Chapter 3

43 9 1
                                    

KIA

SABADO ngayon, nakatulala ako habang hinihintay na mapuno ang tubig sa lalagyan habang hawak hawak ang tabo. Napahikab ako at napakamot sa aking likod.

Ilang minuto ako sa banyo bago umalis at nagbihis matapos maligo. Paglabas ko sa pintuan ng aking kwarto, napakatahimik ng bahay. Wala na kasi si kuya dahil sa trabaho niya't pag-aaral na din at si ate naman ay pumunta na sa kaniyang bansa. Kaya kami na lamang ni mama ang naiwan.


Napangiti ako ng mapait habang nakatitig sa aming hapag kainan. Mag-isa lamang si mama na kumakain. "Ma, hindi mo man lang ako ginising." Kunwari ay masungit kong sabi pero sa totoo parang may tumusok sa puso ko.

Tumingala siya sa akin. "Ah, ikaw lang pala. Hindi kita ginising, baka kasi mag rerebelde ka kapag ginawa ko 'yon, kain na, anak." Lumapit ako sa kaniya at umupo sa harapan.


Hindi na pareho dati ang bahay. Wala nang maingay at hindi ko na naririnig ang nakakairitang boses ni kuya at ang pagrereklamo ni ate. "Ikaw na lang mag hugas ng pinggan, aalis na ako." Pilit akong ngumiti. "Opo, ma."


Kahit kulay ay nawala na rin. Ganon talaga kapag marami kayo ano? Maganda at maingay ang paligid pero kapag kunti lamang kayong dalawa nakakawalang gana.

Nakakamis.

Ibinigay ni mama ang susi bago lumabas ng pinto kaya ako na ang naiwan. Biglang lumandas ang munting luha sa aking mata. Kasi naman, dati umagang umaga puno na kami ng bulabog, na parang araw araw sa bahay namin may giyera.


Namimiss ko din kapag sisitahin kami ng mga kapitbahay namin dahil sa kaingayan. Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Ayaw ko nang mag drama. Masisira lamang ang beauty ko. Chors.



Nilisan ko ang buong bahay pagkatapos ay pumunta sa kwarto. Inayos ko ang aking buhok tulad ng nakasanayan bago sumampa sa kama nang may bumato sa aking bintana. Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko ang apat kong bugok na mga kaibigan habang sakay sakay sa bike.



Si Hera ay nakaangkas sa bike ni Xin habang si Lance at Jie ay may sariling bike. "Bumaba ka na d'yan!" Sigaw ni Hera habang umiinom ng ice water. Napatawa ako. Isang anak mayaman umiinom ng ice water na tig-pipiso. "Masarap pala 'to. Ano ba tawag nito?" Narinig kong tanong ni Jie noong umalis ako sa kwarto at dali daling pumunta sa likod ng bahay.

Napangiti ako noong makita ko ang bike ng ate ko. "Hi, fast hihiramin muna kita." Tinanggalan ko ito ng kadena. Ni-lock ko muna ang bahay at nag-iwan ng note sa harapan ng pinto bago lumapit sa kanila na ngayon ay parang nagtatalo.



"Ha? May colored kasi so candy color ice tawag nito." Kunot noong saad ni Jie habang naiirita. "Anong candy colored ice pinagsasasabi mo? Upakan kaya kita." Siga na sabi ni Hera. "Color ice siguro." Nag smirk ito at pinag-cross ang braso. Nagkatinginan silang lahat at napatango.


"Ah, iyon pala tawag. Sige, bili tayo sa susunod ng colored ice." Napataas ako ng kilay at napatingin sa bagay na pinagtatalunan nila. "Mga siraulo, hindi color ice or colored candy ice tawag d'yan." Bigla akog humalakhak. Mga bugok nga naman. Mukhang ako ata ang matalino sa amin ngayon, ah.





"Ice candy 'yan!"



Pagkasabi ko non ay hinablot ko ang kulay violet na ice candy sa kamay ni Jie na hindi pa nabubuksan. "Tara na nga. Hirap kasi anak mayaman." Humawak ako manobela ng bike at nagsimula nang sumipa.



"Sorry naman."




Sabay kami habang nag ba-bike sa kalsada. Walang halos dumadaan at sakto lamang ang tirik ng araw. "Punta tayo sa natuklasan naming lugar, Ki maganda doon." Saad ni Lance.



Can You Be My King? Where stories live. Discover now