Chapter 06

914 109 19
                                    

Chapter 06

Unang pasok ko pa lang ay si Xace na kaagad ang bumungad sa akin. Ang gwapong mukha at nakakabihag niyang ngiti ang nasa harapan ko ngayon. Anghel nga ata siya.

Please, take me to heaven.

"Let's go inside? I am gonna tour you." sabi niya at ngumiti pa.

I-tour mo rin ako sa puso mo. Char.

Itigil mo, Sabrina. Huwag kang maharot.

Tumango naman ako bilang pagsunod ko. Sobrang lawak ng Mansyon at ako na lang ang nahihiya dahil sa nakanganga kong bibig habang pinagmamasdan ang buong paligid.

Uhh. para akong nasa langit!

Sakto naman pag-isip ko no'n ay lumabas ang nakatopless na si Kios. Oh my! My virgin eyes! 

"Oh, new chix?" tanong niya. Gusto ko siya samaan ng tingin pero hindi puwede. Kakabago ko pa lang at ayoko pang masisante kaagad.

At saka bakit new chix? Ano 'to, may amnesia? Hindi agad ako nakilala?

Tinignan ako nito mula ulo at paa habang kagat-kagat pa ang labi. Bwisit na Kios 'to, pinagnanasaan pa ata ako.

"Ang panget mo." wahh! Ang kapal ng mukha niya!

Ang ganda ko kaya!

"Don't mind him. He's jolly and joker." sabi ni Xace sa tabi ko kaya tumango na lang ulit ako.

Hindi po siya jolly and joker, he's a JERK!


Pagtapos namin mag-tour, pinapunta na muna ako ni Xace sa magiging kuwarto ko kaya wala pang isang minuto, kumaripas na ako nang takbo. Feeling ko kasi maganda ang magiging tulugan ko. Bakit hindi? Ang lawak ng mansyon na 'to.

At ang una kong ginawa ay siyempre dikitan ng mga merchandise ang maganda kong kuwarto. Bibili rin ako ng wall na purple. Oh, pak! Perfect.

Pumunta naman ako sa cabinet na walang laman.

Wattpad books.

Napangiti ako nang maisip ko 'yon. Tama, wattpad books ang ilalagay ko dito sa maliit na cabinet. Pero kaagad rin nawala ang ngiti kong iyon nang may ma-realize ako.

"Shuta, wala pala akong wattpad books."

Nagda-daydreaming pa ako nang makarinig ako nang sigaw mula sa baba kaya kaagad-agad akong nag-ayos.

"Damn! Ang kalat kalat mo, Kios! Where's our fucking maid?!" sigaw ni Lethal kaya huminga ako nang malalim bago bumaba.

I bowed my head and then, looked at him. Bakit ba siya sumisigaw?

"You! What are you doing?! Ikaw ang bago naming maid 'di ba?" tanong niya.

"Y-yes." sagot ko.

"Then, clean this!" sigaw niya at saka padabog na pumunta sa kuwarto niya.

Napangiwi ako nang makita ko ang maraming kalat sa baba.

Nilinis ko na 'yon dahil ayon naman ang pinasok ko dito, ang pagsilbihan sila at gawin ang mga iniuutos nila. Nang matapos ko ang gawain na 'yon ay nagpahinga muna ako saglit ngunit narinig ko na naman ang boses ni Lethal na linisan ang labas.

Isa-isa lang!

Gusto kong isigaw 'yan pero hindi puwede. Easy lang, Sab, boss mo 'yang mga 'yan. Isipin mo ang fifthy thousands.

"Maid, kuha mo ako milk sa ref. 'Yong masarap sana."

"Gano kasarap, Sir Kios?" tanong ko habang pawis na pawis.

Living With Peterson BrothersDonde viven las historias. Descúbrelo ahora