Chapter 6

37 8 0
                                    

KIA

"WE'RE here." Inihinto niya ang kotse at bumaba na parang wala siyang ginawang kalokohan kanina. Pasimple akong napahawak sa pang-upo ko bago napapitok ng matang lumabas sa kotse. Hindi man lang ako binuksan at nagpatuloy sa paglakad papasok sa isang moderno at malaking bahay.



Haha, 'di 'yon masakit, 'no.



Lumabas ako at sinubukang sabayan siya, biglang bumukas ang ilang sa aking katawan noong pinagtitinginan ako ng mga katulong. Dzuh, wala pa silang work?




"T-teka lang," Inayos ko ang sarili noong nakalapit na ako sa tabi niya. Pumasok kami sa isang malaking pintuan na batid ko ay main door ng kanilang bahay. Bigla itong bumukas at agad kong inilibot ang paningin sa loob.




Malawak at napakalinis ng kanilang sala. May mga couch at malaking tv, hindi nawala ang mga nag gagandahang mga design sa bawat kagamitan nito. "Hoy, saan ka pupunta?" Hindi niya ako pinansin at basta na lamang naglakad papunta sa isang silid.




Napakamot ako sa batok at muling inilibot ang paningin subalit atomatikong napahinto nang may nakita akong taong nakahiga sa couch. "Jaden?" Kumunot ang aking noo at tumingin sa kaliwa't kanan bago dahan dahang lumapit dito habang nagtataka. Nakahiga siya at hindi niya ako nakikita dahil busy sa cellphone. Wow, parang walang gagawing project, ah.




Wala ba 'tong pangarap sa buhay?




Sino ba partner nito? Kung ako siguro kapares niya sinabunutan ko na siya sa buhok, e.




"Oh, putangina mo, luhod!" Bigla siyang sumigaw subalit agad tinakpan ang bibig at bumaling baling. Napatakip ako din ako ng bibig. "Jie, ikaw nga!" Sinampal ko ang kaniyang batok kaya atomatiko siyang napabaling sa akin habang hawak hawak ang sinampal ko. "A-aray!" Huminto siya at gulat na napatulala nang makita niya ako, halatang hindi niya inaasahan.




"Kia? Anong ginagawa mo dito?" Tumikhim siya at nakangiti naman akong tumabi dito, mabuti na lang at nandito siya sa bahay nila para naman may kausap ako. "Gagawa ng project. Anong pinapanuod mo-" Mabilis niyang inilayo ang cellphone at pinatay iyon. "Wala 'yon, woi!"



Ngumisi siya sa akin kaya napailing na lamang ako. Tumikhim siya at muling in-on ang cellphone niya. "Nuod tayo video." Mas sumiksik ako sa kaniyang tabi habang may hinahalungkat sa kaniyang phone. Habang hinihintay si Roy ay nanuod kami ng mga nakakatawang video sa cellphone ni Jie. Baka mamaya nito may susulpot na ano.



Nong una, hindi naman medyo nakakatawa pero lumipas ang ilang minuto ay parang mapupugto na ang aming hininga. Natawa ako ng malakas at sinampal ang kaniyang balikat, pati rin siya'y hindi matigil sa pag-tawa. Dinuro niya ako habang unti unti nang napahiga sa couch. Sapong sapo ang tiyan.



"G-gagi, tama na-"


Sabay kaming nagulat at naputol ang tawa nang may isang bagay ang malakas na bumulabog sa aming harapan. Napakunot ako ng noo nang makita ko ang dati namang seryosong mukha ni Roy habang padabog niyang inilagay ang tray sa bildong mesa.



"Why are you two laughing?" Tanong niya iyon sa aming dalawa pero sa akin siya nakatutok. "Ah, nanunuod lang. Pagkain ba 'yan? Pahingi," Tumayo siya sabay hablot ng isang brownies ata tawag non. "Hindi 'yan para sa 'yo." Malamig na tinig niya. Kinagat ni Jie ang pagkain at hindi siya pinakinggan, bumaling ito sa akin at inilapit sa aking bibig.



"Ah."



Sandali akong napatingin sa kaniya at muling bumaling kay Roy, nagtaka ako dahil kumunot ang kaniyang noo na parang naiirita. Ibinuka ko na lamang ang aking bibig upang kainin iyon nang may nag-salita galing sa main door. "Good evening, we're home-- Oh God, who is she Jaden Drixx? Is she your girlfriend?"




Can You Be My King? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon