CHAPTER 5- Stalker

115 8 0
                                    

[Stalker]







Rachel's POV





NAGISING ako sa ringtone ng cellphone ko na nasa tabi ko lang. Nakatulugan ko ang pag-cecellphone. Tiningnan ko kung anong oras na. Mag-aala syete na.

Kaya bumangon na ako at lumabas ng kwarto para kumain na ng gabihan. Patay ang ilaw sa sala, siguro maagang natulog yung isa.

Kaya dumiretso na ako sa kusina para kumain na, nagugutom na kasi ako. Pagkarating ko ng kusina ay kaagad kong kinalkal ang refrigerator kung may pagkain bang niluto si Elize.

Hindi naman ako nagkamali dahil meron nga siyang niluto at tinira sa'kin. Kaya kaagad akong nagsandok ng kanin at ulam para makakain na ako.

Sa kusina na ako kumain. Habang ninanamnam ko ang bawat subo ko ay bigla na namang nag-vibrate yung cellphone ko.

Nakalimutan ko palang naisama ko ito dito sa bulsa ko. Akala ko ay naiwan ko sa kwarto. Edi sana, walang istorbo sa'kin ngayon. Kinuha ko ito sa bulsa ko at tiningnan kung sino ang nag-text.

As usual, si Unknown Number na naman ang nag-text, nangungulit na naman.

From: Unknown Number
Message: hi! Kumusta kana? Nakapag-pahinga ka naba? Sorry kung naistorbo kita.

Ni-replyan ko siya.

To: Unknown Number
Message: Oo! Istorbo ka, dahil kumakain ako pero ok lang. Nakapahinga naman ako. Eh, ikaw? Kumusta ka?

Kumain muna ako habang inaantay ang kanyang reply. At wala pa five minutes ay nag-reply din siya.

From: Unknown Number
Message: Ayos lang ako basta makita at makausap ka, sapat na sa'kin yun.

Pinagsasabi nito? Trip na naman niya ako, e. Ni-replyan ko ulit siya.

To: Unknown Number
Message: Kuya, wag mo akong gawing reason para maging okay ka. Hindi ka nabuhay para sa isang tao lang.

Then send. Tapos na akong kumain at hinugasan ko muna ang mga plato na nasa lababo. Pagkatapos noon ay pumunta na ako ng kwarto.

At muling nag-vibrate ang cellphone ko. Hindi niya talaga ako tinitigilan. Nasa loob na ako ng kwarto ko at kinuha ko ang cellphone ko para basahin ang text niya.

From: Unknown Number
Message: Alam ko. Sige, hindi na muna kita iistorbohin. Alam kong may gagawin ka pa.

Nakahinga ako ng maluwag ng malamang hindi na niya ako muling iistorbohin. Hay, buti naman at naisip niya yun.

Humiga ako sa aking kama at sandaling nagfacebook. Walang magawa, e. Habang nagscroll down, scroll up ay may naisip ako tiyak na hindi ko ikakaboring.

Ang i-stalk ang account ni Sir Michael. Kaagad ko namang tiningnan sa aking friend request list ko at hindi nga ako nabigo dahil nandoon siya.

Kaagad kong pinindot ang pangalan niya. Speaking of profile picture, nag-palit na siya.

Halatang binata pa si Sir at hula ko, wala pa siyang asawa. Girlfriend? Siguro, dahil sa gwapo niyang yun, ewan ko nalang kung sino ang hindi mababaliw sa kanya.

Bakit pa kasi nagkaroon tayo ng mga gwapong professor? Andami tuloy nagkaka-crush sa mga professor nila. Mala student-professor love story ang peg, ganoon.

Pero ayoko talagang magka-crush sa isang professor. Kasi sa huli, hindi naman sila ang magkakatuluyan. Parang pinagtagpo pero di naman tinadhana.

Masasaktan ka talaga, promise! Mas gugustuhin mo nalang na wag nang magmahal muli. Teka, kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko.

