Chapter 04

991 112 35
                                    

Chapter 04

Dahil sa pangangailangan ko, hindi na ako nag dalawalang isip at pinuntahan ang address na nakalagay sa papel. Kinakabahan ako hanggang sa pagpasok ko ng Jeep. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ako nakainom ng tubig.

"Kuya malapit na ba?" ilang beses na rin ako nagtanong kung malapit na ba para naman ready ako.

"Hindi pa. Kanina ka pa tanong nang tanong!"

"Kanina ka pa rin sagot nang sagot."

Umirap na lang siya at tinuloy ang pagmamaneho. Halatang inis na sa akin ang Driver.

Maya-maya pa, habang nagdadasal ako para sa mamaya ay biglang napakalakas na preno dahilan para tumama ang ulo ko sa bakal.

"Ay, kabayo!"

"Baba na, Miss. Nandito na address mo." sabi ni Kuyang Driver.

Tinignan ko naman siya nang masama.

"Bwisit ka. Hindi sana masarap ulam niyo buong taon." sabi ko sabay irap sa kaniya.

Hindi pa ako totally nakakababa ng Jeep, pinaandar niya na kaagad dahilan para mausukan ako.

"Gago ka! Ma-flat sana 'yang gulong mo!" sigaw ko.

Nakatingin naman sa akin ang mga tao nang isigaw ko 'yon. Sa dibdib ko sila nakatingin hindi sa mismong mukha ko. Bwisit!

Hindi naman masakit, parang kagat lang ng Dinosaur.

Dumiretso na ako at nagtanong-tanong sa mga tao hanggang sa mapadpad ako sa  isang malaking gate.

Eto na ba 'yon?

"Papasok ka?" napatalon ako sa gulat nang may sumalubong sa akin na Guard.

Huminga ako nang malalim at tumango.

"Bakit?" another question.

Ibinigay ko ang papel kung saan may sulat si Lethal at Xace kaya napatango naman siya.

"Sana magtagal ka." nakangising sabi niya dahilan para tumaas ang balahibo ko.

Umurong ako nang kaunti dahil pumunta siya sa unahan at hinarap ang gate. Nagulat ako nang sumayaw ito at kumanta pa hanggang sa mag-split siya.

Maya-maya pa, bumukas ang gate dahilan para mamangha ako.

"Wow! May magic?" tanong ko.

"Yes, girl." sagot niya at kinindatan pa ako. 

Pumasok na ako sa loob at halos malaglag ang panga ko nang sumalubong sa akin ang magagandang dahon. Sabihin na nating garden pero ibang-iba sa garden na nakikita ko sa kapit-bahay namin.

May mga dahon sa gilid na parang mga audience at ikaw ang maglalakad sa unahan. Sa bawat hakbang ng paa ko, hangin ang sumasalubong sa akin at mga magagandang bulaklak.

Natapos ang kaligayahan kong iyon nang matigil ako sa napakalaking Mansyon na kumikinang sa mga mata ko. Nakanganga ako habang pinagmasdan ang kabuuan ng Mansyon.

Grabe...

Nawala ang pagkagulat kong iyon nang may mga Maid na lumabas na parang sundalo at sabay-sabay pa habang ang mga paa ay magka-kasundo rin. Pumunta sila sa harapan ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Nag military training siguro sila.

"Hi po?" nahihiyang sambit ko.

Wala akong nakuhang sagot bagkus ay dinala nila ako sa loob  ng Mansyon habang ako ay hindi ko alam kung bakit.

Living With Peterson BrothersWhere stories live. Discover now