CHAPTER 24- Suspend

29 6 0
                                    

A/N:
Hi sa mga readers ko! :) Kumusta na? Sana ayos lang kayong lahat. Hindi muna siguro ako makaka-update palagi dahil may inaasikaso din po ako. At sana nagagandahan po kayo sa takbo ng story nina Rachel at Sir Michael na medyo pangit dahil sa totoo lang po, ang daming mali ng story. Sa title palang. (Sorry na kung may mali ako, hehe.) Wala pa akong masyadong alam sa mga ganyan, kung ano ang magiging kalalabasan ng kwento. Correct me if I'm wrong, hehe. Hayaan nyo po at aayusin ko ng maayos sa takdang panahon. Dahil ngayon talaga ay busy ako. At sa mga patuloy pa'rin na nagbabasa ng MLP, thank you so much! Sa ngayon, ipagpatuloy natin ang nabitin na story nina Rachel at Sir Michael! Enjoy reading! :-*



—Rhean Larzz



[Suspend]





Rachel's POV



"AYOS naman kayo sa sala?" tanong ko na hindi lumilingon sa kanya. Nandito ako ngayon sa terrace ng mansion nila. Patuloy pa'rin sa pag-ulan. Baka walang pasok nito bukas. Hindi pa kasi ako makatulog. Nagsalita siya. "Rae, may gusto ba sa'yo yung Cedric na yun?" pag-iiba niya ng topic. Tinaasan ko siya ng kilay. Anong pinagsasabi nito?!

"Ewan ko sa kanya. Kung gusto mo, itanong mo sa kanya." at saka tumayo para umalis na. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago siya nagsalita. "Alam kong wala kang gusto sa kanya pero si Cedric? Halata namang may gusto siya sa'yo." sabi niya pa.

Nagsalita pa siya. "Diba nagmo-move on kana kay Sir? Wag mo naman sana gamitin ang tao para makalimot sa kanya." dagdag pa niya. Biglang nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya.

"For your information, Elize... hindi ako nanggagamit ng tao para makalimot sa isang bagay!" sabi ko sa kanya. "Walang kwentang bagay para pag-usapan pa natin ito. Matutulog na ako." sabi ko at kaagad na umalis.

Pagkarating ko sa kwarto ay kaagad ako pumunta sa cr. Iiyak na naman ako! Kaagad akong naghilamos para hindi na halata. Wala pang limang minuto ay lumabas na ako.

Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko na nasa ibabaw ng unan.

Biglang nag-message ang kapatid ko na si Cyndi (Cynthia). Kaagad kong pinindot ang message niya.

From: Cynthia Velasco
Message: Hi, ate kong panget! Kumusta kana? Namimiss na kita! Malapit na pala birthday mo, Ate Rae! Advance happy birthday sa ate kong panget! :) :-*

Napangiti ako sa message ng kapatid kong si Cynthia. Ngayon ko lang nalaman na nalalapit na pala ang birthday ko at magse-seventeen na pala ako.

To: Cynthia Velasco
Message: thank you, Cyndi! Miss ko na rin kayo ni Papa! Kapag may time ako, bibisita ako dyan! :)

Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.




__________






NAGISING ako sa ulan. Tiningnan ko ang cellphone ko. 3:55 am na pero ang lakas ng ulan. Baka suspended ang klase nito. Kaagad akong tumayo para tingnan ang nasa labas. I mean, sina Elize at ang mga kasama niya.

Tiningnan ko sila sa sala pero wala sila doon. Saan kaya natulog ang mga iyon? Pumunta ako sa guest room at tama ang hinala ko dahil doon sila natulog.

Dito sila magi-stay habang umuulan? Paano kung suspendehin ang klase, e dito pa'rin sila magi-stay?

Kaagad akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig. At dali-daling pumunta sa kwarto para matulog ulit.

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now