CHAPTER 1- We Meet Again

203 12 0
                                    

[We Meet Again]




Rachel's POV



One Month later...



NANDITO kami ngayon sa cafeteria ng university. Kakatapos lang ng second period namin at dahil wala kaming teacher this time at wala din nag-sub, kaya dumiretso kami ni Elize sa canteen.

Magre-recess na din naman kaya dumiretso na kami dito. Naka-kagutom din kaya! Bukod sa nagpa-quiz ay nagpa-group activity din kami kaya nagutom talaga ako.

Hindi ako nakapag-ayos ng kain kaninang nag-almusal kami. Ewan ko lang dito sa isang 'to.

Habang kumakain ako ay nakatingin lang siya sa akin. "Anong tini-tingin mo sa'kin?" naiiritang tanong ko sa kanya.

Ayoko pa naman sa lahat, yung kumakain ako tapos may nakatingin. Nakatingin pa rin siya sa'kin at nagsalita.

"Ang tagal mong kumain. Gusto ko ng manood ngayon sa gymnasium ng basketball." sabi niya. Kaya hindi ko nalang siya pinansin at nag-patuloy lang sa pagkain ng spaghetti.

Halos mabulunan na ako dahil nagmamadali na itong isa na ito. Sino ba kasi yung gusto niyang makita doon na basketball player?

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na kami sa gymnasium ng university. "Ano ba kasing gagawin natin doon? Manonood lang sa mga naglalaro, gano'n?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya umimik at hinila niya ako papasok doon sa gymnasium. "Uyy, Elize! Bitawan mo nga ako!" reklamo ko at binitawan naman niya ako.

"Sorry, nakaladkad tuloy kita." paghingi niya ng paumanhin sa'kin. "A-ayos lang. Halika na." aya ko sa kanya at naglakad doon sa gitna kahit may mga naglalaro doon.

Tinawag ako ni Elize. "Rachel! Bilisan mo nga maglakad!" utos niya sa'kin. Nagbigay siya ng isang babalang tingin sa'kin, pero inirapan ko lang siya at nag-patuloy sa paglalakad.

Sasabihin lang niya sa akin na, 'Pang Beauty queen ang lakad pero di naman maganda, dzuh!'

Parang ganoon ang sinasabi niya sa'kin at alam ko yun. Nag-patuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa tumama ang bola sa ulo ko at bigla akong natumba.

"A-aray...ang sakit!" sabay sapo sa ulo ko. "Rachel!" sigaw ni Elize at kaagad na lumapit sa'kin. "Chel, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Elize. "A-ayos lang ako, Elize." tatayo na sana ako ng may biglang lumapit sa'kin.

"Sorry, Miss. Hindi ko sinasadyang tamaan ka." paghingi niya ng paumanhin sa'kin. Pamilyar ang boses niya sa'kin. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at ganoon na lamang ang gulat ko.

"I-ikaw na naman?!" iritang saad ko. Ganoon din siya. Kaagad akong tumayo kahit medyo nahilo-hilo pa ako sa sakit. Kaagad naman akong inalalayan ni Elize.

Bwesit! Hindi mo talaga ako tinitigilan, ah!

"Hindi mo talaga ako tinatantanan, e no!" inis na singhal ko sa kanya. "Rachel, pls...tama na." saway sa'kin ni Elize, pero di ko siya pinansin.

"Kailan mo ba ako titigilan, huh?! Nag-sorry na nga ako sa'yo pero di mo pa'rin ako tinitigilan! Nanahimik na ako!" sigaw ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng ilang estudyante.

"Miss, nag-sorry na ako. Ano pa bang problema mo?" medyo naiinis na tanong ng lalaking ito. Nginisian ko siya. "Yung problema ko? Ikaw! Tigilan mo na ako!" asar na saad ko at tinalikuran ko sila kahit nahihilo talaga ako. Kaagad naman akong sinundan ni Elize.

"Ayos ka lang ba, Chel?" nag-aalalang tanong niya. Hindi ko siya pinansin. Gusto man niya ako sermunan dahil sa inasal ko doon sa lalaking iyon ay wala na din siyang nagawa.

Bakit ba siya nandito? Ano? Para asarin talaga ako? Naikwento ko na rin sa kanya ang nagyari noong last month. Noong nagpa-enroll kami sa university noon. Yung nakaaway ko sa mall. Ayoko ng makita yung pagmumukha niya, e. Ayoko na!





NAKIKINIG lang ako at walang ganang magsulat ng mga lecture samantalang si Elize ay nagsusulat habang nakikinig sa tinuturo ng teacher namin ngayon. Buti nawala na yung pagkahilo ko, bukol nga lang ang pumalit. Second period to the last na itong subject na ito, so ibig sabihin... malapit nang mag-uwian.

Sinandal ko yung ulo ko sa sandalan ng upuan, para maramdaman ko man lang ang relaxation kahit saglit lang.

Ano na bang susunod na subject? "Elize, anong next na subject?" tanong ko sa kanya. Napabuntong-hininga siya bago sagutin ang tanong ko. Teka, may masama ba akong nasabi o natanong sa kanya?

"MAPEH ang last subject." sagot niya. Hindi ko nalang siya pinansin at tinuon ko nalang sa bintana ang tingin.

Mukhang beast mode ngayon si Elize dahil sa ginawa kong pang-eekandalo kanina sa gymnasium. Mamaya ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase namin sa History at tuluyang nagpaalam na ang teacher namin ngayon.

MAPEH na ang last subject kung kaya ay naglipatan sila ng upuan na aking ipinagtataka.

"Teka, bakit tayo lilipat ng upuan?" nagtatakang tanong ko kay Elize. "Rachel, kailangan nating lumipat ng upuan. Magagalit si Ser Michael sa'tin." seryosong saad niya. Hindi pa ako nakasalita pa.

Sitting arrangement in alphabetical order pero dahil last name ko ay Velasco, doon ako sa likuran uupo samantalang si Elize naman ay sa unahan dahil Alvarez ang last name niya.

Magpinsan kami sa mother side. Kapatid ni Mama ang daddy ni Elize. Nakaupo na ako ng dumating na yung magiging teacher namin sa MAPEH.

"Good morning, class." bati niya sa'min at parang pamilyar ang boses na yun. Dahan-dahan ko siyang tiningnan.

Biglang tumigil ang mundo noong malaman ko na...yung kaaway ko sa mall at kanina sa gymnasium ay walang iba kung di si...Sir Michael.

Bigla akong napahiya sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Dumako ang tingin niya sa'kin at saktong nagtama ang aming paningin pero kaagad akong umiwas ng tingin.

Nagdiscuss siya sandali at nakipagkwentuhan sa mga kaklase ko. "Tuwing wednesday ang ating PE at wag kakalimutang suotin ang PE uniform nyo." paalala niya sa'min.

Lumipas na ang isang oras at mag-uwian na. Nagpaalam na ang ibang kaklase ko kay Sir at lumabas na ng room.

Nauna nang lumabas si Elize at hinihintay ako sa labas ng room namin kaya nagmadali na ako. Baka iwanan na naman akong bruhang yun.

Dire-diretso lang akong dumaan sa harapan niya habang siya ay may inaasikaso pa. Bigla siyang tumingin sa'kin, ganon din ako.

Parang nagslow-mo ang paligid. Biglang akong natauhan ng may tumawag sa'kin. "Rachel!" si Elize lang pala. Umiwas ako ng tingin at tinalikuran ko na siya at lumabas na ng room.




A/N: Hey!! Chapter One is Up!☺️ Again, sorry sa mga maling terms, wrong grammar, typos etc. Enjoy reading!☺️❤️

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now