Chapter 40

702 81 16
                                    

Chapter 40

Natapos ang isang linggo na pagpapanggap namin ni Kios, ganoon pa rin naman, hindi nila ako malapitan at masabunutan pero nabubulungan nila ako ng 'echosera' 'feeling maganda' 'mas bagay si papa Kios kay Marga'.

Pero hindi 'yan ang problema ko. Like, oh my god! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ko alam pero hindi naman ako pumayag na makipag date sa tatlo. Isa-isa pa! Grabe, ganda ko lang.

"Sabrina, lets go?" tanong ni Lethal.

"Okay, sige. Saan ba tayo pupunta?"

"Mmm, secret." sagot niya.

Napatango na lang ako at pumasok sa kotse niya. Monday ngayon at Monday kasi ang sinabi niya na pwede ko raw ba siya i-date. Kakatapos lang namin umuwi galing eskuwela kaya gabi na ni Lethal naisipan.

"Alam mo, lakas ng trip niyong tatlo 'no? Prank ito 'no? Ano nakain niyo?" tanong ko sa kanya.

"Look, I didn't know what is running on their mind." sagot niya.

"E, ano nga 'to? Para saan ba 'to?" tanong ko pa. Ayoko kasing mag-assume 'no! Baka mamaya, crush na pala ako ni Lethal—charot.

"L-look, I just wanted to say sorry sa unang pagkakataon nang pagkikita natin. I gave you a bad expression and sometimes, pinapahirapan pa kita. So, here I am, gusto ko lang bumawi." pagpapaliwanag niya.

"Uyy, ngayon mo lang na realize? Gusto kaya kitang tanggalan ng kilay kasi ang sungit-sungit mo. Lagi kang meron no'n ano? Buti natapos na regla mo." sabi ko dahilan para matawa siya.

Shems! Hindi ko na picture-an. Ang bagal ko kasi!

Nag kuwentuhan lang kami hanggang sa maisipan namin pumuntang Mall. Nag ikot-ikot kami at minsan tumitingin din kami kapag may nakikita kaming magaganda.

Parang si Lethal, kanina pa ako tinitignan. Char.

"Ate, magkano itong cocoberry soap niyo? Balita ko kasi maganda 'yan sa mukha. Pampakinis tapos pampaputi. True ba?" tanong ko sa sales lady.

Pero imbes na ako ang tignan niya, sa katabi ko siya nakatingin. Kay agang malandi.

"Ay, sorry po ate. Etong cocoberry soap po? 300 isang pack with 10 bars na po sa loob. Kapag hindi naman po pack ang bibilihin niyo, 40 po ang isa," sagot niya. "Bibili po ba kayo?" tanong niya pa.

"Ummm, sige, mag sa-safe guard na lang ako." mabilis na sabi ko at hinila si Lethal.

"Why didn't you buy it?"

"Ang mahal!" singhal ko. Letche, mag safe guard na lang. Bente lang sa tindahan. Tanggal pa germs mo 99.9%

"Oh, bakit ba mahal?" tanong niya sabay ngiti. Nag-aadik ata 'to.

"Ewan ko kung bakit mahal." sagot ko.

"Talaga, mahal?"

"Oo nga mahal!" napatingin ako sa paligid at lahat sila at nakatingin na sa gawi namin. Nakangiti at parang kinikilig.

Punyemas, ako na lang ata ang walang alam sa earth.

"Mahal?"

"Kulit! Oo nga, mah—w-wait lang, hala! Gago ka ah!" hinampas ko siya sa braso nang ma-realize ko na. Tawa siya nang tawa at tumakbo. Ako naman, hinabol siya.

"Mahal!" pang-aasar niya pa habang tumatakbo.

"Siraulo ka one milyon times! Ang mais mo!" sigaw ko sa kaniya.









Matapos ang pag-iikot namin, naisipan naman naming pumunta sa book store. Sakto at may upuan doon kaya roon muna kami umupo habang may dala kaming french fries.

Living With Peterson BrothersDove le storie prendono vita. Scoprilo ora