Chapter 21

21 7 0
                                    

KIA

"PAHIRAM ng walis!" Ngumiti ako habang tinitignan ang kaniyang labi. "Konting pout lang." Hagikgik ko at ipinakita ang lip gloss.

Bumuntong hininga siya na parang nagpapasensiya at unti unting nginuso ang mapupula niyang labi.

"Wala ba kayong walis, ha!"

Hindi ko pinansin ang mga sigawan sa loob ng room at nakatutok lang ako kay Roy na tahimik na sinusunod ang mga sinasabi ko.

Umatras siya at nag-inat ng katawan. "I give up, you make me look like a gay." Nilakihan ko siya ng mata kaya agad siyang natutop.

"Oy, Roy! Pinapatawag ka raw sa principal!" Sabay kaming huminto at tumingin sa labas. Agad ngumiwi ang mukha ng isa naming kaklase habang pinagmamasdan kami.

"I'll be back." Tumango ako at lumabas naman siya. Naiwan ako sa upuan ko at tumitingin sa sulok

"Ang yayaman niyo wala kayong walis?! Nag-aral pa kayo sa private tapos wala man lang kayong walis sa room, ew, yucks."

Biglang ratrat ni Hera habang hawak hawak ang walis sa kamay. "Gagi, sira lahat ng walis namin, Hera." Pagtatalo ng taga kabilang section.

"Oh, eto na nga." Inilahad niya ang walis sa harapan ni Brid pero agad niya rin itong inagaw. "Ayoko nga, sinabihan mo 'kong panget noong nakaraang araw."

Pinag-cross niya ang braso niya. "Bakit, panget ka naman talaga, ah?" Lumaki ang mata ni Hera na parang hindi makapaniwala.

Madrama niyang hinawakan ang dibdib. "How dare you!"

Medyo nasa kanila na ang kalahating atensyon ng buong room. "Ay, wow. Ikaw pa 'yong nanghiram, ikaw pa iyong suplada?"

Hinawakan niya ang kaniyang dibdib. "Umalis ka nga d'yan. Papahiramin naman talaga kita kaso ginagalit mo 'ko, e. Huwag na lang. Bumili ka ng sa 'yo."

Tumalim ang paningin ni Brid at pumadyak. "Ah, talaga." Ngumiti siya ng masama at nag walk-out. Lumapit ako sa kaniya at pinatingin sa'kin.

"Ba't mo ba 'yon pinatulan?"

"Ayoko sa kaniya, eh. Sinabihan pa akong panget"

"Totoo naman talaga, pero sana huwag ka nang magalit."

"Master, kalma. Oh, ito water." Binigayan siya ng tubig ni Xin. "Tabi mga panget sa daan!" Sabay kaming napa-pagilid nang dumaan si Lance sa aming harapan habang baba niya si Jie.

"Aray! Ano ba!" Napayuko ako at nagulo ang buhok ko nang mahinang sinampal ni Jie ang likod ng ulo ko nung sila'y makalampas sa'kin.

Bumulalas ito ng malakas na tawa. Biglang nawala si Xin at lumapit kina Pouline at pagbalik niya may dala na siyang pagkain.

Binigyan niya kami ng bubble gum at agad ko namang nginuya. Nagpatuloy sila sa pag-gawa ng mga kalokohan nila sa loob nang room habang si Hera ay may kinakausap sa labas ng room.

"Hera!"

"Huh." Tumingin siya rito at nagulantang kami nang tinulak siya ng isang lalaki. Si Jerome. Agad kaming natahimik, naramdaman ko ang paa ko na agad tumakbo sa kaniya.

"Loko ka, ah." Sigaw ko nang 'di makapagsalita si Hera. "Inaaway mo ba girlfriend ko? Ang kapal ng apog mo, ah." Bumaling ito sa akin.

"Ikaw ding babae ka, kala ko kinaka-ganda mo na 'yan?" Tinulak niya ako sa braso kaya napa-atras din ako.

"Gago ka ba, pre?" Biglang humarang sa aming harapan sila Xin, Lance at Jaden. Kinakabahan kong hinila sila papa-atras. Makakalikha kang sila ng gulo.

Can You Be My King? Where stories live. Discover now