Chapter 37

677 92 30
                                    

Chapter 37

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko kay Xace. 

"Kung saan ako minsan tumatambay." sagot niya. Tumatambay? Hindi ko alam na may tambayan pala dito.

Hindi na lang ako umimik at sumunod sa kanya.

"Here, come in." sabi niya at binuksan ang isang room habang nakangiti.

"Huwag po, bata pa ako." pag-arte ko.

Tumaas naman ang kilay niya. "What?"

"Charot lang. At saka kung ikaw lang din naman, why not 'di ba? Hahaha, joke lang ulit." sabi ko at napatakip mukha.

Grabe, feeling ko ang harot-harot ko na. Feel ko lang ah?

"I love the way you tease me, Sabrina." malalim na boses nya.

"I love you too, charo—"

"I love you more," halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya.

H-ha? Totoo ba 'yong narinig k—

"Charot lang din." dugtong niya.

Naiwan akong tulala.

Okay lang. Hindi naman masakit.





"Woahh! Ang ganda naman nito! Ngayon lang ako nakakita ng ganitong piano!" manghang saad ko habang pinagmamasdan ang piano at umupo sa may upuan.

"Do you know how to play that?" tanong niya.

"Oo naman! Ano akala mo sa akin, ignorante?"

"I didn't say anything. Okay, what song can you play?"

"Do re mi pa so la ti do. Duh!" sagot ko na ikinatawa niya.

"That's so basic."

"At least may alam. Huwag mo ako ipahiya, Xace. Sakyan mo na lang." sabi ko sa kaniya at sinimulan patugtugin ang piano.

Puro do re mi pa so la ti do lang ang ginagawa ko. Hindi ko nga alam kung naka-ilang ganoon na ako sa piano habang si Xace ay pinagmamasdan lang ako.

"Kung may bayad lang ang titig, mayaman na siguro ako ngayon." sabi ko.

Umiling naman siya.

"Is that true, Sab?"

"Na ano? Girlfriend ako ni Kios? Lol. Hindi." mabilis na sagot ko. Alam ko naman na ayon ang tinutukoy niya e.

"Really? Then, why did he said that you are his girlfriend?" tanong niya pa.

"Para ipamukha daw kay Marga na hindi niya na mahal ito at para layuan kaya nag deal kami ni Kios."

"Sa tingin niya tama ang inisip niya?"

"Ewan ko. May isip ba 'yon?" tanong ko pabalik.

Huminga naman siya nang malalim at umiling na lang bago palitan ang puwesto ko.

"When I'm sad, I always sent myself here in this room while playing this piano alone. It's so relaxing and giving me a space to think." sabi niya habang sinimulan patugtugin ang piano.

Sa bawat lapag ng darili niya, ay pagkasabay ng kanta niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Siya 'yong taong hindi nakakasawa tignan dahil sa expression nito. Sobrang normal at amo lang ng mukha ni Xace. Idagdag mo pa ang maganda niyang boses.

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya habang nakangiti.

"Ikaw? Oo." sagot ko. Lumawak pa lalo ang ngiti niya.

"Sana ganyan ka palagi, Sab. I really like the way you are. You're jolly and comfortable to be with." sabi niya.

Ano ba 'yan, bakit ba ako kinikilig? Iba rin 'tong si Xace e. Pano pa kaya kung alam niyang crush ko siya?

Living With Peterson BrothersWhere stories live. Discover now