CHAPTER 3- Punishment

142 11 0
                                    

[Punishment]




Rachel's POV



NANDITO ako ngayon sa tapat ng faculty room. Dito kase ang meet-up namin ni Sir Michael at hinihintay ko siya na lumabas para makauwi na ako!

Hindi ko nga alam kung bakit niya ako kakausapin ngayon, e. Hmm... paano kung pahirapan niya ako dahil sa mga ginawa ko sa kanya?

Wahhh!!! Hindi pwede! Gumagawa naman ako sa oras niya. Never akong bumagsak sa isang subject! Tanging siya pa lang ang nakakagawang mang-bagsak kahit pasado naman talaga ako!

Namumula na ang pisngi ko sa sobrang gigil sa kanya. Bwesit ka talaga! Sana mali yung hinala ko, sana mali...

Lumabas na siya mula sa faculty room na yun. Ngumiti siya sa'kin pero hindi ko yun pinansin. "Sir, bakit mo ako pinapatawag?" tanong ko sa kanya. Kinakabahan na ako...

"Ms. Velasco, kaya kita pinatawag dahil..." hinihintay ko ang sasabihin niya. Narinig ko ang pag-buntong hininga niya. "Sorry pero bagsak ka sa subject ko." seryosong saad niya.

Whattt?! Bagsak ako sa subject niya? HAHA, yung totoo? Tumawa ako ng pilit. "Sir? T-totoo ba yan? Ako? Babagsak sa subject mo? O baka naman bumabawi ka lang dahil sa ginawa ko sa'yo?" sarcastic na tanong ko.

"Ms. Velasco, kulang pa ang mga ginawa mo sa subject ko. Kaya kailangan mong—" agad kong pinutol ang sasabihin niya. "Kaya kailangan kong mag-remedial? Ganon? P-parang ang unfair naman, Sir." reklamo ko.

"Sorry, Miss. Alam kong matalino ka pero..." hindi ko siya pinansin. "Matalino nga ako pero binagsak mo ako sa subject mo ng dahil sa away natin. Hindi ka pa'rin ba nakakalimot, Sir? One month na ang nakakalipas!" sa sobrang lakas non, ay pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at mga professor.

"Please, Miss. Hinaan mo ang boses mo." saway niya sa'kin pero inirapan ko lang siya. Badtrip!! "Kasalanan mo naman yan, e! Alam mo, matagal na akong naiinis sayo!" panduduro ko sa kanya.

Wala akong pake kung sabihan ako ng mga tao na... 'walang galang!', dahil ang gusto ko ngayon, mailabas ang galit ko sa kanya.

Kaya hinila niya ako palayo sa faculty room para hindi ako maka-istorbo sa mga professor na nasa loob.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" reklamo ko at pilit na kumakawala, pero mas lalo niya yun hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.

At dinala niya ako sa malayo, para magkaintindihan kami. Dalawang beses na akong hinila at kinaladkad. "Aray!! Please, bitawan mo na ako!" reklamo ko muli at saka niya binitawan.

"Bwesit!" bulong ko. "Anong s-sinasabi mo, Miss?" tanong niya na ikinagulat ko. Narinig niya pa yung ganoong kahina, ah.

"W-wala. B-bakit mo ko dinala dito, Ser?" naiiritang tanong ko.

Akala mo naman, may importanteng sasabihin, hmp!

"Seryoso ako. Hindi ko dinadamay dito ang away natin at wala akong balak na pag-awayan pa natin ito." sabi niya.

Tama naman siya, ayoko ng makipag- away sa kanya. Kaya nag-isip muna ako. Sige, papayag na ako, basta tigilan lang niya ako.

Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita. "Sige, papayag na ako." sabi ko at biglang lumiwanag ang mukha niya.

"Basta please lang, Sir. After nito, tigilan mo na ako." pakiusap ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

Sabi na nga ba? Sinet-up mo ko sa kalokohan mo!

"Thank you, Ms. Velasco. Akala ko ay hindi ka pa'rin papayag." pasasalamat niya. Nginitian ko lang siya ng pilit. Feeling ko, ako yung professor dito sa aming dalawa.

"Sige na, ano ba yung mga kulang ko? Para maasikaso ko na...Sir dahil uwing-uwi na po ako." nagmamadaling saad ko.

"Okay. Sundan mo muna ako." aniya at saka tumalikod sa'kin at nauna ng maglakad. Sinundan ko naman siya.

Mamaya, may masamang balak ito sa'kin, naku! Bubugbugin talaga kita kahit professor pa kita, hmp!

Pumunta ulit kami sa faculty room. Pumasok siya sa loob, maghihintay nalang sana ako sa labas pero pinapasok niya ako.

Bumati si Sir sa mga kapwa niya professor. Ganoon din ako, magalang din kaya ako, di lang halata. Hanggang makarating kami sa table niya.

May hinahalungkat siya sa table niya. Ang dami kaseng mga papel sa table niya. Habang may ginagawa siya at ako naman ay nakatayo sa harapan niya, naghihintay.

Wala na!! Hindi na ako makakapahinga! Bwesit naman kasi ito, oh! Hapon na talaga ako nito makaka-uwi and for sure, pagod na pagod dahil sa mga gagawin ko ngayon.

Hanggang sa ibigay na niya sa'kin. Madami din itong ipapasagot niya sa akin. Pero wait, paano kung hindi ko ito matapos ngayon...edi hindi ako uuwi? Wahhh!! Hindi ito pwede!

Pumunta kami sa rooftop ng university namin dahil may nagkla-klase na ngayon sa room namin.

Bago ako sumagot ay kinausap ko muna ang sarili ko. "Woah, self! Kaya mo ito, diba?" ngumiti ako ng pilit kahit hindi ko talaga lahat kaya iyon.

"Matalino ka diba, Rachel? Ngayon, kailangan mong makipag-cooperate sa akin, self. Dahil once na bumagsak ako, hindi ako makaka-graduate. Kahit ngayon lang." huminga ako ng malalim.

Naalala ko tuloy dati, binubully lang ako noon. Kesyo hindi naman ako matalino, sipsip daw ako at hindi lang iyon, pangit daw ako. Dati yun pero ngayon, nag-glow up na ako.

Uso na ang glow-up ngayon sa mga dating binubully. Baka nga, walang glow-up yung mga dating bumully sa'kin. Ganoon pa din ang mga pagmumukha, mukhang paa.

Namulat ako sa realidad na nakatingin si Sir sa akin at nakangiti pa. Siguro, narinig niya ang mga pinagsasabi ko.

Ngumiti ako sa kanya bago muling magsalita. "Mag-start na ako, Sir." sabi ko.

Para sa pangarap, lalaban ako! Kaya mo ito, Rachel! Kaya mo ito, ikaw pa!

"Good luck, Ms. Velasco. Kaya mo yan, ginagawa mo ito sa pangarap mo kaya good luck." pagche-cheer niya sa'kin.

Kinuha ko na ang papel at ballpen para magsimula na. I wish na...hindi na ako babagsak sa subject niya.

Magsasagot na sana ako ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. For sure, si Elize ang nag-text ngayon.

Kinuha ko yung cellphone at kaagad na binasa ang message sa'kin ni Elize.

From: ElizeAlvarez
Message: hoy, rachel! anong oras ka uuwi?! inaantay kaya kita!

Napabuntong-hininga na lang ako sa message niya. Anong oras nga ba ako uuwi? Kapag natapos ko kaagad ito?




A/N: Chapter 3 is Up! Again, sorry po sa wrong grammar, typos, wrong terms etc. May pagkaboring ba yung story ko? Siguro, boring nga. Pero wag kayong mag-alala dahil kapag may time ako ay aayusin/edit ko po ito. First time kase magsulat, hehe.😀 Enjoy reading!!☺️❤️

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now