CHAPTER 13- Past is Back

61 8 0
                                    

[past is back]


Rachel's POV



SABADO na pala. Hindi ko na natitingnan ang kalendaryo dahil busy ako araw-araw. Naisipan kong mag-jogging muna sa labas. Wala na akong ginawa sa mansion kung hindi ang magdrama, matulog at magkulong sa kwarto.

Nanonood lang ng TV si Elize ng lumabas ako ng mansion, ayos na ang pakiramdam ko. Hindi na rin sumasakit ang ulo ko.

Sa loob lang ako ng village nag-jogging. Sa sobrang pagod ay napaupo ako sa may damuhan. Malayo pa kasi ang park ng village.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nagulat ako sa iti-next ni Elize.

From: ElizeAlvarez
Message: wag ka muna uuwi dito! Nandito siya, hinahanap ka niya!

Balak ko sana siyang tawagan, di ko naman alam kung sino ang binabanggit niya.

To: ElizeAlvarez
Message: anong pinagsasabi mo dyan, Elize? Nababaliw kana ba?

Nag-jogging na ako muli, minsan ko nalang kasi ito ginagawa. Hanggang sa makarating ako ng basketball court ng village namin.

May mga naglalaro pala ng basketball ngayon. Kaya naisipan ko munang manood kahit saglit lang. Nakapasok na ako sa court.

Nang biglang pumasok sa isip ko na may misyon nga pala ako. Ang hanapin si Past na minahal ko daw.

Saktong pag-upo ko ay saka sila tumigil muna sa paglalaro. "Time out muna!" sigaw ng isang boses na parang pamilyar sa'kin. Pero kahit nakatalikod siya ay kilala ko siya.

Lumapit ako sa isang player. "Pahiram ako ng bola, kuya. Magsho-shoot lang ako." kilala naman ako ni Kuya kaya pinahiram niya sa'kin.

"Oh. Ibalik mo yan, maglalaro pa kami." paalala pa niya. Tumungo lang ako at pumunta sa gitna at nagsimulang mag-dribble

Napukaw ng pansin ang aking paglalaro. "Boy! May naglalaro!" pero tuloy pa'rin ako sa pag-laro kahit hindi ko naman talaga alam kung paano maglaro ng basketball.

Hanggang dumating sa point na i-shoshoot ko na ang bola, ihahagis ko na sana ito kaso ay may humawak sa kamay ko.

Si Sir, hawak niya ang kamay ko. Tiningnan ko siya. "Hindi ka pa masyadong marunong, kailangan mo pang mag-practice." sabi niya.

"Bitawan mo nga ako!" reklamo ko sa kanya. Pilit kong nagpupumiglas, pero sadyang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Seryoso ang mukha niya. Habang papalapit kami sa mga kaibigan niya ay naririnig ko ang mga pinagsasabi nila.

"Siya pala yung first girlfriend ni Michael, tol!"

"Ang bata pa ng girlfriend mo, tol!"

"Maganda pala ang girlfriend mo!"

Ilan sa mga iyan ang narinig ko. Girlfriend niya ako? Mema talaga! Kailan pa ako nagka-boyfriend? Wala akong boyfriend since birth! As in wala!

Nakarating na kami sa mga tropa niya pero hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko. Tuloy pa'rin sila sa mga bulungan about sa'kin. Hindi ko na napigilan ang magsalita.

"Excuse me lang mga kuya, pero hindi ko siya boyfriend! Wala pa akong nagiging boyfriend sa buong buhay ko!" at least na makinig sila ay tinawanan lang nila ako.

Ano na namang pakulo ito? "Anong sinabi mo sa kanila? Bakit—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya. "I'm her boyfriend." nanlaki ang mata ko.

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now