Chapter 2

53 13 2
                                    

KIA

"HERA, Jaden, Xin, Lance, squat thirty minutes!" Natawa ako habang tumatakbo noong narinig ko ang pag-tawag ng pangalan ng mga kaibigan ko para mag squat.



Mga bugok!



Mas binilisan ko ang pag-takbo at tinulak ang pinto habang hinihingal. "Hi ma'am, good morning!" Ngumiti ako at umayos ng tayo pagkatapos ay hinawakan ang bag.





"And you too, Kianna. Samahan mo ang mga kaibigan mo, sa likod!"





Napabagsak ako ng balikat. "Ma'am, ano?!" Hindi ko mapigilang mapa-padyak lalo na noong narinig ko ang tawanan nila. Mas lalong tumaas ang irita ko.





"Oh, bakit? Late ka. Punta na sa likod." Napakamot na lamang ako sa batok at mabibigat ang mga paa na tumabi sa kanila ang nag squat.





"Roy, nandito na pala love of your life mo." Bigla kong narinig ang pagsabi ng isa sa mga ka-klase ko. "Hi, Roy." Humagikgik ako at nginitian siya kahit nakatalikod. Hindi man lang ako pinansin.




Well, ganiyan naman siya, eh. Ilang taon ko na ba siyang hinahabol? Mag-dadalawang taon lang naman. Hehe. Hindi naman siya masakit. Parang kagat lang ng langgam.





"Kia." Bumusangot ang mukha ko nang marinig ko ang boses ni Lance. "Bakit?" Hindi ko ito binalingan at napapikit nang may bumato sa akin ng papel. "Ang ganda mo naman, puwede ba kitang ligawan?" Biglang nagtawanan silang apat.





"Ayie, tapos mag-kakaanak kayo ng mukhang palaka." Singit ni Jaden. "Ah, talaga, Lance?" Bumaling ako sa kaniya at pasimpleng tumayo ng maayos. "Oo, mahal. Pa-kiss nga. Ganda naman." Hindi mapigilang hindi matawa ni Hera at sinampal ang likod ko ng mahina.





"Sige na daw, Ki." Bahagya pa itong nag swag. Biglang kumanta si Xin na pang tugtog ng kasal noong pasimpleng lumapit sa akin si Lance. Napangisi ako at sinabayan siya sa trip niya.







"Sige, lapit dito mahal." Madrama akong hinawakan ang kaniyang pisngi at noong dahan dahan na siyang lumapit agad ko siyang sinampal. "Uy, gago!" Humalakhak si Xin at biglang sinapak ang ulo ni Bom na wala namang ginawa kung hindi ang nakaupo lang at nakikinig.





"A-aray!" Agad niyang tinakpan ang bibig nito. "Kia, bakit mo 'yon ginawa?" Umatras si Lance habang kagat kagat ang labi. "Ingay mo, tanga." Natatawa kong saad.





"Mr. Gixton!" Lahat kami napaatras at napatakip ng mukha noong ibinato ni ma'am ang eraser at dumiretso iyon sa mukha ni Hera.




"Gag.." Napabulong siya at halatang gustong mga mura. Napatakip ako sa bibig at gustong kumawala ang tawa ko subalit mas pinili ko siyang lapitan. "M-ma'am, bakit, po?" Nanginginig ang boses ni Xin, halatang takot pero natatawa.




"Oh, panyo." Tumikhim si Lance at kinuha ko ang panyo niya. Binawi iyon ni Hera sa kamay ko at siya mismo nag punas.




"Hindi ba sabi ko sa inyo mag squat kayo! Bakit kayo nag kasal kasalan diyan?! May sinabi ba ako, Ms. Berdera?! Umayos kayong dalawa diyan ni Mr. Ybañez, ilalabas ko kayo."




Ouch ha.





Bigla silang naghiyawan kaya pumuno sa aming classroom ang mga tinig nila. "Silence! Kayo talagang lima ang napaka-siraulo, maingay at higit sa lagat matitigas ang ulo. Mamatay ako ng dahil sa inyo! Remain squat!"






Sigaw nito at tumalikod pagkatapos ay nagsulat ulit sa board. "Sorry na, Hera." Nakakamot na sabi ni Xin. "Hinaan mo kasi bunganga mo." Akma niya itong sunggaban pero pinigilan niya ang sarili ta umirap.





Can You Be My King? Where stories live. Discover now