Chapter 35

699 90 18
                                    

Chapter 35

Matapos ang bakasyon namin sa Panggasinan, balik eskuwela na ulit kami kaya naman eto ako ngayon, hinahanda ang uniform ng tatlong maginoo. Balik sa pagiging katulong.

"Magluluto lang ako, Sabrina ah? Ikaw na ang mag ayos nang gagamitin ng tatlo." bilin ni Aling Minda.

Ngumiti at tumango naman ako bilang sagot.

Wala ang mga magulang ng tatlo at bukas pa raw babalik pero kahit ganoon ay para naman silang walang pakialam.

"Tulungan na kita, Sab?" tanong ni Xace.

"Ha? Hindi na. Kaya ko naman." sagot ko at nginitian siya.

"Pakipot ka?" sabat naman ni Kios na kakatapos lang maligo.

Inirapan ko siya. These past few days, lagi niya akong inaasar. Kaunti na lang talaga at iisipin kong may gusto siya sa akin. Inaasar niya naman ako simula una pa lang pero ibang-iba na siya kung paano ako asarin ngayon.

Hahawakan ko na sana ang uniform nila nang may humblot no'n. Tinignan ko kung sino at si Lethal pala. Kakatapos niya lang din niya maligo.

"We can handle this. Go and just fix yourself." maawtoridad niyang sabi kaya naman napatango ako.

Kapag dating kasi sa kanya, mabilis akong sumusunod. Baka kasi maging masungit ulit e.

Hindi pa ako nakakaakyat sa taas nang banggain ako ng isa sa mga katulong. Tinaasan niya ako ng kilay na siyang ginawa ko rin.

Problema nito?

"Sorry, akala ko poste." sabi niya na ikinatawa ko.

"Gandang poste ko naman para hindi mo makita. Pa check-up tayo mamaya sa EO ah?" sagot ko at binangga rin siya para mag ayos na ng sarili.

Kilala ko 'yon e. Sya 'yong laging nagtataray sa akin kapag kasama ko ang tatlo. Feeling ko naiinis siya sa existence ko or sadyang nagseselos siya kasi hindi siya makamove sa tatlo.

Matapos kong magbihis ay sinabayan ko na ang tatlo sa pagkain kasi 'yon ang sabi ni Xace.

Bakit kaya ang bait-bait nila sa akin?

Please, kung nauntog po ang ulo nila dahilan para maging ganyan sila, sana mauntog na sila palagi. Charot.

Sumabay na rin ako sa kanila lumabas.

"Sa akin kana sumabay, Sab." sabi ni Xace kaya napalingon naman ako.

"No. Sa akin siya. Baka makita ko si Momo." sabat ni Kios na ikinataas ng kilay ko. Tignan mo, gwapong lalaki, takot sa multo.

"You both, shut up. Sabrina, get inside of my car." sabi ni Lethal.

Napahilamos ako ng mukha at sinampal-sampal ang sarili ko dahilan para kunot-an nila ako ng noo.

"Are you okay, Sab?" si Xace.

"Are you crazy?" si Kios.

"What are you doing to your damn self?" si Lethal.

"T-teka... punyeta, hindi naman ako nananaginip 'di ba?" tanong ko sa kanila. Umiling naman sila.

"May mga sakit ba kayo? Anong nakain niyo? Bakit niyo ako isasabay? Hindi ba dapat magje-jeep ako?" sunod-sunod na tanong ko.

"Ang dami mong satsat. Tara na!" singhal ni Kios at hinawakan ang kamay ko.

Hihilain niya na sana ako nang hablutin rin ni Xace at Lethal ang isa kong kamay. Tinignan nila ang isa't-isa at tumingin ulit sa akin.

Living With Peterson BrothersWhere stories live. Discover now