CHAPTER 26- Temporary Goodbye

26 6 0
                                    

[Temporary Goodbye]










Rachel's POV






"RAE, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Elize. Kanina pa ako tulala simula noong nag-usap kami ni Cedric. Tumungo ako bilang sagot at walang balak na magsalita.





"Rachel, saan ka ba pumunta kanina? Hindi ko na alam kung saan ka na nakarating..." panenermon pa niya. Wala akong balak sagutin ang tanong niya.



"Hinahanap ka kaya ni Sir Michael! Sabi ko, nasa library ka kaya pinuntahan ka niya kaso—" tiningnan ko siya.



"Hindi ako pumunta sa library. Nasa canteen ako, kasama si... Cedric." seryosong saad ko. Bakit niya ba ako hinahanap? Hmp!



Nanlaki ang mata nito. "S-si Cedric?! Rachel, paniguradong magagalit si Sir no'n!" sabi pa niya.



"Wala akong pake, pagalitan niya ako." walang emosyong sagot ko.


Bigla nalang siya natulala sa may likuran ko at saka nagsalita. "S-speaking of pagagalitan, nandyan na siya." sabi niya at dahan-dahan kong tiningnan ang nasa likuran ko.



Sana hindi ko nalang tiningnan. "Ms. Velasco. Where did you go earlier?" seryosong tanong niya.




Parang ngayon lang ako nag-skip class, parang big deal na yun sa kanya. At saka, hindi pa naman niya time noong nag-skip class ako.



Anong problema nito?




Tumingin ako sa kanya at saka nagsalita. "S-sorry, Sir." tanging sagot ko lang sa kanya.





Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Iniisip nila siguro kung bakit ako pinapagalitan ng poging professor.




"Mag-usap tayo." sabi niya at kaagad niyang hinawakan ang braso ko. Hindi ako maka-reklamo dahil pinagtitinginan na kami. Naiwan ko doon si Elize na nakanganga lang.




Kinaladkad na naman niya ako, huhu! "S-sir, please... Bitawan mo na ako..." reklamo ko. Nasasaktan na ako sa ginagawa niya!



Nakarating kami sa likod ng university. Kung saan, walang tao doon kung hindi kaming dalawa lang. Saka lang din niya ako binitawan.




"A-ano bang problema mo sa'kin, sir?!" inis na tanong ko sa kanya habang hinahawakan ang kabila kong braso kung saan niya hinawakan ng mahigpit.



Tumingin siya sa'kin. "Problema ko, Rachel? Yung Cedric na 'yun!" nanlaki ang mata ko. Hindi ako makapaniwala na pati rin kapwa ko estudyante ay pinagseselosan niya.




"S-si Cedric, sir? Anong ginawa niya sa'yo at bakit mo pa ako dinala dito? Edi sana siya nalang kinausap mo!" sabi ko pa.




"Ayaw ko sa kanya, Rachel. Ayoko siya para sa'yo."



"Bakit ka pa ba nagseselos, huh?! Diba, si Miss Trixie na yung mahal mo? Pwes, tigilan mo na ako!"



"Si Trixie ba yung pinagseselosan mo? Sige! Hihiwalayan ko siya para sa'yo, basta magkabalikan lang tayo!"



"Nahihibang kana ba, sir? Tigilan mo nga ako! I hate that I love you, sir! I hate that!"



"Maybe, you already have feelings for Cedric. Siguro, kinalimutan mo na ang lahat sa atin, Rachel." malungkot na saad niya. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot na nadarama niya.




My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now