CHAPTER 33- Sean Michael's Birthday

29 4 0
                                    

[Sean Michael's birthday]













Rachel's POV







NAGKALAT nga ang tsismis tungkol kay Sir Michael. Mga tsismosa nga naman talaga! Kahit kailan, hindi matahimik ang mga dila! Hindi ko na lang sila pinansin. Sinasayang lamang nila ang oras ko.




Nasa room na ako at nakikinig lang sa usapan nilang walang kwenta. Nabo-boring na din ako. Kaya mas minabuti kong magbasa na lamang. Para naman, hindi na ako ma-bored pa at may malalaman pa ako, 'di ba?





Nasa kalagitnaan na ako ng story nang marinig ko ang pinag-uusapan nila at bigla akong naging interesado na pakinggan yun.





"Malapit na pala birthday ni Sir Demetiz!"



"Oo nga, guys! A-attend ba kayo?"



"Oo naman!"



"Alam n'yo ba, kilala na pala ni Miss Trixie ang ex girlfriend ni Sir!"



"Oo nga, iniimbitahan nga niya na um-attend sa birthday party ni Sir."



"Sa tingin n'yo, a-attend yun?"



"Abangan nalang natin sa friday! Um-attend kayo, invited kayong lahat sa  birthday party ni Sir!"






Nakalimutan ko na pala, malapit na palang mag-birthday si Sir Michael. A-attend ba ako doon? Siguro, um-attend nalang ako para hindi nila ako paghinalaan na ako ang ex girlfriend ni Sir Michael.










_________-_-__________










FRIDAY na nga. Nakapag-desisyon na ako, a-attend ako. Kahit pa, nakilala na ako ni Miss Trixie. Nasa room ako ngayon at inaantay namin si Sir Michael. Dumating naman siya.




"Good morning, class." bati ni Sir sa lahat. "Happy birthday, Sir!" masayang pagbati sa kanya ng mga kaklase ko. "Thank you." tipid na sagot niya at saka pinaupo na kami.



'Mukhang badtrip ata!'




Nagturo lang siya ng kaunti at sinulat naman namin ang mga lectures. Badtrip na badtrip, sa mismong birthday pa niya, huh?




Patuloy lang ako sa pagsusulat nang ma-realize ko na nakatingin sa'kin si Sir Michael. Hindi ko nalang siya pinansin.





Hanggang sa matapos ang klase. Hindi pa'rin niya inaalis ang tingin niya sa akin. Nilapitan ko na si Elize.



"Bilisan mo na nga dyan!" pangmamadali ko sa kanya. Nakasimangot na ang mukha ni Elize. "Bakit mo ba ako minamadali, Rae?" tanong niya.



Tiningnan ko muna si Sir Michael na nakatingin pa'rin sa'kin. "Basta! Pahiramin nalang kita ng lecture!" naiirita na ako. Hindi ko pwedeng iwanan si Elize dito.



"Sige, ito na nga." nag-ligpit na siya ng mga gamit niya sa desk at nilagay sa bag. "Bilisan mo naman, Elize!" nasapo ko nalang ang noo ko. Ang tagal ng babaeng ito!



Lalabas na sana ako sa room nang bigla niya akong tawagin. "Miss Velasco." sabi na nga ba! Dahan-dahan ko siyang tiningnan at lumakad papunta sa kanya.




"Ano po yun, sir?" tanong ko sa kanya. "Nakalimutan mo na yata ang birthday ko." sabi niya. "H-huh? Birthday mo ngayon, sir?" tanong ko sa kanya.





Nakita ko ang reaksyon niya. Nagulat siya at biglang nalungkot. "H-happy birthday, sir. Mauuna na po ako." at saka umalis na.




"Um-attend ka mamaya sa birthday party ko, Miss Velasco." pahabol pa niya. Hindi ko na siya nilingon at dire-diretsong umalis.







-----------------







"IYAN lang ang isusuot mo sa party, Rae?" tanong niya habang nakatingin sa suot ko. Oversized t-shirt at pants lang ang sinuot ko. At nakaipit lang ang buhok ko. Ayokong mag-mukhang girly ako sa birthday niya.




