PROLOGUE

458 21 0
                                    

NAMANGHA ako sa laki ng university na ito. Grabe! Baka maligaw ako kakahanap ng classroom sa sobrang laki. Sa sobrang mangha ay napatulala ako kaya di ko namalayang tinatawag na ako ni Elize.

"Rachel! Halika na! Mag-iikot pa tayo!" at doon lang ako nagising.


Oo nga pala, pumunta kami rito para mag-enroll for incoming first year college. Dito na ako pinaaral ni Tita Glenn sa Maynila para mabantayan niya ako.

Pero hindi yun nangyari dahil pumunta si Tita sa States kasama ang kapatid ni Elize na si Ellison. Kaya naiwan kay Elize yung bahay-mansion nila kung saan ako'y nakatira-nakikitira lang pala.

Kaagad kaming nagpa-enroll at nung natapos na ay pumunta na kami sa mall. Mahilig kasing mag-shopping si Elize.

Pumunta kami sa isang sosyal na restaurant. Tinawag ni Elize ang waiter at hiningi ang menu.

Pinapili niya ako doon pero dahil busog pa ako ay hindi ako pumili. "Busog ka pa, Chel?" tanong sa'kin ni Elize. "Oo, busog pa ako." tugon ko sabay ngumiti sa kanya.

Yung totoo, hindi ko hilig ang kumain ng mga sosyal na pagkain. Gusto ko lang yung simpleng pagkain lang.

Ilang minuto ng maramdaman kong sumasakit ang tiyan ko. Parang natatae ako na ewan.

Kaagad naman akong napansin ni Elize. "Masakit ba yung tiyan mo?" nag-aalalang tanong niya.

Ay! Hindi masakit!

Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya. "A-ayos lang ako, Elize." sabi ko pero makulit itong pinsan ko. "Hindi kana okay, e! Tingnan mo nga, oh! Namimilipit ka sa sakit!"

Wow! Concern!

Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya. "S-saan ba yung rest room dito?" tanong ko.

Tinuro naman niya. Lalabas pa ako ng restaurant na ito para lang mag-cr. "Samahan na kaya kita?" sabi niya. "Hindi na, ok? Kaya ko na!" sabi ko at kaagad na lumabas ng restaurant na yun. Dumagdag pa itong mga nakaharang sa dinadaanan ko.

Please! Tumabi naman kayo!

Nagmadali akong naglakad. Hanggang bumangga sa'kin. Kaagad kong tiningnan kung sino yung nabangga ko. Lalaki ang nakabangga sa'kin at saka... gwapo siya!



Ang sama ng tingin niya sa'kin, pero di ako magpapaawat sa kanya. "Hindi ka man lang mag-sosorry, Miss?" tanong niya. Mukhang seryoso talaga siya.


Ay! Ang tanga lang!


Tumawa ako ng peke. "Ako? Mag-sosorry sa'yo? No way!" dahilan para lalong mainis si Kuyang Pogi kaya lang masungit.


"Maluwag yung daanan, Miss. Pero binangga mo pa'rin ako." seryosong saad niya.


Hala! Nagagalit na siya! Pero, wag kang magpapatinag sa kanya!


Huminga ako ng malalim at saka nagsalita muli. ""Nagmamadali rin ako! Parehas lang tayong-" pinutol niya iyon. "Hindi ko kailangan ng explanation mo. Ang kailangan ko lang ang sorry mo." pagdedemand niya.


Kanina pa ako dito naiinis, ah! Parang sorry lang!


Dahil marami ng tao na nakikiusyoso dito sa away namin kaya mapipilitan akong ibigay ang sorry ko sa kanya.


Sa ikalawang pagkakataon ay huminga ako ng malalim bago muling magsalita. "Ok... S-sorry na, huh? Ako na yung nagkamali, kaya sorry na." nginitian ko siya ng peke.


"At wag lang sana tayo muling magkikita!" saad ko at tinalikuran ko na siya. Nawala tuloy yung sakit ng tiyan ko sa kanya.


Kaagad kong pinuntahan si Elize at agad naming nilisan ang mall na yun baka makita ko pa yung lalaking yun.






A/N: Hi! Enjoy reading! Ngayon palang ay humihingi na ako ng sorry☺️ sa mga maling terms, typos, wrong grammar etc. Again, enjoy reading!🖤

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now