Chapter 17

768 96 6
                                    

Chapter 17

"Umm. We need to hit the high tone. This is really a good opportunity to win. And this year, the category is to find a heavenly voice while hitting the high tone by the two person. So Sabrina, can you sing a high tone?" nate-tense ako sa sinasabi ni Xace at hindi ako masyadong makapag-focus dahil sa titig ni Lethal na akala mo kakain ng tao. They are really want to win, huh?

"Don't you ever dare to failed us. This is the very first time to having a collaboration with someone. I would like you to know that this is very important to us. To win and to nominate our surname for being one of the best University." seryosong sabi ni Lethal. Tumango-tango naman ako.

Bakit kaya mahalaga sa kanila na manalo? I mean, hindi ba sila tumatanggap ng pagkatalo? Shems! Kailangan ko talagang galingan dito dahil kung hindi, patay na.

"Okay, good. Don't be nervous and think that you are just going to sing in your room. Feel it and love it. That is the key to winning our battle." nakangiting saad ni Xace kaya napangiti na rin ako.

Lumabas na ako sa PR nila at hindi na ako nagulat dahil sa mga bulungan ng estudyante. Simula nang malaman nila na ako ang napili bilang makaka-collab ni Xace Peterson, e, parang uhaw sila na sabunutan ako. They keep whispering that 'I used to be that girl' at isa pa itong si Fiona na gigil na gigil sa akin.

"Hoy empokrita kang babae ka! Alam mo, matagal na akong magtitimpi sa 'yo pero ngayon, you lose my patience na! Why our  Principal pick you to be with Xace, huh? What did you do ba at parang giliw na giliw siya sa 'yo?" inis na sabi ni Fiona habang naka-pamewang pa.

Conyo siya sis.

"Umm, wala akong maalala na ginawa sa kaniya pero the battle is fair, Fiona. Sometimes, you just need to accept your defeat. Kapag hindi para sa 'yo, hindi sa 'yo."

"How dare you! I want to be with Xace on this battle! Hear me? Mas magaling ako sa 'yo mag sing!"

"Oh, edi ikaw na! At saka, ano ba ang habol mo dito? 'Yong contest o mismong si Xace? Kasi kung si Xace lang, o edi sa 'yo na! Saksak mo sa baga mo!" sigaw ko sa kaniya. Pero wait, tama bang pinamigay ko si Xace?

"Ang sabihin mo, gusto mo lang makasama si Xace sa stage para magpa-inggit sa lahat!" sigaw niya na sinang-ayunan ng ibang babae.

"For you to know, I accept this opportunity not because I want to gain attention to other people o magpa-inggit na sinasabi mo. Tinaggap ko ito dahil sa pera na mapapanalunan ko kasi not gonna lie, mukhang pera ako, okay? So, kung gusto mo talagang manalo o maka-collab ang crush mo, huwag kang dumakdak diyan. Bumirit ka sa harap ng tatlong Peterson o sa Principal hanggang sa maawa sila sa 'yo at ikaw na lang ang piliin." sabi ko na ikinatawa nila Althea at Jayden sa likod. Nasa likod ko na pala sila at marami-rami na rin ang nanonood sa amin.

Naramdaman namin na lumabas ang Peterson dahil sa hiyawan ng iba. Tumigil sila sa harap namin at tinignan na walang expression na si Lethal.

"Get the fucking hell out." maawtoridad niyang sabi.

Lumapit si Fiona sa tatlo at kumapit sa braso ni Kios. Kanina si Xace ang nilalaban tapos ngayon kakapit siya sa braso ni Kios? This girl is insane!

"Kios, do you know that girl? She said that she deserve na maka-collab ang younger brother mo kasi mas maganda siyang kumata sa akin. See? Minamaliit niya ako!" pag-iinarte niya. Best actress 'to sa pilipinas. Puwede na siya mag-audition.

Saglit pang tumingin sa akin si Kios at nagsalita. "Hindi ko alam kung bakit minamaliit ka niya e, mas malaiit naman siya," sabi niya. Ugh! Ang sama niya! Matangkad lang sya! At eto namang si Fiona de higad, tatawa-tawa rin. "Pero kung sa pagalingan ng boses, wala akong masasabi pero mas angat siya." dagdag niya at tinuro ako. At si Fiona? Ayon, parang pinagsakluban ng lupa at langit.

Living With Peterson BrothersWhere stories live. Discover now