Chapter 28

652 89 4
                                    

Chapter 28

"Bakit kayo nandito?" tanong ko at nagpalit-palitan ng tingin sa kanilang dalawa.

"Ikaw lang ba puwedeng pumunta dito?" sagot ng isang alagad ni Fiona.

Punyemas, paepal 'tong higad na 'to. Hindi pa ako nakakaganti sa pambubugbog niya---nila sa akin!

"May sinabi ba ako? Paepal." at saka inirapan ko siya.

'Tsaka na natin gantihan, niligtas naman ako ni Kios.

"Oh, eto na 'yong pagk--- Sab?!" gulat na tanong ni Jayden. Nginisian ko lang siya.

"Oh my god! Petersons?" bulong ni Fiona dahilan para tumingin kami sa likod. 'Yong tatlo nga pala!

Sunod-sunod silang pumunta sa gawi namin. Si Lethal na nakasimangot, si Kios na nakangisi at si Xace na nakangiti.

Sheeett! Huwag sana nilang sabihin na kasama ko sila kung hindi baka ma-issue ako! Na-trauma ako sa mga fans ng Petersons 'no. Kulang na lang ilechon na ako sa sipa at suntok e.

"Oh my... bakit nandito kayo?" tanong ng pangalawang alagad ni Fiona.

Kasi wala sila doon

Gusto ko sanang sabihin 'yan kaso huwag na. Shunga magtanong e.

"Kung magkasama ang kaibigan mong si Althea at ang kasama nyang lalaki, ako at ang dalawa kong kasama, so... magkasama kayong apat?!" tanong ni Fiona dahilan para lumaki ang mata ko.

Hindi kanaman pala tanga e!

"No. We didn't know that Sabrina is here. All of this was a coincidence." napatingin naman ako kay Xace ng sabihin nya 'yon. Hayy! You're my savior, Xace.

"Tama, tama." sagot ko dahilan para tumingin sa akin nang masama si Fiona. Ano na naman ba problema nito?

"Tutal nandito na rin naman lahat tayo, let's eat! I'm starving." sabi ni Kios at nauna nang maglakad. Sinundan naman si ni Fiona at kumapit pa sa braso niya.

Tss. Isa kang malaking higad na tinubuan ng kiti-kiti.

Naghanda na kami at sabay-sabay kumain. Tahimik lang si Lethal, si Kios naman nakikipaglandian kay Fiona at si Xace kausap 'yong isa sa mga alagad ni Fiona at ako? Syempre, tinitignan ko sila Althea at Jayden. Binigyan ko sila ng may-kasalanan-kayo-sa akin-look at magpaliwanag-kayo-sa akin-mamaya-look.

Napaubo naman si Jayden at parang hindi na kaya ang tingin kong matatalim sa kanila. Kung sila ang magkasama... hindi kaya may gagawin sila?! Oh my!

"Sab, ayos ka lang?" tanong ni Xace kaya pilit ako ngumiti.

"Close ba kayo?" tanong ni Fiona. Halatang naiinis siya na kausap ko si Xace. Aba! May Kios na tapos umaaligid pa sa iba? Tinde mo!

"Baka open?" pilosopong sagot ko. Inirapan lang ako nito at nilandi ulit si Kios.

"Hanggang kailan kayo dito?" tanong ni Althea. Sa wakas, nagkaboses din.

"Two weeks." sagot ni Lethal.

"Two weeks din." sagot ni Fiona. Gaya-gaya.

"Tutal pare-parehas naman tayong two weeks ma mags-stay dito, magpalaro tayo bukas!"

"Kung usapang pa-sexy-han 'yan, matulog na lang kayo." pangyayabang ni Fiona.

"May kakilala ka bang Sabrina Silveste? Siya pa lang kasi ang kilala naming sexy incase you didn't know." sarcastic na sabat ni Jayden. Napangiti naman siya sa akin.

Bumabawi 'to para hindi ko siya masermonan mamaya. Sorry, hindi ako mabait.

"Ang liit kaya ng boobs niya." napanganga ako sa sinabi ni Kios dahilan para magtawanan sila Fiona at ang alagad niya.

Living With Peterson BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon