CHAPTER 22- Regrets

35 6 0
                                    

[Regrets]



Rachel's POV




ARAW-ARAW nang nagpapakita at nangungulit sa'kin si Cedric pero hindi ko yun pinapansin. Grade 10 din siya. Buti nalang hindi ko siya kaklase, kung hindi palagi niya akong kukulitin.


Baka nga may gusto ito sa'kin! Nabangga lang, nagkagusto na agad! Aba, magic naman yata yun! Hindi ko maitago ang pagkairita sa tuwing magtatanong siya tungkol sa buhay ko.


Kagaya nito, nandito na naman siya at may dala pa siyang baon para sa'kin. Sinusundan ba ako nito kahit saan ako magpunta?



"Rachel, para sa'yo." sabi niya sabay bigay sa'kin ng pagkaing dala niya. Tiningnan ko siya. "Busog ako, salamat nalang." sagot ko at saka binigay ulit sa kanya yun. "Ibigay mo nalang yan sa nililigawan mo." dagdag ko pa.




Nalungkot siya sa ginawa ko. "Wala naman akong nililigawan dito, Rachel..." sabi niya. Tiningnan ko siya ng naka-kunot ang noo. "Tinatanong ko ba kung meron kang nililigawan dito?" tanong ko sa kanya.



Ngumiti lang siya sa'kin. "Wala lang... Gusto ko lang sabihin." sagot niya. Hindi ko siya pinansin at niligpit ko na ang mga gamit ko.




"Pupunta na ako sa room. Pumunta ka na rin sa room nyo, baka ma-late ka." taboy ko sa kanya. "Sasamahan na kita." sabi niya. Napabuntong-hininga nalang ako. Ang hirap pala nitong itaboy, tss!





"Wag mo na akong samahan. Okay na ako, may paa ako para makalakad... at hindi mo na ako kailangan pang samahan." iritang sagot ko sa kanya. At nauna akong umalis.



Akala ko, hindi na siya susunod pero nakasunod pa'rin siya sa likuran ko. Tiningnan ko siya. Magtatago pa sana siya kaso huli na. Tiningnan ko siya ng masama.




"Ano ba, Cedric?! Ang kulit mo! Ayoko pa naman sa lahat, yung kinukulit ako! Kaya, please...? Tigilan mo na ako." at umalis na kaagad ako, hindi ko na siya pinasalita pa. Baka kung ano pa i-rason niya.










NAKARATING na ako sa room at laking gulat ko na nandoon na siya. Hindi niya talaga ako titigilan! Hindi muna ako pumasok sa room at sa kanya ako pumunta.


"Ang kulit mo talaga! Ilang beses—" pinutol niya yung sasabihin ko. "Sabi ko sa'yo, Rachel. Hindi kita titigilan." nakangiti niyang sagot. Sinamaan ko siya ng tingin. Tiningnan ko ang paligid baka may nakatingin sa'min at bigla ko siyang hinawakan sa kwelyo.


"Hindi mo talaga ako titigilan? Ano?" bulong ko sa kanya. "B-bitawan mo ako, Rachel. Pinagtitinginan tayo ng mga student dito." hindi ko pinansin ang pakiusap niya.



Tiningnan ko siya. "Sa oras na kulitin mo ulit ako... hindi lang ito ang matitikman mo sa'kin." banta ko sa kanya saka binitawan ang kwelyo niya. Pero, bago kami maghiwalay ay may nagsalita sa likuran ko.


"Ms. Velasco, Mr. Hernandez. Anong ginagawa nyo?" nagulat ako kaya nabitawan ko kaagad si Cedric. Mas lalo akong natakot dahil si Sir ang nagsita sa amin.


"Sorry, Sir. M-may binubulong lang ako sa kanya." nakayukong sagot ko. "I'm sorry, sir." sabi ni Cedric. "Hindi maganda iyang ginagawa nyo. Mamaya kung anong isipin ng mga taong dadaan dito." sabi ni Sir.