Ano ba itong pinagsasabi ko? Hindi ako magkaka-crush sa professor lalo na kay Sir Michael? Tsk! Never yun mangyayari.





NAGISING ako sa alarm clock. May pasok nga pala kami, nakalimutan ko sa sobrang pagod ko kahapon. Bumangon na ako sa pagkakahiga at naupo muna saglit sa gilid ng kama.

Maaga pa naman, e. Kaya tiningnan ko yung cellphone ko at message kaagad ni Unknown Number ang nakita ko.

From: Unknown Number
Message: good morning! Sana maganda ang umaga mo. :)

Napangiti ako ng palihim. First time ko lang kasi makatanggap ng sweet message kagaya nito.

Kaya nireplyan ko din siya.

To: Unknown Number
Message: good morning din :) sana nga hindi masira ang araw ko. Geh, maghahanda na ako. Papasok na kasi ako at ayokong ma-late.

Yun lang at nilagay ko na yun sa bag ang aking cellphone, baka makalimutan ko na namang dalhin ito at baka ma-misplace ko yun.

Dumiretso na ako ng cr para maligo na.







NASA university na kami ng bigla na namang nag-vibrate ang cellphone ko. Pati ba naman dito sa university ay hindi niya ako titigilan?

Kinuha ko yung cellphone sa bag ko. At tiningnan ang text niya.

From: Unknown Number
Message: hi! Nasaan kana? Kanina pa kita inaantay dito sa waiting shed ng university.

H-huh? Alam niya rin kung saang university ako nag-aaral. Hmm...unless pupuntahan ko siya doon, e hindi ko nga siya kilala, e.

To: Unknown Number
Message: a-ako? Hinihintay mo sa waiting shed? Wag na at nakapasok na ako ng university. Salamat nalang.

Tiningnan ko naman ang katabi kong walang pakialam sa mundo kung di nag-cellphone lang.

Wala pang two minutes ay nag-reply na kaagad ang mokong.

Sana maubos yung load, bwesit ka!

From: Unknown Number
Message: alam ko, hindi mo lang alam na sinusundan kita.

Kaagad kong tiningnan ang paligid kung may tumitingin sa'kin. Saktong dumaan din si Sir Michael at tumingin sa akin.

Wag niyang sasabihin na siya si...Sir Michael! Hindi pwede yun! Paano ko malalaman kung sino ba talaga itong si Unknown Number?

Kaagad akong nag-type sa keyboard ng cellphone ko.

To: Unknown Number
Message: sabihin mo nga sa'kin. Ikaw ba si Sir Michael, huh? Bwesit ka talaga!

Wala akong pake kung pagtawanan niya lang ang text ko pero isa lang ang natitiyak ko, siya si Sir! Kunwari pa siya!

Kaya may pumasok sa utak ko, ang sundan si Sir Michael. Hindi na ako nagpaalam kay Elize dahil aasarin lang niya ako kapag ipinaalam ko pa yun sa kanya.

Dali-dali akong naglakad papunta ng faculty room niya. Sandali akong napahinto ng mag-vibrate ang cellphone ko.

Binasa ko ang reply niya.

From: Unknown Number
Message: hindi ako siya, Rachel. Bakit ba galit na galit ka sa kanya?

Doon palang sa text niya na 'Bakit ba na galit ka sa kanya?' e, alam ko na yan. Hindi ko yun ni-replyan bagkus itinuloy ko pa'rin ang sundan si Sir.

Bwesit siya! Hindi niya ako maloloko, lol! Magkita tayo sa classroom, at sinasabi ko sa kanya, uupakan ko talaga siya.




A/N: Hey yow!🤘 Chapter Five is Up!🆙 Again, sorry sa typos, wrong grammar, etc. Baka next time ay may sariling POV na si Sir Michael!😊 Basta, abang-abang lang sa magiging kahinatnan ng kwento nina Rachel at Michael! Ewan ko, pero kinikilig po ako sa tandem nila kahit alam kong bawal.😂 Enjoy reading!☺️❤️

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now