Chapter 55

536 56 29
                                    

Chapter 55

Hindi ako makagalaw. Sobrang bigat sa pakiramdam. Sa nakikita ko, walang reaksyon ang mga mukha nila. Ibang-iba sila sa nakilala ko noon. Wala na 'yong reaksyon na hinahanap ko sa kanila dahil ngayon, ang nakikita ko na lang ay galit, poot, sakit at pangungulila.

Lalapit na sana ako sa kanila nang magsalita si Lethal na ikinatigil ko.

"Bakit bumalik ka pa?" doon, mas lalong lumakas ang luha na dumadaloy sa mga mata ko.

Bakit ganoon? Bakit ang sakit?

"P-please, l-let me explain—"

"No need. Hindi rin naman kami interesado." pagputol niya at saka umalis papalayo.

Napahawak ako sa bibig ko dahil sa iyak na pinipigilan ko. Sobrang bigat sa dibdib at parang sinasakal ako nang paulit-ulit.

"Hindi ba sabi ko, huwag kana magpapakita?" napataas ulo ako nang marinig kong magsalita si Kios.

Na-miss ko ang boses niya...

"K-kios..."

Unti-unti siyang lumapit sa akin at pinunasan ang luha sa mga mata ko.

"Damn it, don't cry, please?" hindi ko mabasa ang reaksyon niya pero pinilit kong pigilan ang luha ko pero sa huli, tuloy-tuloy pa rin ang bagsak nito. "Lagi ka na lang umiiyak..."

"K-kios..." muling sambit ko ng pangalan niya.

"Ayaw na kitang makita Sabrina pero bakit nandito ka ulit?" 

"B-bumalik ako..."

"Pero hindi ko gustong bumalik ka," muling naging seryoso ang mukha niya at saka siya umatras pauti-unti "Umalis ka na lang ulit..."

Umalis na rin siya kaya mas lalo akong napahagulgol. Napatingin ako sa lalaking nakatayo pa rin at tinitignan lang ako. Napangiti ako ng mapait at saka siya tinanong. 

"A-ayaw mo na rin ba akong makita?" tanong ko, kahit masakit.

Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. Maya-maya pa, bigla niya akong niyakap dahilan nang pagbuhos nang lahat ng luha ko. Humagulgol ako sa dibdib niya habang siya naman ay niyayapos ang ulo ko.

"S-sinong nagsabi na ayaw ko?" tanong niya sa akin.

Napangiti ako. Simula't-simula pa lang, si Xace ang laging sumasalo sa mabigat kong problema.

"G-galit k-kaba?" wala sa sariling tanong ko.

"W-walong taon kang nawala, ano ba sa tingin mo?" sagot niya. Napatango naman ako.

Naiintindihan ko naman sila. Naiintindihan ko na galit sila dahil sa pag-iwan ko. Habang wala ako noon, unti-unti na silang nasanay tapos ngayon, bigla na lang akong magpapakita sa kanila. Siguro hindi pa ito ang tamang oras at araw para makausap ko sila.

"S-sorry," tanging sambit ko at unti-unting tumayo. Pinunasan ko ang luha ko at saka ngumiti sa kanya. "Nice meeting you, Xace."

"S-sabrina..."

"Pakisabi na lang din sa mga kapatid mo, sorry kasi nagpakita pa ako ulit. Tangina, ang sakit lang." natawa ako nang mapakla at saka tuluyan ng umalis.

Dire-diretso lang ako, narinig ko pa ang pagtawag ni Xace sa likod pero hindi na ako lumingon. Pumasok ako sa kotse dahilan para matahimik ang dalawa. Tinignan nila ako saglit at hindi na sila nagsalita. Nakita ko na lang na sumenyas si Althea na simulan na ang kotse na siyang ginawa ni Jayden.

Naramdaman ko ang haplos ni Althea sa likod ko dahilan para mas lalong lumakas ang iyak ko at sumubsob sa dibdib niya.

"Shhh, okay lang 'yan. You did your best, wala naman silang alam."

Living With Peterson BrothersWhere stories live. Discover now