Chapter 25

21 7 0
                                    

KIA

BIGLANG nanahimik ang mga tao sa loob ng studio habang emosyonal na tumitingin sa akin matapos akong magkwento.

Nanatiling nakatutok sa akin ang spotlight habang pilit na ngumingiti sa host na napaawang ang bibig.

"S-so. . ." Peke akong tumawa at bumaling sa mga audience at muling bumaling sa host na may pekeng ngiti.

Ano, magtitinginan lang ba kami rito.

"Y-yor mom died?" Nawala ang ngiti ko at tumango. Kumurapkurap siya at umiwas nang tingin pagkatapos ay ibinaba ang mikropono.

"That. . . That was so sad." Tumingin siya sa mga audience at kunwari ay pinupunasan ang mga luha.

Binahagi ko kasi sa kanila ang kwento ko sa buhay ko pero hindi ko na kinwento iyong pag-iwan niya sa'kin.

"But, it was great that even if you've had a hard time in your life, you got her, you woke up from the biggest nightmare that happened to you."

Tumango-tango siya at pumalakpak naman ang lahat nang nandoon. Ngumiti rin ako nang propesyonal at tinignan ang mukha ko sa monitor.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na nangyari nga ang pangarap ko. Ibang iba na ang hitsura ko ngayon.

"Hm, how about your first love? Do you have any stories about it?" Ngumiti siya nang matamis na parang 'di umiyak kanina.

Napatulala ako saglit sa kaniya lalo na noong nagsimula nang humiyaw ang mga tao.

"First love?" Tumingin ako sa itaas at natawa bago umiling. "I never had a lover before." Sinungaling.

Bumilog ang mga bibig nila at pumorma nang "o" We continued the show until midnight came. "Thank you, Ms. Kia for coming, it was a pleasure to see you!"

I was exhausted when I stepped outside at the station and a lot of flash cameras automatically hittens my face.

I heaved a sigh and wore my shades. I can finally feel and understand the celebrities why they're always wearing a black shades whenever they are everywhere.

Dahil nakakasira sa mata ang flash!  Nakakainis din ang mga paparazzi na nagkukumpolan matapat lang sa bibig mo ang mikropono.

The guard opened the car door for me and I stepped in and sat. Hinubad ko ang suot na shades at bumaling sa mga taong sa labas at umiwas nang tingin.

"Hm, how about your first love? Do you have any stories about it?"

Muntik na akong matawa sa sinabi niya. First love my ass. "Delia, check my schedules." Sabi ko habang tinatanggal ang itim na coat. Pilit iniwaksi ang ala alang iyon.

"You don't have any schedules ma'am for one day." Ngumiti siya habang tumango tango. Nag-inat ako nang katawan.

"Bring me home." Mabilis na pinaandar ng driver ang sasakyan papunta sa bahay ko.

Pagod kong tinanggal ang sandal at naglakad sa salas na naka-paa.

Umapak ako sa hagdanan papunta sa kwarto ko nang makarinig akong may nabasag sa kusina.

Bumagsak ang mga balikat ko at sumigaw. "Sani!" Malapit ko na talaga siyang katayin. Araw araw na lang.

Kala ba niya tig-sisingko lang iyong mga baso ko sa bahay?

Nakaring kaagad ako nang mga tumatakbong paa papunta sa kusina na batid ko ay katulong upang ligpitin ang kalat ng pusa.

Kunot noong umakyat ako sa sariling kwarto at ibinagsak ang sarili sa malambot na kama. Tinanggal ko ang kahit na anong hairpin na nakapwesto sa aking buhok at humihikab na kinuha ang cellphone. Biglang bumuhaghag ang buhok ko.

Can You Be My King? Where stories live. Discover now