinto niya ang sasakyan. Bumaling siya sa'kin kasunod non ay sa hospital.

"You always remembered him every time we passed that hospital." Pinitok ko lamang ang mata nang ilang beses. Ginulo niya ang buhok at umiwas nang tingin.

NAKANGITI kong sinara ang pinto ng kotse at tumakbo papalapit sa puntod ni Jaden sa sementeryo.

"Hoy, siraulo!" Pinagpagan ko ang damuhan bago ako umupo at hinahawi ang mga dahon na nahuhulog sa lapida niya.

Can You Be My King? Where stories live. Discover now