Chapter 34

750 89 7
                                    

Chapter 34

"Owemgi! Tapos, tapos?" dikdik na dikdik ang mukha sa akin ni Althea nang ikwento ko sa kanya ang nangyari.

"Tapos na." sagot ko na ikinawalang ngiti niya.

Aba't! Mas kinikilig pa nga siya sa aming dalawa e.

"Sabi na e! Nangyayari na talaga ang prediction ko, Sab." sabi niya kaya kumunot naman ang noo ko. Kanina pa 'yang predict-predict na 'yan e.

"Anong prediction mo?" singit ni Jayden.

Lumapit sa aming dalawa si Althea na akala mo may ik-kuwentong nakakatakot. Sobrang lapit kasi naming tatlo at halos magkadikit na ang ulo namin. Punyeta, baka magkahawaan ng kuto. Char.

"I told you na before pa, Sab. Ang prediction ko ay magkakagusto sa 'yo ang tatlo at omygod! Nangyayari na siya. Grabe, ang haba ng hair mo, Sabrina!"

Hinawi ko naman ang hair ko.

"Ako lang 'to, si Sabrina?" sagot ko na ikinatawa nila.

"Try mo nga akong hulaan, Althea." sabi ni Jayden sa kaniya.

Tumango naman si Althea at lumapit sa kaniya. Itinaas nito ang dalawa niyang kamay at inilagay sa magkabilang sintido ni Jayden at pumikit siya.

Nakatingin lang ako sa ginagawa niya. Mukhang siyang ewan at mas lalo na si Jayden dahil nagpapaniwala siya kay Althea na kaya niyang mag-predict. Dzuhh! Ilang years na kaming mag bestfriend and never siyang nagsabi na kaya niyang manghula.

"Nahuhulaan ko na magiging Unggoy ka in the future."

"Hahahaha!" malakas na tawa ko habang kinakalampag ang sahig. Punyawa, sabi na e!

Umirap naman si Jayden at kumain na lang ng saging.

Matapos ang ka-echosan naming tatlo, nagsibalik na kami sa kuwarto namin—charot. Dalawa lang ang kwarto, tig-isa kami ni Althea at sa sofa si Jayden. Okay lang 'yan, kaya niya naman at lalaki siya.

Humiga ako sa higaan at huminga nang malalim para isipin 'yong nangyari kanina at 'yong scenes na weird ang tatlo sa akin.

Pero what if tama si Althea? Hindi sa nag-aasume pero doon na tayo sa point na sinasabi niya. Sinasabi nya na... may gusto sa akin ang tatlo?

"Ackk!! Ako na talaga! Ako na!" sigaw ko.

"Ang ingay mo!" sigaw sa kabila.

Napangiwi ako at tinakpan ang bibig ko.











Umaga na nang magising ako at as usual, nandito sila Fiona at ang tatlo.

"Magandang umaga!" sambit ni Jayden sa akin.

"Mas maganda pa ako sa umaga. Pero, salamat pa rin." sagot ko. Napataas kilay naman siya.

"Goodmorning, Sab." bati ni Xace.

"Goodmorning." si Lethal.

"Napanaginipan mo na naman ba ako?" si Kios. "Kidding. Goodmorning." at ngumiti siya.

Umupo na ako at tinanguan silang lahat. Ackward pa rin ang nasa loob-looban ko dahil sa hindi ko pa rin alam ang acting ng tatlo. Bakit ba ganyan sila sa akin?

Si Lethal, sa pagkakaalam ko, napakasungit niya. Anong nangyari?

Si Kios, well, mahilig talaga siyang mang-asar pero never siyang nagsalita ng goodmorning!

Si Xace, natural lang naman sa kanya 'yon at mabait naman talaga siya pero iba 'e. Iba 'yong ngiti.

"Mmm, I smell something fishy." sabi ni Alagad 1 ni Fiona.

Living With Peterson BrothersWhere stories live. Discover now