Chapter 26

712 96 7
                                    

Chapter 26

Naglakad-lakad lang ako kung saan ako mapadpad. Hindi. Ang totoo niyan, hinahanap ko ang tatlo.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang Guard na mahilig mag Tiktok.

"Boo! Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Nakatayo?" sarkastismong sagot naman niya.

"Nakita mo ba ang tatlo?"

"May mata ka naman, bakit sa akin mo pa tinatanong?" aba't! Baliw 'tong baklang 'to.

"Sabi ko nga." inis na sabi ko at inirapan siya.

"Joke lang. Nandoon sila sa may garden kung saan lagi nilang tinatambayan," saad nito kaya napaisip naman ako. Tinatambayan? "Noong bata pa sila." napangiti naman ako at tumango.

"Salamat. Puwede kana mag Tiktok ulit.  sabi ko sa kanuya at kaagad na tumakbo sa garden.

Medyo madilim na at kitang-kita rin sa kalangitan ang magagandang bituwin. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang tatlo na nakaupo sa damuhan habang nakatalikod sa akin. Napangiti ako dahil sa sitwasyon nila. I never thought that the three siblings is sweet to each other na hindi nakikita ng ibang tao. 

Pero agad rin nalungkot ang ngiti sa labi ko nang maalala ang nangyari kanina. For sure, ayaw nilang i-open ang topic when it comes to their parents. Ganoon na lang ba ang kagalit ng tatlo sa mga magulang nila? For sure naman, lahat nang ginagawa ng magulang ay para sa makakabuti sa anak nila.

Pero dahil sa ayaw kong manghimasok, hindi ako makikialam. Ano nga ba ako 'di ba? Isa lamang katulong na ang dapat ginagawa ay pagsilbihan ang tatlong Amo ko.

Pero ngayon... iisipin ko muna na wala kami sa Mansyon. Iisipin ko muna na ang mga kausap ko ngayon ay kaibigan ko lang. I wanted to see them smile and laugh and think there's no problem. Ganiyan ang ginagawa sa akin nila Mama at Papa tuwing nalulungkot ako.

"Ang kulay ba ng black is itim?" Paninumula ko at lumapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Lethal na nakakunot ang noo sa akin.

"What are you doing here?" he asks.

"Kapag ba tumalon ang isda mabubuksan ang lata ng sardinas?" joke ko. Sobrang corny!

"Pftt..." napatingin ako sa napabungisngis na 'yon at napangiti ako ng umepekto kay Xace.

"Oppa ka ba?" tanong ko.

"Bakit?" Si Kios ang sumagot.

"K-kasi..." napatigil ako kaya kumunot nanaman ang noo nila. "Nakalimutan ko 'yong joke."

Dapat kasi si Xace ang mag bakit!

"Tss. Punta punta dito para bumanat, may amnesia naman pala." bulong ni Kios.

"Kasi gagawin ko ang lahat oppang maging akin ka." napabungisngis ako dahil sa sarili kong joke. Ang mais ko na.

"Hindi mo na kailangan gawin ang lahat. I'm all yours, babe." then, he winked. Malandi ka talaga Kios.

"Laro tayo?" yaya ko sa kanila.

"What game?" tanong ni Xace.

"America vs. Philippines." sagot ko.

"Okay fine. Ang tumawa, kakalitiin okay?"

"It's kikilitiin not kakalitiin." I corrected Kios.

"Whatever." he crossed his arms and pouted. Parang bata.

"Si Kios at Lethal ang sasagot sa America at ako naman sa Philippines." saad ko.

"Okay game. Ako ang host," prisinta ni Xace. "Nadapa."

Living With Peterson BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon