CHAPTER 31- The Memory of the Past

30 5 0
                                    

[The Memory of the Past]










Rachel's POV











NAKAUWI na kami. Grabe! Nakakaloka itong araw na ito! Naabutan namin na nakikipag-video call si Cyndi kay Papa. Wala pa siyang isang araw dito, nami-miss na niya kaagad si Papa?





Hindi ko nalang sila pinansin at kaagad na dumiretso sa kwarto. Wala din ako sa mood makipag-usap kay Papa, baka kung saan na naman mapunta ang usapan namin.




Pagkatapos kong magbihis ay kaagad akong pumunta sa kusina. Nagugutom na kasi ako. Hindi ko pa nabubuksan ang refrigerator ay tinawag ako ni Cyndi.





"Ate Rachel, gusto ka daw maka-usap ni Papa!" sigaw pa ni Cyndi. Napabuntong hininga nalang ako. "S-sige, nandyan na!" sagot ko naman. Hindi na ako kumain at kaagad na pinuntahan si Cyndi.






"Papa, nandito na si Ate!" sabi pa nito. Nakasimangot akong humarap sa camera.





"Anak, kumusta ang pag-aaral mo?" tanong niya. "Ayos naman po." sagot ko. Parang dati, hindi siya natutuwa na ang anak niya ay kasali sa mga honor student.





"Mabuti naman kung ganoon. May boyfriend kana siguro dyan." sabi pa niya. Nagulat ako. "Wala, wala po akong boyfriend dito! Ano po bang pinagsasabi mo, pa?!" nataasan ko ng boses si Papa. Kasalanan din naman niya yun! Wala nga akong boyfriend, eh!






"Bakit nagagalit ka? Hay naku, Rachel! Kapag nalaman kong may boyfriend ka dyan... alam mo na ang mangyayari!" banta pa niya. Sabi na nga ba, eh! Hindi pa'rin siya nakaka-move on!





Napabuntong hininga nalang ako. "Paano mangyayari yun, pa? Kapag magbo-boyfriend naman ako, binabalaan mo na hiwalayan niya ako kung hindi ay papatayin mo siya. Anong gusto nyo? Tumanda ako ng walang kasama sa buhay?" sorry, pa. Pero hindi na ako makapag-pigil, eh!







"Nagkikita pa ba kayo ng ex boyfriend mo?" tanong niya. Hindi kaagad ako nakaimik. Dahil araw-araw kami nagkikita. Iwasan ko man siya o hindi.






"Sagutin mo ang tanong ko! Nagkikita pa ba—"





"Hindi na, pa! Ano ba?! May pamilya na siya at hindi na niya yun magagawa iyang... sinasabi mo!" sagot ko.






Mukhang hindi na maganda ang pag-uusap namin. Kung saan-saan na kasi pumupunta. "Matutulog na ako, pa. Pagod ako ngayon at please lang po, wag nyo ng dagdagan pa." sabi ko at kaagad na umalis.






Bastos man akong anak sa paningin nila, hindi din naman nila alam lahat ng pinagdadaanan ko. Hindi man lang niya ako kinamusta kahit minsan. Mas paborito pa niyang anak si Cyndi kaysa sa'kin!






Siguro, kung magkaka-boyfriend man si Cyndi ay ayos lang sa kanya. Pero sa'kin, hindi! Bakit naman ganoon? Ang unfair naman! Nung nawala na ang Mama ay para na rin akong alipin ni Papa. Kung hindi ko siya susundin ay sermon at palo ang natatamo ko sa kanya. Ang sakit lang isipin... na may favoritism si Papa...







Naabutan ko si Elize sa pintuan ng kwarto ko. Anong ginagawa niya dito? "May kailangan ka ba, Elize?" tanong ko.






"Ayos ka lang ba, Rae? Mukhang hindi maganda ang pag-uusap nyo ni Tito Raymond." tanong niya sakin. Hindi ako nagsalita at kaagad na dumiretso sa loob ng kwarto. Sumunod din siya sa'kin.





"Bakit nga ba hindi boto si Tito Raymond kay Sir Michael? Ayaw niya sa relasyon nyo noon pa. Hindi ba niya nakikita noong naging kayo ni Sir ay naging honor student ka. Nag-aaral ka naman ng mabuti. Hindi ko talaga maintindihan si Tito." sabi niya. May point siya doon.





Bakit nga ba ayaw ni Papa kay Sir Michael?







(Flashback)







Nasa bahay ko pinatuloy si Sean. Doon na kami nag-aaral ng sabay para sa paparating na exam. "Sean, okay ka lang ba? Bakit parang kinakabahan ka?" tanong ko.




"Natatakot ako sa Papa mo, Rachel." sabi niya na halatang natatakot. "Wag kang matakot. Nandito ako." pilit ko siyang pinapakalma. Hindi ko pinapakita sa kanya na natatakot din ako.






Biglang dumating si Cyndi na nagmamadali at hinihingal pa. "Ate! Nandyan na si Papa!" sabi niya. Tiningnan ko si Sean.




Halata sa mukha niya na natatakot siya. Kaagad kong niligpit ang mga gamit na pang-school. "Sean, sa likod ka nalang dumaan." sabi ko at kaagad na kaming pumunta sa likod.





May daanan kami sa likod ng bahay, kaya minsan doon ako dumadaan para hindi nila mapansin na lumabas ako.




"Mag-iingat ka, Sean. Sorry..." sabi ko at kaagad ko siyang niyakap. "Mag-iingat ka din, Rachel. Wag kang humingi ng sorry." sabi niya. Kaagad akong kumalas sa pagkakayakap.





"Sige, umalis kana. Baka maabutan ka pa ni Papa..." kaagad siyang umalis. Pumasok na kaagad ako sa loob ng bahay.




Naabutan ko si Papa, nakaupo at nagpapahinga. "Anong ginagawa mo sa likod?" tanong niya. Bigla akong kinabahan. Hindi ako sanay na magsinungaling pero kailangan talaga.




"Nagmu-muni muni lang po sa paligid, pa. Kailangan po kasi namin mag-observe sa kapaligiran." sagot ko. Sana paniwalaan ni Papa...





"Wag kang sinungaling, Rachel! Pumunta dito ang boyfriend mo." nagulat ako sa sigaw ni Papa. Hindi nga talaga ako marunong magsinungaling.




"Sinasabi ko sa'yo, Rachel! Hiwalayan mo na siya! Masyado ka pang bata para sa pag-ibig na yan!" sabi pa niya.





"Pa, grade-6 na po ako... At saka, nag-aaral pa'rin po ako, h-hindi naman po siya sagabal sa pag-aaral ko..." sabi ko naman.





"Hindi, Rachel! Hiwalayan mo na siya, kung ayaw mong may masamang mangyari sa kanya!" banta pa niya. Natatakot na ako, baka totohanin ni Papa yun kung hindi ko hihiwalayan si Sean.







After graduation, nagkita kaming dalawa. Ayoko pa sanang tapusin kaso tadhana na ang gumagawa ng paraan para pag-hiwalayin kami.




"Rachel, s-sorry... Hindi na kita masasamahan at makikita pa." umiiyak na ako noon habang pinapakinggan siya. Parang hindi ko kasi kaya.




"A-ayos lang. A-ayaw din naman ni Papa sa atin... Gusto na niya tayong pag-hiwalayin." sabi ko naman sa kanya.




Hinawakan ko ang kamay niya at saka ngumiti. "Malaya kana, Sean. Tuparin mo ang mga pangarap mo at tutuparin ko rin ang mga pangarap ko. Masaya ako para sa'yo..." ito na siguro ang tamang oras para magpaalam at itigil na ang dapat itigil.




Yumakap siya sa'kin. "Babalik ako para sa'yo, Rachel... Babalik ako, tandaan mo 'yan." sabi niya.





(End of Flashback)









Natandaan ko ang binitawan niyang kataga. At ngayong nagkita kami... Unti-unti na siyang bumabalik. Kaso tadhana na talaga ang siyang tumututol. Dumating si Miss Trixie sa buhay niya at masaya ako dahil natupad na niya ang mga pangarap niya.








At unti-unti kong tutuparin ang mga pangarap ko. Alam kong may tamang tao para sa'kin. Hindi ko alam kung kailan, basta sa ngayon, pag-aaral muna ang uunahin ko.

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now