EPILOGUE

37 6 0
                                    

QUEEN KIANNA BERDERA

INILIBOT ko ang paningin sa paligid. Madilim, maliblib, malamig. Subalit hindi iyon dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

Tumingin ako sa mahaba ang marupok na tulay bago napabuntong hininga. Gusto kong pumunta sa dulo ron pero hindi na pwede.


Lumapit ako ron at mapait na ngumiti nang makita ko ang bike na iniwan namin noong high school pa kami na hanggang ngayon ay nandoon pa rin.


Nangangalawang na. Nasa gubat ako kung saan niya ako dinala noon, pero hindi man lang ako natakot. Gusto ko lang balikan ang lugar na iyon pero hindi na maaari.

"Hello?"


Sinagot ko ang tawag sa kabilang linya. Hawak hawak ko ang isang maitim na payong habang sunod sunod na umalis sa lugar na iyon.


"Nakauwi ka na ba?" Ani ng kaibigan ko. "Papauwi pa lang." Sagot ko rito. "Gusto mo sunduin na kita?" Umiling ko kahit hindi naman niya iyon nakita.


"It's fine, I can take care of myself." Nang makalabas ako ay nasa gilid ako ng high way.

"Mukhang uulan pa naman." Saad ni Lance. Tumingala ako sa langit at tama nga siya.

"Oo nga pala, sabi ni Jaden punta ka raw sa bahay niya, inimbitahan tayo may surprise daw siya, e'"

Napakunot ako ng noo. "Sure." Tinapos na namin ang tawag kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.

Bumuntong hininga ako at muling tinignan ang langit. It's been years, how is him?

Ang dadaya nilang lahat. Mga mang-iiwan.

But I'm used to it, nasanay na ako pero iyong sakit hindi parin nawawala.

Tumunog ang cellphone ko at bumusangot nang makita ko ang message ni Jie.

Sa lahat lang ata ng nang-iwan sa akin, si Jie lang ata ang bumalik. Akalain mo nga 'tong siraulong 'to, nagtatago lang pala ng ilang taon.

Pero hanggang ngayon, sinisisi niya ang sarili sa pagkamatay ni Roy dahil kung sana ay tinanggap niya ang kasal, hindi mangyayari ang kaniyang pagka-wala habang buhay.


Pumunta ako sa bahay ni Jie at nagtaka dahil wala namang surprise ang nandoon.


"Joke lang, wala talaga siyang sinabi na surprise." Tumawa si Lance. Tanging kaming magkaka-ibigan lamang ang nandoon sa kaniyang salas.


Nagkaroon kami ng mini reunion. Pinagmamasdan ko sila. Sila 'yong mga taong unang tumanggap sa akin sa unang araw ng klase.

Sayang dahil wala na si Xin

Kumusta na rin kaya siya? Siguro nag-aaway na sila ngayon ni Roy sa langit. Siguro pinipikon na niya ito.

Natawa ako sa sariling imahinasyon. "Ikaw Kianna, baka may balak kang magka-asawa." Ngumiwi ako.


"Wala akong gana."


"May kilala akong gwapo." Mas lalo akong ngumiwi. "Wala akong pakialam." Tanging siya lang ang gwapo sa paningin ko.


"Pero, Ki sorry talaga. Siguro kung hindi ako nagtago, mabubuhay pa siya." Sincere na paumanhin ni Jie.

Tumingin ako sa kaniya, hindi ko naman siya masisisi. Wala talagang makakapagpatigil sa tadhana.

Sabi nila, may dalawa daw tayong pinaniniwalaan. Una, ang ating kapalaran ay nakasulat na sa ating mga palad na tanging Diyos lamang ang gumawa simula nang tayo ay iniluwal sa mundo.

Pangalawa, tayo ang sumusulat sa sarili nating kapalaran, tayo ang nag-desisyon, tayo ang mismong gumawa. Nasa iyo na kung ano ang gagawin mo sa buhay mo.

Nakakalito hindi ba? Hindi mo alam kung saan talaga ang totoo?

Pero para sa akin, nakasulat man iyan o hindi, tanggapin na lamang natin kung ano ang nakuha nating kapalaran sa buhay.


Tatanggapin kahit masakit.

Umaasa ako na sana may susunod na buhay pa. Na sana sa susunod kong buhay siya pa rin ang bidang lalaki sa aking kwento.

O kahit sa kwento man niya, ayos lamang sa akin na isa lamang akong extrang tauhan basta lamang ay makita ko lamang siya.

Ayos lamang kahit hindi ako ang bidang babae sa kaniyang kwento basta masilayan lamang siya.

Kung nasa loob pa lamang ako ng kwento, gusto kong sisihin ang may akda.

Kung bakit ganito ang pinili niyang wakas sa kwento ko? Bakit ginawa pa niya akong pangunahing tauhan kung sasaktan niya lamang ako?

Kung hindi lang naman pala kami ang magkakatuluyan ng lalaking bida sa kwento namin.

Kwento namin? Kwento ba talaga namin 'to? Kung ganon, bakit kami ang nasasaktan. Bakit hindi kami nagkatuluyan? Bakit hindi ibinigay sa amin ang wakas na kung saan ang dalawang bida ay ipinakasal at masaya sa dulo ng kwento?

Para ano? Kung ganon, isara na niya ang kwentong nilikha niya dahil nasasaktan na ako.

Dumiretso ang aking tingin habang naglalakad papauwi. Walang ka-tao tao sa kalsada kaya wala akong masasakyan.


Habang naglalakad papauwi, bigla na lamang may tumakas na luha sa aking mata na agad kong pinunasan.

Hindi ko na alam kung paano kontrolin ang sarili ko, mas lalo akong nangulila sa kaniya.

Napahinto ako sa paglakad nang makita kong nasa harap ako ng paaralan namin dati.

Parang may bigla akong naalala habang nakatitig doon. Nasa Carmil ako ngayon. Pinunasan ko ang luha at tinali ko muna ang buhok ko ng double bun bago nagpatuloy.

Maganda ang sikat ng araw at tama lamang sa aking balat.

Nang mula sa likod ko ay may paparating na sasakyan. Kumunot ang noo ko dahil napakaingay ng nakasakay doon. 

Tinignan ko ang likod ko at isang school bus na may sakay na mga estudyante. May kumakanta, kumakain, nag-chichismisan, sumasayaw sa upuan at nagsisigawan, isali mo na ang naglalaro. Sumingkit ang mata ko.

"Psst, hi, maganda!" Rinig kong sigaw ng isang lalaki na nakadungaw sa bintana at nakangiti akong tinignan pagkatapos ay tuluyan nang lumampas ang school bus habang malakas ang pag-andar nito. Nahahawi pa ang buhok at palda ko.

Napangiwi ako at umiling. Akma kong iginalaw ang mga paa ko upang umalis na, nang isang papel ang dahan dahang nalaglag sa harapan ko.

Kumunot ang noo ko at napatingin muli sa bus na batid ko ay doon ito ng galing. Napakurap ako ng mata.

Dahan dahang akong umupo upang damputin ang kulay asul na papel at tinignan ito. Normal lang naman 'yon at pagmamay-ari ata ng isang pasahero.

Bibitawan ko na sana ito  nang mabasa ko ang sulat kamay na nakalagay sa lumang papel.

To: Kianna

From: Roy

Napatigil ako't pakiramdam ko muntik ko nang mabitawan ang hawak hawak kong papel. Dahan dahan akong sumulyap sa lumampas na bus.

Roy. . .?



Wakas. . .





• YMLS • | INSENY |

Can You Be My King? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon