CHAPTER 34- Cellphone

68 8 1
                                    

[Cellphone]








Rachel's POV






"IS she your ex girlfriend?" tanong ni Miss Trixie. Seryoso ang mukha niya. Napatingin lang ako kay Sir. Handa na akong mapahiya sa harap ng maraming tao kung i-deny nga ni Sir kung ano kami dati.





Lumapit siya kay Miss Trixie pero pinagilan siya nito na huwag lumapit sa kanya. Alam ko na ang mangyayari. Sana hindi nalang ako um-attend. Mukhang ako ang sisira ng birthday party niya.



Hindi kaagad nakasagot si Sir. Inaantay ng lahat ang sagot niya kaya ako na ang sumagot. "Oo, ako nga. Ako nga ang ex-girlfriend niya." nagulat ang lahat sa rebelasyong ginawa ko.



Nag-ingay sila at nag-bulungan. Sanay na ako sa ganito. Nagulat si Miss Trixie. Hindi siya makapaniwala. Nakatingin lang siya sa amin habang unti-unting tumutulo ang kanyang luha.





"Trixie, I'm so sorry. Mag-papaliwanag ako." humingi siya ng paumanhin kay Miss Trixie. Akmang lalapitan na niya ito nang magsalita si Dean Leijo. "Huwag kang lumapit sa anak ko! Una palang, ayaw na kita sa anak ko. Wala kang karapatan saktan ang anak ko!" galit na sabi ni Dean Leijo kay Sir.




"H-hindi ko sinasadyang saktan ka, Trixie. Maniwala ka, mahal na mahal kita..." naaawa na ako kay Sir.





"H-hindi mo ko mahal, Sean! Hindi!" sigaw ni Miss Trixie. Ramdam sa boses niya na nasaktan siya ng sobra.




"Sorry, Trixie. I'm so sorry..." hindi niya deserve ang masaktan. Nag-mahal lang din naman siya.




Hindi niya deserve ang mga mangyayari palang kung sakaling lumabas ako at sabihin sa lahat kung ano ba talaga kami dahil maraming tao ang masasaktan kapag nalaman pa nila ito.




"Anong ginagawa mo dyan, Rae? Bakit kanina ka pa nakatulala?" tanong niya. Saka lang akong bumalik sa wisyo. Kanina pa pala akong tulala. Nag-iimagine kung anong mangyayari kung tumuloy ako.






"H-huwag na kaya tayong tumuloy?" sabi ko. Nag-aalinlangan na ako kasi alam ko na ang mangyayari. Tiningnan lang ako ni Elize. "Sira ka ba? Nandito na tayo, oh! Saka mo pa sasabihing na huwag tumuloy?" sabi niya.





Sinimplehan ko na lang ang ayos ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Ayan, okay na.



Maya-maya ay lumabas na ako. Hindi ko nalang sila papansinin. Masaya na sana ako kaso nandyan na naman siya. Si Cedric, um-attend din.



"Ang ganda mo talaga, Rachel." nginitian ko lang siya at nilagpasan. "Snobber ka talaga!" sabi naman sa'kin ni Elize. Tinawanan ko lang siya.



Wala pang 5mins ay nagsimula na ang party. Sana hindi masira ang birthday party niya nang dahil sa akin.


Nasa harapan na niya ang cake. Nag-wish na siya at pagkatapos noon ay hinipan na niya ang apoy sa kandila.



Pagkatapos noon ay isinayaw siya ni Miss Trixie. Masaya ang lahat para sa kanila. Yung tipong iisipin mo na talaga na para talaga sila sa isa't-isa.




Tahimik lang ako sa isang tabi nang biglang lumapit ang Mommy ni Sir Michael. Tiningnan niya ako at saka nginitian. "Hija, mabuti naman at nandito ka sa birthday ng unijo hijo ko." sabi niya. Medyo nagulat ako sa sinabi ng mommy niya. Kilala niya ako? 





"H-hello po. Kilala n'yo po a-ako?" tanong ko sa mommy niya. Ngumiti ito at tumungo. "Matagal na kitang kilala, hija. Matagal din tayong hindi nagkita." sabi pa niya.




