CHAPTER 32- Party

25 4 0
                                    

[Party]












Rachel's POV




KANINA pa ako naiinis kay Cedric. Tawag ng tawag! Kapag sinagot ko naman, ang sasagutin lang ay 'wala lang, na-miss na kita!' eh araw-araw naman kami nagkikita. Hindi ko alam kung nagpapansin ba ang mokong o ewan!




Nandito na kami ngayon sa labas ng university. May kinakausap pa kasi si Elize sa cellphone niya. Kaya nandito ako at nag-cecellphone lang.




Wala pang five minutes at tumawag na naman siya! Padabog kong sinagot ang tawag niya.




"Ano ba, Cedric? Tawag ka ng tawag! Ano ba—"


["Nasaan kana, Rachel? Kanina pa ako nag-aantay sa'yo."]


"Nasa university na ako. Nasaan ka na ba?"


["Nandito sa tapat ng village n'yo. Ihahatid sana kita kaso nauna kana pala."]


Natawa ako ng palihim. Sino ba naman kasi ang nagsabi sa kanya na magpapahatid ako? Edi siya din ang na-late!


"Sorry, wala naman akong sinabi na puntahan mo ako dyan. Ikaw tuloy ang na-late!"


Wala na siyang nagawa. Kaya mas minabuti na niyang pumunta sa university.







________-_-_________






NAKALIPAS ang ilang buwan at ganoon pa'rin siya. Hindi ba siya naiinip sa kakaantay sa akin? Pero, dahil sa pagiging makulit niya sa'kin, nafa-fall na ako! Hindi ito pwede!



Nasa mansion kami at birthday ni Elize kaya naghanda at pinapunta lahat ng mga classmate at mga kakilala namin. Syempre, hindi nawala si Cedric at si Sir Michael.



Hindi ko sila pinansin. Nakihalubilo ako kina Red at Elize para hindi nila ako kulitin. Pero, makulit talaga si Cedric at nilalapitan ako. Nakatingin lang sa'min si Sir Michael.




"Ano ba, Ced? Hindi mo na ako titigilan, huh?" naiirita na ako sa kanya. Ngumiti lang siya sa'kin. "Eh, in-invite mo ko sa birthday party ni Elize. Kaya—" pinutol ko ang sasabihin niya. "Eh, ano naman ngayon kung in-invite kita sa birthday niya? Huwag mong bigyan ng malisya yun, Mr. Hernandez." pagkatapos kong kumuha ng pagkain ay umalis na ako.





"Rae, join ka sa'min!" aya ni Elize sa'kin. Lahat sila nakatingin sa'kin. Kaya, no choice ako kung hindi um-oo.



Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Elize. "Anong lalaruin natin, Elize?" tanong ni Gia. Ngumiti si Elize ng nakakaloko. "Spin the bottle tayo, mga beh!" sabi niya.



For sure, may gagawin na naman itong kalokohan. Nagsimula ng iikot ni Elize ang bote. Kung sino man ang ituro ng bote ay kailangan niya yun sagutin ang 'truth or dare' na yun.




Huminto ang bote kay... Cedric. Ano naman kaya ang gagawin sa kanya ni Elize? "Cedric, truth or dare?" tanong ni Elize dito. Nag-aabang ang lahat sa sagot ni Cedric. "Truth, Elize." sagot naman ni Cedric. "Mahal mo na ba si Rachel?" tanong niya dito. Nagulat ako kasi nadamay na naman ako.




Naging seryoso ang mukha ni Cedric. "Matagal na. Kung alam niya lang..." sabay tingin sa akin. Nag-ingay naman ang mga classmate namin.




Nakakahiya dahil lahat sila, nakatingin sa'kin at inaasar pa. "Okay, guys! Let's proceed!" at inikot na niya ulit ang bote. At tumama naman ito kay... Sana hindi nalang nangyari dahil malaking issue ito sa'min. Si Sir Michael huminto ang bote.




"Okay, sir. Truth or dare?" tanong ni Elize dito. Wala pang tinatanong na question si Elize pero seryoso na kaagad siya. Sabagay, kanina pa siyang seryoso.




"Meron ka po bang pinagsisihan noong naging kayo ni..." hindi matuloy-tuloy ni Elize ang sasabihin niya dahil alam niyang kakalat ang issue about sa amin ni Sir Michael.




"Meron." seryosong saad niya sabay nakatingin sa'kin. Umiwas nalang ako pero ramdam kong nakatingin pa'rin siya sa'kin.




'Halatang hindi pa nakaka-move on sa ex!'




"Ang pinakawalan ko siya." sabi pa niya. Biglang tumahimik ang lahat. "Hindi ka pa'rin ba nakaka-move on, sir?" binasag ko ang katahimikan. Nakakabingi kasi.




Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin. Yung tipo na matutunaw ako sa mga tingin niya anumang oras. Inaamin ko na minsan marupok ako.




Bigla silang nagbulungan.



"May ex girlfriend na pala si Sir Demetiz?"


"Ang swerte naman ng girl na yun kay Sir!"


"Sinayang niya si Sir! Sayang!"



"Sir, Sino ex mo?"



"Ex girlfriend name reveal na, sir!"





"Tapos i-issue n'yo kapag nalaman n'yo na ang name ng ex niya?" biglang tumigil ang mga bulungan nila nang magsalita ako.





"Ide-describe ko na lang siya para alam n'yo." sabi ko. Tiningnan ako ni Elize. Ngumiti lang ako sa kanya. "Uhm, bata pa siya noong naging sila. Nasa Elementary siya at si Sir, mga college na no'n. Ngayon, nasa 17 years old na ang girl at nag-aaral siya ngayon sa university. Maldita siya, hanggang balikat yung hair niya at tama lang ang height." nakikinig sila ngayon sa sinasabi ko.




"Mahal niya pa si Sir actually, kaya nga yung mga manliligaw niya ay binabasted niya. Ewan kung bakit ang tagal na noon pero masakit pa'rin sa kanya."




"Tanggap naman niya, eh. Pangarap yun ni Sir ang nakasalalay dito, so bakit niya hahadlangan, diba? At saka... tutol din sa kanya yung father niya, sa relasyong meron sila."





"Nagbanta pa ang father niya na papatayin niya si Sir kung hindi niya daw hihiwalayan yun. Noong graduation, doon natapos ang lahat." nakangiti ako sa kanilang lahat pero ang totoo, ay bibigay na ang kalooban ko.




"Eh, bakit alam mo ang lahat ng nangyari sa kanila ng ex girlfriend niya? Baka ikaw yun, Rachel!" sabi pa nila.




Tinawanan ko lang sila. "Mga siraulo! Kaibigan ko ang ex girlfriend niya kaya... alam ko ang love story nilang dalawa." pagdadahilan ko pa.




I-issuehan na naman nila si Sir Michael at ang ex girlfriend nito. Kaya nga hindi ko sinabi yung name ko, baka malaman ni Miss Trixie.





Natapos ang party ni Elize na bitter nang dahil sa akin. Kasalanan din naman niya, sinimulan niya ang lahat at hindi ko na kasalanan yun.

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now