Chapter 9

36 9 0
                                    

KIA

SIN TAHIMIK ng hangin ang paligid habang ako'y pinagmamasdan siyang naka-upo sa aking tabi, nakatingala sa langit habang hindi parin nawaksi sa kaniyang damdamin ang takot at pangamba. Ganon na ba siya katakot sa dilim?



Hindi siya nagsasalita, basa ang mga mata ng luha, kahit ang kaniyang emosyon ay hindi ko ma wari, hindi ko makuha, hindi ko makita.



"I'm always afraid of the dark."




Sa unang oras na 'yon, doon lamang siya nagsalita sa paglipas ng ilang sandali. Nakakunot ako ng noo dahil lumunok ito kaya tumaas baba ang kaniyang adams apple, klarong klaro iyon dahil nakatingala siya sa madilim na langit na may nagliliwanagang mga bituin at buwan.




"My… my mom… I saw her and… d-dad…" Mukhang nahihirapan siya sa mga letrang gusto niyang ibigkas at bahagya pang nanginginig ang boses niya. Yumuko siya at agad pinunasan ang luha. "Roy, hindi mo naman kailangang sabihin kapag natatakot ka, ayos lang-"



Bumaling siya sa akin. "I want this to get rid of me." Hindi ako nakapagsalita kaya napatulala ako dahil hindi ko iyon inaasahan. Pero kahit ganon may parte sa akin na malaman kung bakit siya takot sa dilim.




"I was on my first day of school at that time, I was holding my paper and feeling excited while running towards my mom's office to show what I did. I finally knew how to write a letter."



"When the time I got entered, the room was dark, I can't find the switch and if I can, I can't get to switch it on because of my height." Pumikit siya at hinilamos ang palad sa kaniyang mukha. Hirap na hirap.




Well, that's anxiety.



Sandali akong tumitig sa kaniya habang may awa, dahan dahan akong lumapit at mas tumabi sa kaniya. Ang aming mga paa ay nakaluwa sa railings ng rooftop kaya napasampay ito sa hangin. "Shit." Napakuyom siya. Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi na siya nagsasalita kaya hinawakan ko ang nanginginig niyang kamao.



Hindi na ako nagtaka nang maramdaman kong ang lamig niya. "Magsalita ka pa, makikinig ako." Sabay hawi ko nito upang makita ko ang natatakpan niyang gwapong mukha. Ang inaasahan ko ay iiwas siya subalit hindi ako nakapa-react nang dahan dahan niyang sinubsob ang mukha sa aking leeg. Kahit pawisan siya, ang bango niya pa rin.



"I heard some moans and the tone of a kiss. I thought it was just dad and mom but someone opened the door wide, giving me a little bit of light. I was supposed to call my mom but m-my smile ruined when I saw her kissing another guy."



"Nabitawan ko ang hawak kong papel pero napasigaw ako sa takot at pangamba nang bigla akong makarinig ng putok ng baril. Nakita ko mismo sa dalawa kong mata ang pagdanak ng dugo ng kahalikan ni mommy. Nakakita ako ng taong pinatay sa harapan ko sa edad na a-anim."



"The scariest part is my dad killed my mom's boyfriend, and he is my dad's cousin. Magmula ng mga oras na 'yon, natatakot na ako sa dilim. That's how my anxiety built. Natatakot ako kasi, pinsan nga niya kaya niyang patayin kami na kaya na anak lamang niya?"




Inilayo niya ang mukha subalit nanatili siyang nakayuko habang nakatitig sa aking leeg. "Hindi malabo 'yon dahil hindi niya mahal ang asawa niya, ganon din kami. P-pero hindi pa doon natatapos ang pinaka-tinatatakutanan kong araw dahil tinutukan niya ng baril ang mommy ko. I saw it, he wanted to kill her but my mom pointed me, she made me as her excuse to not kill her.."




"I have a feeling that, if I wasn't there at that time we would have had a…  stepmother now…"




Pinunasan niya ng mariin ang kaniyang luha bago tumayo kaya napatingala ako sa kaniya. Natahimik kami ng ilang minuto, hindi ko din kasi alam kung anong isasagot ko. Bago pa sa'kin 'to. Kung ang ilang tao ay takot sa dilim dahil sa multo pero si Roy ay naiiba. Takot siya sa dilim hindi dahil doon, dahil sa nangyari sa kaniya noon.




Can You Be My King? Место, где живут истории. Откройте их для себя