CHAPTER 11- Misunderstanding

66 7 0
                                    

[Misunderstanding]


Rachel's POV


MAPEH time na. Kaya magi-skip class na kami ni Red. Kapag nalabas kami, isinasama namin ang aming bag. Kaya hindi mapaghalataang mag-skip class.

Kinuha ko na ang bag ko at pasimpleng lumapit kay Red. "Baks!" tawag ko sa kanya at saka siya lumingon. "Ano? Tuloy tayo...?" tanong ko sa kanya.

Alam na niya ang ibig sabihin no'n, pero nakitaan ko ng pagkatakot sa kanyang mukha. "S-sorry, Rachel... sorry..." ayun lang ang nasabi niya.

"A-anong ibig mong sabihin, baks?" nagtatakang tanong ko. "Sorry, Rachel pero sinabihan ako ni Elize at alam niya ang plano nating pag-skip class.* sabi niya na ikinagulat ko.

Paano nito nalaman ang plano kong mag-skip class sa klase ni Sir? Napabuntong-hininga nalang ako. "Sige, okay lang. Next time nalang." sabi ko at kaagad na bumalik sa upuan ko.

At padabog na umupo sa upuan. Tiningnan ko si Elize na nakatungo lang sa kanyang upuan. Ilang minuto nalang at darating na siya.

Tumunog na ang bell hudyat na papasok na ang next professor namin na kinaiinisan ko.

Pero ilang minuto na ang lumipas pero di pa rin siya dumarating. Nakaupo lang ako nang biglang lumapit sa'kin si Elize.

"Rachel, mag-usap muna tayo sa labas." sabi niya. Seryoso ang kanyang mukha. Hindi ko siya pinansin at tumayo na ako para mauna nang lumabas sa room namin at hinintay ko siyang lumabas ng room.

"Ano bang sasabihin mo?" bored kong tanong. "Ano ang nalaman ko, Rachel? Mag-skip class ka daw sa klase ni Sir Michael?" napabuntong-hininga nalang ako.

"Sabi ko naman sayo, gusto ko munang um-absent." sagot ko. "At saka pwede bang sa mansion nalang natin ito pag-usapan? Dito pa talaga sa hallway, e." sabi ko pa.

"Hindi kita pinapahiya dito, Rachel. Sinasabihan lang kita." sabi niya kaya bigla akong natawa. "Mema! Pinapahiya mo ako, Elize! Ipinapahiya mo ako sa kanila!" di ko mapigilang sumigaw kaya ang mga dumadaan sa hallway at sa loob ng classroom ay napatingin sa bintana at pinto.

"Ano ba, Rachel! Bakit ka ganyan sa'kin, huh? Kahapon ka pang ganyan sa'kin!" kita ko sa kanyang mukha ang galit. "Please, Elize, please! Wag dito sa university! Wag dito..." pagmamakaawa ko sa kanya.

At dali-daling pumasok sa room. Feeling ko, pinahiya ako ni Elize sa mga kaklase ko. Kaagad akong umupo at tumungo sa desk, hindi para umiyak.

Nagbubulungan ang mga kaklase ko at nakatingin sa'kin kahit na nakatungo lang ako at ramdam ko yun.

Pumasok na din si Elize at nagsalita. "Anong pinagbubulungan nyo dyan?" sita niya sa mga kaklase kong tsismoso't tsismosa.

Bumalik na sila sa kanya-kanya nilang upuan. Dumating na pala siya, medyo basa siya ng pawis at hinihingal pa.

"Good morning, class. Sorry, I'm late. May meeting kami ngayon kaya medyo late na akong dumating." explain niya. Napansin niyang tahimik ang lahat.

Walang umiimik kahit ni isa. "May problema ba, class?" tanong ni Sir. "N-no, sir." sabi ng lahat sabay tingin sa amin ng aming mga kaklase.

No sir daw pero tumingin sa'min. Ano yun? Masyadong pahalata ang ewan. Tumingin sa amin si Sir. Nakatingin lang ako sa bintana pero dama kong nakatingin siya sa akin.

"Ms. Alvarez at Ms. Velasco, mag-usap tayo mamaya." sabi niya. Biglang nagsalita si Lexie na maharot. "Saan po kayo mag-uusap, Sir? Sa rooftop ba?" nagpanting ang tainga ko sa aking narinig.

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now