Halatang nag-seselos si Sir! "Pumasok kana sa loob ng room, Ms. Velasco." sabi pa ni Sir. Hinihintay niya akong pumasok sa loob. Tiningnan ko muna si Cedric bago pumasok sa room.

Hinintay ko munang makaalis si Cedric bago ako tuluyang pumasok sa room. Mamaya mag-istambay pa siya dito, e nagseselos na yung isa!


Noong tuluyan nang nakaalis si Cedric ay pumasok na din ako sa room. Nakatingin ang lahat sa'kin. Pati rin si Sir.


Nakarating agad ako sa upuan at kaagad na umupo. Akala siguro nila na gagawa ako ng milagro dito sa university. Hindi ako gano'n sa mga iniisip nila, no!


Tahimik ang lahat ng biglang magsalita si Sir. "Ms. Velasco, anong ginagawa nyo kanina ni Mr. Hernandez?" tanong ulit niya. Naghihintay ang lahat sa isasagot ko.


Napabuntong-hininga muna ako bago magsalita. Issue ko muna ang topic namin sa Mapeh, hays! "Pinagsabihan ko siya na tigilan na ako, ayun lang po." tipid kong sagot.



Nakatingin pa'rin siya sa akin. Parang hindi naniniwala! "Yung totoo, Miss Rachel? I want to know a truth." sabi niya pa. Bakit parang pinapaamin pa niya ako, e ayun lang naman talaga ang nangyari?



Sa inis ko ay sinagot ko siya. Parang ako na naman kasi ang may kasalanan sa mata nilang lahat. "You want to know the truth, sir? The truth? Kinukulit ako ni Cedric at wala kana dapat pakialam doon." dahil sa naging sagot ko sa kanya ay nag-ingay ang mga kaklase ko.



"Miss Rachel, may karapatan akong malaman ang ginagawa ng mga estudyante dito kaya kita sinasaway—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. "Sila lang ba yung sinusuway mo o ako?" diretsahang tanong ko sa kanya.


Hindi kaagad siya nakasagot. "Sagutin mo ako, sir! I need your answer!" pero hindi pa din siya nagsasalita. "Peste! Aalis na lang ako!" at kinuha ko ang bag ko at dali-daling umalis.



"Rae, bumalik ka nga dito!" narinig ko pa ang sigaw ni Elize na nakikinig din. Mabilis akong naglakad pero nahabol pa'rin ako ni Sir.



"Rachel! Bakit ka umalis sa klase ko? Nagtatanong lang—" tinawanan ko siya sa naging sagot niya. "Masyado nang personal ang mga tanong mo sa'kin, sir!" sagot ko sa kanya.



"Ano?! Hanggang ngayon, nagseselos ka pa'rin? Paano kapag nalaman ito ng lahat? Hindi lang ikaw ang mawawalan ng trabaho, pati rin ako! Mawawala ang mga pangarap ko nang dahil sa letseng pag-ibig na yan!" sabi ko na umiiyak na.





"Sorry, Rachel. Sorry..." sabi niya. Pero nagpatuloy pa'rin ako sa pagsasalita. "Ang selfish mo naman! Akala ko ba... sabay nating tutuparin yun? Pero dito palang, sinisira mo na!" duro ko sa kanya.




"Sorry, Rachel... Akala ko, makakalimutan na kita pero hindi. Ginawa ko na lahat pero ikaw pa'rin laman nito. Kahit na si Trixie na yung girlfriend ko pero... wala! Ikaw pa'rin ang hanap nito..." sabi pa niya sabay turo sa puso niya.





"Pwes, kalimutan mo na yun! Nandito ako para sa mga pangarap ko at hindi para sa'yo! Huwag naman sana umabot sa point na sisirain niyang pag-ibig na yan ang mga pangarap natin." sabi ko sa kanya. Inayos ko ang sarili ko bago nagsalita muli.



"Pinagsisihan ko na nakilala kita, Sir! At sana hindi ka nalang naging bahagi ng buhay ko!" sabi ko sa kanya at dali-daling nilisan ang university.





Nagsisisi ako na nakilala kita, Sir! Sana hindi na kita nakilala!

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now