Chapter 12

38 8 0
                                    

KIA

HINATID niya ako sa katabing barangay namin at pabebeng bumaba. Oo, alam ko, ayaw niya talaga akong pag buksan ng pinto, e' ano naman ngayon? Hindi ko naman ikamamatay iyon, e'. "Salamat." Ahie.



Medyo ipit na boses kong sabi habang hinahawi ang aking buhok papunta sa likod ng aking tenga. Pero tumango lamang siya at binuksan ang bintana. "Bye." Pagkatapos non ay pinaharurot na niya ang sasakyan at gosh, yung sasakyan niya grabe yung ilaw.



Okay so, by the way. Inayos ko ang aking buhok at nagsimula nang maglakad nang marinig ko na naman ang mga bulong bulongan sa aking tabi. "Tignan mo nga 'tong babaeng 'to, nako, noong nakaraan ibang lalaki dinala niya at jusko! May edad na! Tapos ngayon, isang binata na naman. Tamo, 'di 'yan makapagtapos, eh."



"Sinabi mo pa. Tingnan mo nga 'yang suot niyan, napakalayo sa Maria Clara! Ang iksi ng saya. Nakakadiri." Lihim ko silang tinignan na naglalaba sa gilid ng daanan. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na idapo sa kanilang makakapal na mukha ang palad ko.




Mga chismosang walang ambag.




"Malanding bata."



Pero nang narinig ko ang sinabi ng isa, biglang kumulo ang dugo ko. Buong tapang ko silang hinarap at sinalubong na may kunot ang noo. "Anong sabi mo?" Napatitig sila sa isa't isa at napatigil, kunwari ay kumamot.



"Aba, narinig mo pala 'yon, hija. Wala 'yon." Bigla itong lumapit sa katabi at bumulong. "Tignan mo nga 'tong malandi, nakakarinig pala."



"Hindi ako malandi."



Mariin at nanguyom kong sabi. "Ay, hindi nga ba?" Siniko siya ng isa. "Bakit? Totoo naman. Dapat ang mga kabataan ngayon turuan ng leksyon, eh. Sinasabihan lang naman kita, pasensiya na, hija." Napairap ako at tinignan siya mula ulo hanggang paa.



"Kuwento mo sa anak mong thirteen years old na nabuntis."



Pasalamat siya't binulong ko lang iyon at tumalikod kaya 'di niya narinig iyon. "Hija, pasensiya ka na talaga sa kaniya. Nako." Tinanguhan ko lamang si aling Rita at umalis kahit may poot sa na nararamdaman.



"Kianna!" Napamulagat ako nang mula sa kalayuan narinig ko ang tinig ni mama. Galit na galit at halatang wala sa kaniyang sarili. "Pumunta ka na dito, ngayon na!" Bigla akong nangilabot dahil sa boses nitong ngayon ko lang narinig at dali daling lumapit sa kaniya na ngayon ay galit na galit.



Baka galit siya dahil naririnig niya ang pinag-uusapan namin!



"M-ma, pinagsabihan nila akong-" Nagulat ako at napasinghap nang malakas nang malutong niya akong sinampal. Kaliwa't kanan. Hindi ako nakapagsalita sa gulat, lalo na noong diretso niyang hinila ang aking buhok at kinaladkad.



"Madalas ka ng umuuwi ng gabi. Ano na bang nangyayari sa buhay mo?! Akala mo ba sa akin ayos lang, ha?!" Mas mariin niyang hinawakan at hinila ang aking buhok hanggang sa makarating kami sa bahay. "Ma, ang sakit!" Nang dahil doon, diretso akong napaiyak habang kinakapos ng hininga.



Bago pa lamang sa akin ito kaya literal na nasasaktan ako. "Mag salita ka nga sa akin, Kia!" Binitawan niya ako at tinulak kaya napasalampak ako sa pader habang humagulhol. Dinuro niya ako habang mabilis ang pag hinga.



"Ano 'tong nababalitaan ko na may humahatid sa iyo ditong lalaki tuwing gabi, ha?! Iyan ba ang tinuro ko sa 'yo?! Noong nakaraan may nakakita sa inyong dalawa! Iba iba ang kotse ibig sabihin, iba iba ang lalaking kasama mo! Hindi kita pinalaking ganiyan, Queen Kianna!"



Can You Be My King? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon