CHAPTER 17- Something Happened?

55 8 0
                                    

[Something Happened?]


Rachel's POV


NAGUGUTOM na ako't lahat-lahat. Hindi pa'rin dumadating si Elize. Nandito ako ngayon sa canteen at hinihintay pa'rin siya. Nagpaalam siyang mag-ccr lang daw pero makalipas ang 10 minutes ay wala pa'rin siya.

May iba na namang pinag-aabalahan ang babaeng yun! Pinaghintay niya ako dito sa canteen! Ayoko pa naman sa lahat yung pinaghihintay ako, dahil doon ako nabubwesit.

Pinuntahan ko na siya. Pero kaagad ko siyang nasalubong sa tapat ng main building ng university. Parang wala siya sa mood. Teka, parang ang saya nito kanina tapos nag-cr lang, nawala na sa mood? Iba din!

"Anong nangyari sa'yo, Elize? Kanina pa kita hinihintay dito-" hindi pa ako tapos sa pananalita ng magsalita siya.

"Mamaya nalang tayo mag-recess..." seryosong saad niya. "A-ano? Pagkatapos mo- hoy!" hinawakan niya ang kamay ko at ayun, kinaladkad na naman ako.

"Bitawan mo nga ako, Elize! Ano bang problema mo?!" nagrereklamo na ako lahat-lahat pero hindi pa din siya nagsasalita.

Hanggang sa dinala niya ako sa likod ng university. "Bakit tayo nandito, Elize?" tanong ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya. "Hindi ko pwedeng sabihin ito sa'yo, Rachel." sagot niya.

Naka-kunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito? Anong hindi ko pwedeng malaman o sabihin niya sa'kin?

"Anong hindi ko pwedeng malaman? A-anong ibig mong sabihin, Elize? Paki-explain nga! Kasi ako, kanina pa ako naguguluhan sa'yo." naguguluhan kong tanong sa kanya.

Hindi niya yun sinagot at tiningnan niya lang ako. "M-may nangyayari ba na hindi maganda, huh?" tanong ko sa kanya. "Paano kung sabihin ko sa'yo ang totoo, Rachel... Magagalit ka ba?" tanong niya.

Tinawanan ko lang siya. "Hindi ako magagalit kung sasabihin mo sa'kin." pero nanatili pa'rin siyang seryoso. Parang merong problema na hindi ko alam.

"Alam mo, nagugutom na ako. Pupunta muna ako sa can—" hinawakan niya kaagad ang kamay ko. "Ang kulit mo, Rachel! Mamaya kana lumabas!" nagulat pa ako kasi ang lakas ng boses niya.

Inalis ko ang kamay ko sa kanya at nag-crossed arms. "Ano bang problema mo, Elize?! Kanina pa ako naiinis sa'yo, ah!" naka-kunot ang noo kong tanong sa kanya.

"Hindi mo ako mapipigilan, Elize! Feeling ko, may tinatago ka sa akin!" sabi ko at kaagad na umalis. Narinig ko pa na sumisigaw siya, na tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko yun pinansin.




NAKARATING na ako sa gymnasium ng university. Feeling ko, naliligaw ako kahit kabisado ko naman ang bawat daan o sulok dito.

Nagulat ako nang makita ko si Red, kaagad ko siyang tinawag. "Red!" lumingon naman siya at ngumiti sa'kin, kaya nilapitan ko siya.

Sabay nag-chika kaagad si baks! "Napanood mo kanina?" tanong niya sa'kin. "Y-yung alin?" tanong ko sa kanya. "Ay, sayang! Nakakakilig pa naman sila!" sabi pa nito na tila'y nagpapa-inggit pa.

"S-sinong sila, aber? Alam mo, diretsuhin mo nalang ako." sabi ko sa kanya. "S-sina Sir Michael at Miss Trixie, nagpakilig!" nagulat ako, kaya pala ay pinapaiwas ako ni Elize doon, akala naman niya masasaktan ako at magseselos, tsk!



