Chapter 07

912 109 6
                                    

Chapter 07

"Oh, tapos?" tanong ni Althea habang dikdik na dikdik ang mukha niya sa akin. Simula nang malaman niyang sa Peterson na ako nakatira, hindi niya ako nilubyan ng mga tanong niya.

"Tapos na." sagot ko. Napamewang naman siya at maya-maya binatukan ako. Aray ah!

"Gaga ka talaga! Hindi ka man lang ba kinikilig? Like, ghourl! You're lucky because you are living with them! Hellow!"

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Kiligin? Like, ghourl! Why do I need to feel that kilig-kilig if I am living with them nga? Isa pa, hindi ako lucky 'no. Nakakabwisit kaya 'yang si Kios." iritang sambit ko.

"Ackk! So, nakakausap mo nga sila? Edi lucky ka talaga! Hoy Sab, maraming babae ang nagkakarandarapa sa tatlo ma-notice lang sila. Tapos ikaw, ni-walang interview na naganap, tanggap ka agad." napangisi ako sa sinabi niya.

Mayroon kaya.

"Ako pa? Sabrina Silveste, 'to 'no." sagot ko na ikinatawa niya. Nawala din agad 'yon nang biglang sumulpot si Jayden sa tabi niya.

"Hello, ladies. Good morning," he greeted. Ngumiti naman ako unlike kay Althea na nakasimangot.

"There is no good in the morning." sagot ni Althea at inirapan ito.

"But at least, there is handsome in the morning."

"And who?"

"Jayden George. The most handsom—ouch! Bakit ka ba nambabatok?"

"Kapal kasi ng mukha mo!"

"Bakit may manipis bang mukh—aray! Pangalawa na 'yan, ha!"

"Wala ngang manipis, pero 'yong sobrang kakapalan ng mukha, kuhang-kuha mo na!"

"At least guwapo."

"Unggoy naman."

Habang sila nagbabangayan, inuubos ko na ang milktea nila.

Sayang e.

Pagkatapos namin kumain sa Cafeteria ay agad akong pumasok sa PR ng tatlo. Gusto pa sana sumama ng dalawa kaso baka malintikan ako ng tatlo.

"Good morning, Kuya." bati ko sa Guard at saka pumasok sa loob. Hindi niya na ako pinipigilan. Alam niya na ako ay Maid ng tatlo. Siya lang ang nakakaalam.

Hindi naman halata ang pagpunta ko sa PR dahil may tinuro sa akin si kuyang Guard na ibang daanan na hindi nalalaman ng ibang estudyante.

Pagpasok ko, tumambad sa akin ang malaking screen habang nakasalamin silang tatlo na akala mo ay Professor ang datingan.

Pogi nga talaga sila.

Yumuko ako at lumapit sa kanila.

"May ipag-uutos po ba kayo?" nahihiyang tanong ko.

"Did I call you? You can enter this private room with my permission. Now, get the hell out." masungit na sabi ni Lethal.

Malay ko ba. Mamaya ay nagugutom pa sila at gusto nila akong utusan, hindi pa naman nila alam number ko.

Tumango na lamang ako sa kahihiyan at aalis na sana nang biglang umepal na naman si Kios.

"Buy me one milktea and one girl." nakangising sabi niya. Kumunot naman ang noo ko. Pinagsasabi nito?

"Anong one girl?" bwisit na tanong ko pero hindi ko pinapahalata. Kapag si Kios talaga ang kausap nakakatagal sa oras e. Pasalamat siya, Boss ko siya.

"Isang babae. Don't you understand the language of english?" natatawang sabi niya. Napairap naman ako. Ano ako bobo? Bwisit.

Living With Peterson BrothersWhere stories live. Discover now