Chapter 36

663 87 15
                                    

Chapter 36

"Bitawan mo nga ako Kios! Bitawan mo ako! Ano ba! Sabi nang bitawan mo ak—"

"Hindi kita hawak. Huwag kang OA." sabi niya sabay irap.

Bwisit. Umaarte nga ako e.

Inayos ko ang sarili ko at saka siya sinapak sa braso.

"Damn! What was that for?!"

"Gago! Siraulo! Jerk! Babaero! Bakit mo sinabing girlfriend mo ako?!" bulyaw ko sa kaniya.

Napangisi naman siya at inilagay ang dalawang kamay niya sa bulsa.

"Choosy ka pa. For your information, a lot of women wanted to be my girlfriend pero pagdating sa 'yo, sinasabihan mo lang ako ng gago? How rude, Sabrina." sabi niya na ikinatawa ko.

"Kapal mo! Akala mo naman isa ako sa 'a lot of women mo'," inis na sabi ko sa kaniya. "Pinarami mo lalo ang basher ko, Kios. Bakit mo ba ginawa 'yon?"

Napahinga naman siya nang malalim.

"I just want her to know that she can't enter my life again. That she will never steal my heart again. I once hurt Sabrina and I'll never let that happen again."

"Kaya sinabi mo na girlfriend mo ako para layuan ka niya?" tanong ko. Tumango naman siya.

"Look, I didn't intention to use nor involve you to my own promblem. B-but... c-can you help me, Sab?"

"Anong help 'yan?"

"Can you be my fake girlfriend?" tanong niya dahilan para manigas ako sa kinatatayuan ko.

Mga five minutes bago nag sink sa akin.

"Ano?!" charot. Late reaction tayo.

"Look, kung hindi ko 'to gagawin, guguluhin niya lang ako."

"Ayaw mo no'n? Hinahabol ka ng aso." tawang sabi ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay kaya napatakip bibig ako.

"Please, Sab?"

"Iyak ka muna."

"What the?"

"Charot. Kasi naman! Sana lang hindi isipin ni Xace na wala na siyang pag-asa sa akin."

"Hindi niya iniisip 'yon at wala siyang gusto sa 'yo." sagot niya kaya inirapan ko siya.

"Pero alam mo? Nabasa ko na 'to sa wattpad e. 'Yong magiging fake boyfriend and girlfriend sila para layuan o pagselosin nila si ex tapos habang ginagawa nila 'yon, nae-enjoy na rin nila tapos...habang tumatagal, nare-realize nila na tumitibok na ang puso nila sa isa't-isa and boom! Sila ang nagkatuluyan sa huli." tinignan ko siya na nakangisi na pala sa akin.

"Oh, really?" pang-aasar niya.

"Pero huwag mong isipin na magkakagusto ako sa 'yo ah? Lol, wala tayo sa wattpad."

Humalakhak siya.

"Damn! This is so hilarous! Hahaha! I didn't say anything, Sab!"

"Baka kasi 'yon ang iniisip mo. Kay Xace lang ako, 'no. Loyal ako sa kaniya." pagyayabang ko. Natahimik naman siya.

"I can steal you from him, babe."

"Illegal 'yon. Ipapakulong kita, sige ka."

Tumawa naman siya nang bahagya. Shems! Ang pogi!

"Remember what I said, babe? I can enter the jail just to kiss you or steal you. And whether it is illegal, well, I will make it more illegal." sabi niya at ngisian ako.

Living With Peterson BrothersWhere stories live. Discover now