++++++++



Elize's POV


ANO kaya iniisip ngayon ni Rachel kung bakit ko siya dinala sa likod ng university para lang hindi makita ang pagpapakilig sa mga estudyanteng nanonood sa kanila.

Pero hindi lang yun ang nakita ko. Alam kong pasimple ding nasasaktan ang pinsan ko na si Rachel at ayaw kong nakikita siyang nasasaktan.

Hindi lang simpleng kilig ang pinakita nila, dahil... pasimpleng hinalikan ni Miss Trixie sa lips si Sir Michael. Isang dampi lang yun pero marami silang ginulat na mga estudyanteng nanonood.

Syempre, hindi sila ma-iissue dahil tatay ni Miss Trixie ang dean ng university. Kaya kung sino man ang nagpakalat no'n, sure akong hindi yun papaniwalaan ni Dean Leijo at sasabihin niya lang na ayos lang yun dahil mag-nobyo naman sila.

Sure akong masasaktan si Rachel kapag nalaman niya yun. Nagulat nang may biglang tumabi sa'kin. Si Rachel pala.

"Saan ka pumunta?" tanong ko sa kanya. Nakayuko lang siya at nakatingin sa sahig. Hula ko, di niya kinaya ang kanyang mga nalaman.

Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa'kin. "Bakit hindi mo sinabi sa'kin kanina? Akala mo naman ay masasaktan ako sa mga pinaggagawa nila." nagulat ako sa sagot niya. Hindi ko inakalang sasagutin niya ako ng gano'n.

"A-ano? Tama ba naririnig ko sa'yo, Rachel? Yung totoo, okay kalang ba?" natatawang tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya. "Oo. Bakit naman ako masasaktan? Naging... kami ba?" balik niyang tanong sa'kin.

Hindi ako nakapagsalita. Ganyan nga siya, magaling magtago ng totoong nararamdaman niya. Talagang itatago pa niya e, alam naman ng lahat na may nararamdaman pa'rin siya hanggang ngayon kay Sir.

++++++++

Rachel's POV

NAKATUNGANGA lang ako habang nagtuturo ng steps sa sayaw si Sir. PE namin ngayon pero feeling ko, mas kailangan ng utak ko ng exercise. Dahil kanina pa akong wala sa katinuan.

Iniisip ko pa'rin ang mga sinabi nila na kesyo nagpakilig daw sina Sir Michael at Miss Trixie. Oo na, magaling ako magpanggap pero anong magagawa ko kung tadhana na ang gumagawa ng paraan para paglayuin kami?

"Ms. Velasco, nakikinig ka ba?" doon lang ako natinag nang marinig ko ang boses ni Sir. Nakatingin na din sa'kin ang mga kaklase ko. "Uhhm...yes, sir..." tanging sagot ko nalang.

Wala ako sa mood sumayaw at makinig ngayon. Ang gusto ko lang at matulog nalang, para nakalimutan ko naman ang sakit kahit saglit lang.

Kinuha ko ang notebook ko at nagsulat ng Dear Diary.

September 7, 2013

-Sana hindi ko nalang inalam, ako tuloy ngayon ang nasasaktan sa mga nangyayari. Sana, hindi nalang kita nakita para makalimutan na kita ng tuluyan.

Pagkatapos noon ay tumungo ako sa desk at saglit na naidlip.

--------

Ginising ako ni Elize. Pinapa-madali niya ako. Kaya nagmamadali na akong umalis nang room habang hindi pa umaalis ang natitira kong kaklase bago ako matira.

Saka ko napagtantong noong nasa labas na kami ng university. Naiwan ko ang diary noteboook ko sa room!

Hindi ko na sinabi yun kay Elize dahil sasabihin niya lang na sinadya ko yun para balikan doon si Sir sa room. Baka mabasa niya ang mga nakasulat doon na tungkol sa kanya!

Baka malaman niyang...may gusto pa'rin ako sa kanya kahit na may girlfriend na siya.



Sana hindi siya mag-aasume...

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now