"Oo, Elize. May problema ba sa suot ko?" tanong ko sa kanya. Umiling-iling lang siya at napabuntong hininga nalang. "Umalis na nga tayo. Mala-late tayo nito." sabi ko at nauna ng lumakad sa kanya.




15 minutes ang itinagal namin. Hindi pa nagsisimula ang party ng dumating kami. Nagulat pa ang mga classmate ko sa suot ko.





Nakita ko si Miss Trixie pero hindi ko naman nakita si Sir Michael. "Nasaan si Sir? tanong ko kay Red. "Nasa loob siya, Rachel." sabi nito at pumasok na ako sa loob ng mansion nila.





Pormal ang mga suot nila. Feeling ko, outsider lang ako dahil sa pananamit ko. Nakita ko si Sir Michael. Kausap niya ang parents niya at syempre, kasama niya si Miss Trixie at  ang father nitong si Dean Leijo.




Aalis na sana ako nang makita ako ni Sir Michael at tinawag niya ako. "Rachel!" lumingon naman ako. Lumapit naman siya sa akin. "B-bakit, sir?" tanong ko sa kanya.




Ngumiti siya sa akin. "Join us." sabi niya. Tumanggi ako. "Hindi. Salamat nalang, sir." aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.





"S-sir? Ayoko... please..." hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko kahit na nagmamakaawa na ako sa kanya. "Dahil ba sa ganyan ang suot mo? Kaya ayaw mong sumali sa amin?" tanong niya. Hindi ako nakaimik kasi tama siya.





Ayon, umalis kami na hawak pa'rin niya ang kamay ko. Nakakahiya sa mga bisita niya! Halata na ako nga ang ex girlfriend niya!




Dinala niya ako sa isang kwarto. Pagkabukas ng pinto. Nakita ko si Elize. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya. "Elize, paki-ayusan itong pinsan mo." utos sa kanya ni Sir. "Opo, sir!" sagot naman ni Elize at pinapasok na ako sa kwartong yun.




"Ayusan mo siya. Babalik ako dito." sagot niya at sinarado ang pinto. "Halika na nga!" sabi ni Elize at hinila na naman ako.



Puro mga gowns at dress. "Pumili ka na dyan." sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako. Sabi ko nga, ayoko maging girly sa birthday niya, eh!




Pumili naman ako. No choice ako kung hindi ang sundin ang utos niya. Favorite ko yung blue dress, kaya ito ang pinili ko.





Kaagad kong sinuot yun. Nagmamadali na sila at magsisimula na daw ang party. Pagkatapos noon ay inipitan niya ako ng maayos. At pagkatapos noon ay kaagad niya akong minake-up-an. At pinapili ako kung anong susuoting sapatos. Puro mga sandals at takong ang nandoon.





Kaya no choice na naman ako kung hindi piliin ang takong. Marunong naman ako kaso hindi ako sanay na ito ang isusuot ko.





Sa wakas, tapos na rin akong ayusan. Tumingin ako sa salamin. Teka, Rachel is that you? Parang ngayon lang ako nag-mukhang tao, ah! "Ang ganda naman ni Rachel!" namangha si Elize sa kagandahan ko ngayon.





"Sinusundo ka na ni Prince Charming mo." sabi pa niya. Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi ko siya prince charming!" sabi ko at kaagad lumabas ng kwartong yun. Hinabol ako ni Elize.




"Hoy, Rachel! Baka matapilok ka niyan!" hindi ko siya pinansin. Dahan-dahan lang naman akong naglalakad, para lang shunga.





Lumabas na ako at nagulat silang lahat sa akin. Kahit ang mga parents ni Sir Michael at sina Miss Trixie at Dean Leijo ay napatingin sa'kin.




Lumapit si Sir sa akin. "Ang ganda mo." bulong niya sa'kin at palihim akong ngumiti. Hinawakan niya ang kamay ko. Nakita ko ang mukha ni Miss Trixie. Parang nagseselos siya.
Ganoon din ang mukha ni Dean Leijo, parang hindi maipinta ang mukha.








"Is she your ex girlfriend?"

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now