Chapter 48

416 57 5
                                    

Chapter 48

[Warning: expect some vulgar words]

"Bilisan mo, gaga!" singhal sa akin ni Althea.

Pag gising ko kanina, nauna na ang Peterson pumasok sa akin. Kailangan daw nila para makapag-handa sila sa PR. Hindi na nila ako pinasama at mabuti na lang kasi sobrang antok pa ako no'n.

Pero hindi naging mabuti ang kinalabasan. Akala ko lang pala. Dahil no'ng pagtulog ko nang lumabas ang Peterson, late na ako nagising. As in late na late. Usually kasi, nagigising ako ng maaga dahil kay Lethal na bubulabugin ako para utusan. E, ngayong wala sila, walang nambulabog.

"Sure kang papasok ka pa, Sabrina? Late ka na ah?"

"Okay lang po Aling Minda. Sige po, alis na ako. Bye!" paalam ko at kaagad na naghanap ng Jeep papuntang PS university.

Nang makasakay na ako, kaagad kong chinat si Althea na nakasakay na ako. Sabog ang notification ko nang dahil sa kaniya. Nagsisimula na raw ang laban at wala pa ako. Kasalanan ko ba? Napasarap ang tulog ko. Nanaginip kasi ako na ikakasal daw ako sa isang prinsipe. Sayang naman kung hindi matuloy 'yon.

"Kuya, tagal mo magdrive, male-late na ako." reklamo ko.

"Oh, ikaw mag drive dito. Late-late ka nang gising tapos ako sisisihin mo?"

"Emergency, Kuya. Hinahantay ako ng boyfriend ko." saad ko.

"Sana all." sagot niya at binilisan na.

Nang matapos ang byahe, kaagad akong tumakbo para makaabot. Mabuti na lang at bukas pa ang gate kaya nakapasok ako. Dito, rinig na rinig ko ang mic na may nagsasalita na tao. Maingay sila at hindi ko masyadong maintindihan. Hindi ko masisisi kasi debate 'yon.

"Huyy! Bagal mo!"

"Punyeta kasi, bagal no'ng driver." pagpapalusot ko.

Umupo ako sa tabi ni Althea at Jayden habang hingal na hingal. Inabutan ako ni Jayden ng tubig na siyang tinaggap ko.

"Bes, kapag nag 'according to the bible' 'yan, matik, tapos kaagad 'yan." siko ko kay Althea na ikinatawa niya.

"Gaga. Kapag ginawa nila 'yon, mag 'according to the law' tayo." sabat niya naman. Nagtawanan kami pareho.

Pero bawal 'yon! Hindi gaganda ang laban kung ganoon ang mangyayari.

Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang suntukin ni Lethal ang kalaban nila dahilan para magtayuan kami.

"Ohmygosh, what happened?" tanong ni Fiona.

"Nagsuntukan, hindi mo na see? Puro arte kasi." sagot sa kanya ni Althea.

"Fuck you! Kayo ang madumi maglaro!" sigaw ni Kios kaya napabalin ang tingin ko sa kaniya.

Pero ang mga kalaban, natatawa lang. Really? Ano ba talaga ang nangyayari? What's the tea? Kakapunta ko lang dito!

"Hahaha, why? Tanggapin niyo na kasi na matatalo kayo!" sigaw ng isa kay Kios.

"Bro, hindi ito ang topic na pinag-usapan tapos bigla-bigla niyo papalitan? Ano to, gaguhan?" sabi naman ni Xace.

"Oh, bakit, akala ko ba matatalino kayo ha? Dapat alam niyo ang sagot!"

"We know the fucking answer, asshole. Hindi kami uupo rito kung hindi namin kayo kayang tapatan." galit at kalmadong saad ni Lethal.

"Kasalanan niyo 'yon!"

"Fuck you! What you are saying, you paid a lot to the host here to say that you will win and then you changed the topic, that's not what we agreed on. Or maybe ginawa niyo 'yon kasi inggit kayo at hindi niyo pa naranasan manal—" hindi na natuloy ni Kios ang sinabi niya nang suntukin siya nang malakas ng kalaban nila.

Living With Peterson BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon