Epilogue

921 78 7
                                    

Epilogue

"Hindi ako makahinga sa yakap mo, Kios."

Kanina pa kami dito sa higaan at hanggang ngayon, yakap-yakap pa rin niya ako. Ang lakas talaga ng tama nito sa akin. Malamang, ako na 'to, eh. Ang kapal naman ng mukha niya kapag naghanap pa siya ng iba.

"Parang ayoko pumasok." bulong niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Umayos ako ng upo at tinignan siya nang masama.

"Sapak, gusto mo? Naging tayo lang, hindi mo na ako pinakakawalan. Lagi mo na lang akong yakap. Babe, I need to breathe! Sakal na sakal na ako!"

Nakita ko kung paano tumaas ang kilay niya kaya natawa ako.

"Joke lang. Puwede siguro ako maging artista 'no?" joke ko at lumapit sa kaniya, inayos nang maayos ang neck tie niya.

"Gusto mo?"

"Nagbibiro lang ako, Kios," inirapan ko siya at kinuha ang bag niya at hinagis sa kanya. "Lumayas kana kung ayaw mong malugi ang company niyo."

"That will never be happen, babe. Baka si Kios 'to?" joke niya kaya napairap ako.

Gaya-gaya, walang sariling originality!

Inayos niya na ang sarili niya at saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi.

"I'm going now, I love you." ngumiti siya.

"I love you more!" I smiled back.

Kumindat muna siya at saka isinara na ang pinto.

Maya-maya, inayos ko na ang mga gamit na kinalat ko dahil kain ako nang kain ng tsitsirya habang nanonood ng Thai-Drama. Pinatay ko na ang TV at saka bumaba para maligo at makapaghanda.

Papasok pa lang ako nang mag ring ang phone ko.

"May itatagal kapa, Sabrina?"

"Wait lang, sis. Maliligo pa lang ako."

"Nagkajowa ka lang, lumevel up na kalandian mo."

"Panget mo ka bonding, Althea."

Pinatay ko na ang tawag habang pailing-iling at saka dumiretso sa banyo para maligo.

Nang matapos na ako, nag selfie muna ako bago sinend kay Kios.


Manlalalaki muna ako, babe. Puwede? -Sab.

Sige, basta pasalubungan mo ako isa. -Kios.

Bakla! -Sab.

Napairap ako at papatayin na sana ang cellphone ko nang mag text ulit siya.

Take care, babe. I love you always. -Kios.


Bwisit. Maiinis dapat ako 'di ba? Ayan, napapangiti na naman ako.

Dumiretso na ako sa kotse at pinuntahan ang eksaktong concert na nakalagay sa ticket. Paglabas ko ng kotse, dagdsaan ang mga tao ang sumalubong sa akin. Palinga-linga ako para hanapin sila Althea nang may bumatok sa akin.

"Sab!"

"Aray ha! Masakit 'yon!" inirapan ko siya at tinaasan ng kilay si Jayden.

"Oh, problema mo?"

"Porkit alam niyong may trabaho si Kios, magsasama kayong dalawa? Ako ba iniinggit nyo, ha?" nakapamewang kong tanong. Natawa naman sila.

"Tara na, mag-uumpisa na ang show." yaya ni Althea kaya sumunod na kami ni Jayden sa kaniya.

Living With Peterson BrothersTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang