Chapter 20

29 7 0
                                    

KIA

"MA, ako na manghugas." Sumingit ako sa gilid ni mama at binawi ang hawak hawak niyang plato na kasalukuyan niyang sinasabunan ng bareta.

Gumuhit ang pagtataka sa mata niya pero nginusuan ko siya na parang tinataboy. Umiling iling siya at umalis matapos nanghugas ng kamay.

"Ma, ako na rin ang mag wawalis!" Sigaw ko nang makitang akma siyang magwawalis. "Ako na maglalaba bukas, maglilinis ng cr, lahat! Matulog ka na lang. Ito naman gusto mo, e. Ang mag trabaho ako."

Ngitian ko siya ng matamis. Nang, bumeywang siya habang hawak hawak ang walis. "Pinaglalaruan mo ba 'ko, Queen Kianna?"

"Hindi kaya." Inosente akong umiling at tinapos ang paghuhugas, sinunod ko ang pagwawalis at lahat na lamang ng gawaing bahay bago ako pumasok na may malawak na ngiti.

Naks.

honeybunchsweetypotatowithloveko: where r u.

Huminto ako sa paradahan ng jeep at nag reply na papunta na 'ko.

honeybunchsweetypotatowithloveko: hurry up

kia: bakit atat na atat ka may gagawin ka ba sakin o ano mwehe miss mo ba ko joke lang pero d ako nag jojoke miss moko no joke

honeybunchsweetypotatowithloveko: okay.

"Ay." Napakamot ako sa batok dahil sa reply niya. Isang linggo pa lang kaming dalawa tapos ang cold na niya, ah. Pero at least boyfie ko na siya. Ehi. Pagdating ko sa gate ng school tumakbo ako papasok.

Halos kulang na lang hagkan ko ang guard para makita niya kung gaano ka kulay ang mundo ko ngayon.

"Manong ang pogi mo ngayon!" Syempre ngayong araw lang, kasi happy mood ako.

Tinalikuran ko na siya at hinawakan ang strip ng bag. Marami akong ichi-chika kay Hera today.

Pero nagulat ako nang mabangga ako sa isang tao kaya agad akong umatras at yumuko. "S-sorry." Pagtingala ko, napapitok ang mata ko't ngumiti sa kaniya.

"Ikaw pala 'yan." Isang awkward na ngiti ang binigay ko sa kaniya. Shems, ang pogi. Syempre medyo inipitan ko boses ko.

At least sa kaniya ko lang iniipit boses ko, boyfriend ko, e. Hindi sa lahat ng lalaki, ew.

"Hm."

Tinaas niya ang isang kilay at halatang kakarating niya lang din dahil may bag pa siyang hawak.

ISANG malakas na tawa ang tumakas sa bibig ko habang sinampal sampal ang kaniyang braso. Kasalukuyan kaming sabay na naglalakad papasok sa room.

So, ganito ba 'yong may jowa ka na, no. Parang araw araw mo na lang gustong ngumiti. Pero bakit sa kaniya parang hindi.

Huminto ako sandali at napangiwi nang medyo nabibigatan ako sa bag ko at nagpatuloy sa pag kwento kahit mukha naman wala siyang pake.

"Alam mo ba 'yong kwento ng mga bituin?"

Tumingin lamang siya sa'kin. "Noon kasi raw, magkasama ang Buwan at Araw. Mag-asawa sila, gusto ni Buwan na magka-anak sila pero sa kasamaang palad, hindi ito nagawa ng asawa niya kaya iniwan siya nito at nagkipaghiwalay."

"Pero isang araw nagulat na lamang si Buwan sa pag-sapit ng gabi dahil may mga nagniningning na mga bituin ang kaniyang nakikita sa kalangitan na sila palang iniluwal ni Araw na kanilang mga anak,"

"At doon na niya naalala ang asawa niya, nagsisi pa nga siya no'n, e. Dahil simula no'n, 'di na sila nag kikita pa kahit lingid lang naman sa kaniyang kaalaman na maling oras lang ang nilalabasan nila."

Can You Be My King? Where stories live. Discover now