Bigla akong naguluhan. Bakit hindi ko sila maalala? "A-ah. O-opo nga po." sabi ko at saka ngumiti ng pilit. May napansin ang mommy niya sa'kin.




"Ayos ka lang ba, hija? Mukhang hindi maganda yung—"



"A-ayos lang po ako. Ayos lang po."




Ayaw kong sirain ang araw niya. Bakit parang wala akong maalala? Nagpaalam muna ako na magc-cr saglit.





Lumabas ako. Wala akong maalala bukod sa naging kami pero pinaalala lang din yun sa'kin ni Mama at ng diary notebook ko.




Nagka-amnesia ba ako?





Kung nagka-amnesia nga ako. Saan naman ako naaksidente?





"Rachel!" may tumawag sa'kin pero hindi ko nilingon yun. Ano ba ang nangyayari sa'kin?





Si Sir Michael lang pala ang tumatawag sa'kin. "Bakit nandito ka sa labas? O-okay ka lang ba?" tanong niya. Halata sa mukha niya na nag-aalala siya.





Para kasi akong nalantang gulay sa sitwasyon na ito. "A-ayos lang po ako. Ayos lang talaga." sabi ko. Hindi ko na inantay pa ang sasabihin niya. Umalis ako na hawak-hawak pa'rin ang ulo ko.




Dahan-dahan...





Nararamdaman kong sumusunod din siya sa'kin. Pinangako ko sa sarili ko na hindi ko guguluhin ang mismong araw ng birthday niya.






Isa lang ang nasa isip ko kung bakit ako nagkaka-ganito. Si Papa! Siya lang naman ang tumututol sa'min ni Sir. Kasalanan niya ito. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa'kin!






Pinilit kong ayusin ang sarili ko. At dinukot ko ang cellphone ko sa aking shoulder bag. At kaagad di-nial ang cellphone number ni Cyndi.





Akmang tatawagan ko na yung number nang biglang inagaw ni Sir Michael ang cellphone ko. Tiningnan ko siya ng masama.





"Bakit mo inagaw yung cellphone ko?!" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ang cellphone ko at may pinipindot ito sa cellphone ko.





Lumapit ako sa kanya at akmang kukunin ang cellphone ko nang bigla niyang tinaas ang kamay niya na kung saan niya hinawakan ang cellphone ko.





"Reach first." sabi niya. Naiinis na din ako at baka sa kanya ko pa mabunton ang galit ko. "Ibigay mo na sa'kin! Akin na!"







"Anong gagawin mo at bakit mo tinawagan si Cynthia?" tanong niya. "Wala ka ng paki doon! Akin na yan!" naiinis na talaga ako!






"Hindi mo sasagutin yung tanong ko? Hindi ko sa'yo ito ibibigay." sabi pa niya at parang seryoso siya sa pagkakasabi noon.








Hmp! Nakakainis na talaga!








Matangkad ka kasi kaya ang lakas ng loob mong asarin ang mga pandak. Nag-isip ako ng ibang paraan para makuha ko sa kanya ang cellphone ko.







Alam ko na!






Tiningnan ko muna ang paligid kung may tao pero wala naman dahil nandoon lahat sila sa party.







Lumapit ako sa kanya at kumapit sa balikat niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Hindi ko din naman gusto itong ginagawa ko ngayon, no! Magkalapit na ang mukha namin. Hindi niya ko pwedeng halikan! Hindi pwede!





Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa may bewang at sabay niyakap. Nararamdaman ko ang tibok ng kanyang puso. Naaamoy ko rin ang pabango niya. Pabango ng nang-iiwan. I hate that smell! I hate that!






Kung panaginip man ito, gisingin n'yo na ako! Ayokong mabangungot! Ayoko!






Kaagad akong humiwalay sa kanya. "Akin na nga yang cellphone ko!" kulang na lang ay umiyak ako dito at magmakaawa. Baka iyon talaga yung gusto niya. Sorry siya pero hindi ko yun gagawin.




Hindi ko na lang siya pinansin at umalis na. Napagod na akong magmakaawa sa kanya.










Sa kanya nalang yung pesteng cellphone na yun!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now