CHAPTER 20- Embarrass

47 7 0
                                    

[Embarrass]



Rachel's POV


UMAGA na at papasok na kami sa university pero hanggang ngayon, hindi pa'rin ako pinapansin ni Elize. Nag-tatampo pa'rin siya sa ginawa ko kahapon.

Marunong kasi ito mag-appreciate sa efforts ng ibang tao. Edi siya na! Wala pa'rin kaming pansinan hanggang sa makarating na kami ng university.

Bahala siya dyan! Hindi kaya ako marunong mag-suyo! Paano ba yun?

Speaking of flowers, iimbestigahan ko kung sino ang nagpapadala no'n sa mansion. Mamaya, pinag-plaplanuhan na pala kami ng masama, eh wala pa akong kaalam-alam!

"Mauna kana sa room, may pupuntahan lang ako." paalam ni Elize sa'kin. Ang cold niya! Tumungo lang ako bilang sagot at umalis na.

Naglalakad na ako papuntang room kung saan nakita ko si Sir, may kausap sa cellphone.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at para marinig ko kung sino ang kausap niya. Pero, bago ako lumapit ay ibinaba na niya ang cellphone.

Lumingon siya at nakita niya ako. Wala na itong atrasan! Nakita na niya ako, baka iniisip niyang may gusto ako sa kanya, hmp!

Ako na ang nag-first move. Lumapit ako sa kanya. "Good morning, sir!" bati ko sa kanya. Nagulat siya sa inasal ko ngayon.

Pero ngumiti pa'rin siya, bagay na ikinatuwa ko. "Good morning, Rachel." bati din niya. "Anong ginagawa mo dito? Papasok kana ba?" tanong niya sa'kin.

"Yes, sir! B-bakit parang hindi ka sanay na ganito ako?" tanong ko sa kanya. Naninibago pa'rin siya sa mga inasal ko. Oo, minsan lang ako maging ganito.

"W-wala naman. Hindi ka pa'rin nagbabago." sabi niya. Tumingin ako sa paligid, hinahanap si Miss Trixie. "Nasaan pala si Miss Trixie, sir? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong ko habang luminga-linga sa paligid.

"Nasa office siya, kinakausap ni Dean Leijo. Bakit mo siya hinahanap? May ginawa ba siya sa'yo...?" tanong nito na parang may bahid ng pag-aalala.

Ngumiti ako sa kanya. Hinawakan ko yung balikat niya at saka tiningnan siya ng mata sa mata. "Don't worry, sir. Wala naman siyang ginawa... sa'kin. Sige, sir. Aalis na ako." sabi ko sabay paalam sa kanya.

"Sige, mag-iingat ka, Rachel..." sabi niya pa. Umalis ako ng nakangiti. Hanggang ngayon, nag-aalala pa'rin siya sa'kin? At mas handa pa siyang ipagtanggol ako kaysa mismo sa girlfriend niya? Hayst!

Nakarating na ako sa room namin. At kaagad akong umupo sa upuan nang lapitan ako ni Red. "Rachel, may something ba kayo ni—" hindi na niya naituloy ang sasabihin ng magsalita ako.

"Anong something ang pinagsasabi mo dyan, baks?" nakangising tanong ko sa kanya. "Alam mo naman ang ibig kong sabihin, diba?" sabi niya pa.

Nagtataka na ako sa mga pinagtatanong nito sa'kin. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo, baks!" pag-dedeny ko sa kanya.

"Ex boyfriend mo diba si Sir? Bakit hindi mo masabi sa'kin?" nagulat ako sa revelation na ginawa niya.

"Hindi ko siya—"

"Mag-deny ka pa, baks! Pero kahit hindi mo aminin sa'kin... Botong-boto ako sa inyong dalawa..." hanggang ngayon, hindi pa'rin ako naniniwala sa mga sinasabi niya.

"M-may girlfriend na siya at ayun ang i-ship mo. Wag ako." depensa ko sa kanya. Hindi ko maiwasang magselos. Bakit nga ba ako magseselos, hmp!

"May girlfriend nga siya, pero baks... Ikaw ang gusto ni Sir..." napatingin lang ako sa kanya. "Alam mo, tumigil ka na nga! Kapag kumalat yan dito sa university... malilintikan ka sa'kin!" banta ko sa kanya.

