Chapter 31

733 93 15
                                    

Chapter 31

Nakakapagod pala sa part na pinanganak ka lang para maging maganda.

Char. Ang totoo niyan, nakakapagod kasi kanina ko pa hinahanap ang tatlo. Hays! Ang laki-laki na, nawawala pa. Dapat bago ako matulog, alam kong nasa loob na sila ng apartment nila para alam kong ligtas at ayos sila.

Pagtapos kasi ng laro namin kanina at kumain, isa-isa na lang sila nagsiliparan sa apartment nila. Tapos 'yong tatlo...ay ewan. Hindi ko alam kung nasaan.

Natigil ako nang tumunog ang cellphone ko kaya kaagad ko itong tinignan.

Tumatawag sa akin 'yong baklang Guard? Hindi kaya umuwi na ang tatlo? Wahh! Hindi pwede! Ano iiwan nila ako dito?!

Pinindot ko naman ang green na button.

Magsasalita sana ako nang bigla siyang sumigaw.

"Stan SB19, bhiee!!!"

Tapos binaba niya na.

Aba, siraulo.

Napailing-iling na lang ako at maglalakad na sana nang tumunog na naman. Magsasalita na naman sana ako kaso inunahan na naman niya.

"Stan mo kung gusto mo lumiwanag ang buhay mo!"

At pinatay na ulit.

"Aray!" napahawak ako sa paa ko nang may maapakan akong bato. Kainis naman!

"Stupid." rinig kong boses sa hindi kalayuan. Napalinga-linga ako at tinignan kung may tao ba.

"Hoy, kung sino ka mang epakto ka, lumabas ka dyan at huwag mo akong matawag-tawag na stupid!" sigaw ko.

"Iskandalosa." kumunot naman ang noo ko sa sinagot niya. Aba't! Lumaban sa akin ang empakt--- teka nga, bakit parang boses ni Lethal? Wahh! Hindi kaya empakto si Lethal?

"L-lethal, ikaw ba 'yan?" tanong ko pero walang sumasagot.

Umihip ang hangin dahilan para magsitayuan ang balahibo ko.

"Lethal, ang panget mo ka-bonding. Nasaan ka?" tanong ko pa.

May narinig akong hagikgik at napatingin naman ako doon. Nasa taas siya ng puno habang nakaupo at nakatingin sa akin sa baba.

"Saya ka?" inis na tanong ko sa kaniya. "Anong ginagawa mo diyan? Gabi na tapos ngayon mo pa naisipan umakyat sa puno." saad ko at umakyat din.

Mabilis akong umapak sa mga butas ng puno na parang unggoy. Buti na lang nagpaturo ako kay Jayden kung paano umakyat ng puno.

"H-how d-did you do that?" gulat na tanong ni Lethal. Umupo ako sa tabi niya at tinaasan siya ng kilay.

"'Yong ano? 'Yong pag akyat? Malamang, ginamitan ng paa." sagot ko.

Tinarayan niya naman ako at tumingin sa taas kung saan marami ang bituwin.

"May problema kaba?"

"Pakialamera."

"Concern ako dito."

"You don't need to kn---"

"Sometimes, the best feeling is when you have someone who can listen to your problem, who can be your shield when you are in danger, who can be your pillow when you want to cry. Try to approach to someone who can be your guide. Masarap sa feeling na may magpapayo sa problema mo para alam mong hindi ka nag-iisa." sabi ko at tumingin sa kaniya na nakatingin din pala sa akin.

His look... it's different. Pangatlong beses ko na nakikita sa kanya ang tingin na 'to.

Umiwas siya ng tingin.

Living With Peterson BrothersWhere stories live. Discover now