Nakuha pa niyang ngumiti sa'kin, bago umalis. Halatang nang-aasar talaga!



++++++++





PAPUNTA ako ng library nang makasalubong ko si Miss Trixie. Ngumiti siya sa akin at nginitian ko naman siya pabalik.

Nakatalikod na ako ng tawagin niya ako. "Rachel...?" tawag niya. Kaagad ko naman siyang nilingon. Siya na ang lumapit sa'kin.

"Yes po, Miss Trixie? Ano pong kailangan nyo sa'kin?" tanong ko sa kanya. Ngumiti muna siya sa'kin bago magsalita. "Anong relasyon mo kay Sean? Bakit ang lapit nyo sa isa't-isa?" tanong niya na biglang nagpakaba sa'kin.

Paano kung malaman niya na higit pa doon? Baka mapatalsik ako sa university na ito nang dahil sa kanya.

"Uhhm... Magkaibigan lang po kami ni Sir. Parang... kapatid nga po ang turing niya sa'kin." sagot ko. Lahat ng sinabi ko sa kanya ay puro kasinungalingan lang.

Higit pa doon ang closeness naming dalawa at yun ang hindi niya alam. "G-gano'n ba? Sige, salamat." sabi niya at umalis na.

Mukhang desperado si Miss Trixie na tanungin sa'kin kung ano ba ang relasyon namin ni Sir sa isa't-isa. Mukhang siya ang maghahabol kapag iniwan siya ni Sir.

Hindi bagay sa kanya. Dahil maganda siya at mabait, mukhang hindi niya deserve ang ganitong pagmamahal. Siguro, marami na rin ang nagkakagusto sa kanya at naghahabol, pero kay Sir lang siya nakatuon. Doon lang niya binibigay lahat ng pagmamahal niya.

Nalulungkot ako para sa kanya. Hindi niya deserve itong pagmamahal ni Sir na hanggang ngayon ay sa'kin pa'rin binibigay.

Tumuloy na ako sa pagpunta sa library. Magbabasa na lang ako at ayokong problemahin ang lovelife ng iba, hayst!

Bakit ba laging library ang una kong pinupuntahan? May hinahanap nga ba ako na kasagutan sa mga problemang kinakaharap ko?



++++++++



MAPEH time na. Dahil marumi na ang room ay kailangan muna itong linisan habang wala pa si Sir. Ako naman ang taga-bura ng mga sulat sa white board. Nagmamadali na kasi si Ma'am Agnes kaya hindi na niya nabura yung mga sinusulat niya.

Habang si Elize naman ay nag-aayos ng mga upuan. Ang gulo namin dahil naglipatan na ang iba naming kaklase.

Ang sarap pa ng pagbura ko doon sa white board ng biglang tumahimik ang lahat. Tumingin ako sa kanila ng may pagtataka.

"B-bakit bigla kayong tumahimik?" tanong ko sa kanila. Sumenyas si Red sa pintuan at dahan-dahan naman akong tumingin doon.

Halos mahimatay ako sa gulat dahil nandoon kaagad si Sir sa pintuan, nakasandal at nakatingin sa...akin?!

Sa gulat ko ay nabitawan ko ang pamunas ng white board at akmang aalis na sana ako ng magsalita siya. "Ituloy mo na." sabi niya at tumingin naman ako sa kanya.

Nakatingin na din ngayon sa'kin ang mga kaklase ko. "Ituloy mo na, baks!" bulong pa ni Red. Hindi nagsasalita ang iba kagaya ni Elize pero alam ko ang nasa isip nila. Na pakipot ako, hayst!

Nakatingin pa'rin siya sa akin at napabuntong-hininga nalang ako. Kinuha ko ulit yung basahan at mabilisang binura ang mga nakasulat sa board. Ngayon lang ako kinabahan ng todo, grabe!

Pagkatapos kong magbura sa board ay kaagad akong pumunta sa upuan ko. Feeling ko, napahiya ako. Kahit makapal naman talaga ang mukha ko.

Kinakabahan din akong baka maissue-han ako nito at malaman pa ni Miss Trixie na nilalandi ko ang boyfriend niya kahit hindi naman!


Hindi ko na talaga mapigilang mabaliw ngayon! Ayoko na!!!

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now