CHAPTER 18- Diary Issue

54 8 0
                                    

[Diary's Issue]


Rachel's POV


GABI na, pero hindi pa din ako nakakatulog sa sobrang pag-iisip. Paano kung nabasa niya ang mga  nasulat ko doon sa notebook na yun.

Paikot-ikot ako sa kama pero hindi pa'rin ako dinadalaw ng antok. Baka ma-late ako nito bukas. Kailangan kong hanapin ang diary noteboook ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung anong oras na. It's already 12:30 am. Kailangan ko na talagang matulog... Ayaw kong ma-late bukas!


+++++++


NAGISING ako sa alarm. Akala nyo hindi ako nag-alarm? Haha! Kaagad akong bumangon at inayos ang cover ng kama ko.

Naghanda na ako para sa isusuot kong uniform. Syempre, plinantsahan ko na yun! Pagkatapos noon ay pumasok na ako sa cr para maligo na.

Saglit lang ako naligo dahil ang lamig! 5 minutes lang ang tinagal ko sa cr. Kaagad kong inayos ang sarili ko at sinuot ang bagong plantsa na uniform.

Sunod ko namang inayos ang buhok ko pero dahil basa pa siya, ilulugay ko nalang muna.  Baka magkaroon ako ng puting buhok, e!

Maya ay nakarinig akong may kumakatok sa pintuan. Si Elize na yun siguro. Kaagad akong lumapit sa pinto at kaagad na binuksan yun.

Nagulat pa siya dahil nakasuot na kaagad ako ng uniform at mukhang ayos na ayos pa! "Saan ang punta mo, Rae?" tanong niya sa'kin habang nakatingin sa'kin. Namamangha siguro, haha!

"P-papasok sa university... Bakit?" nakangiting tanong ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Sure ka sa university lang ang punta mo?" paninigurong tanong niya.

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa narinig ko. "Malamang! May iba pa ba akong pupuntahan?" pambabara ko sa kanya.

Hindi siya naka-imik bagkus nagpaalam na ito na maliligo na dahil tapos na ito mag-luto ng almusal naming dalawa.

Ilang minuto lang ay lumabas na ako ng kwarto at nilock yun bago umalis. Pumunta na ako sa kusina para mag-almusal na. Nagugutom na kasi ako.

Nakita kong kakalabas lang din ni Elize at bagong ligo lang din siya. "Ang tagal mong maligo, ah..." puna ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya.

Nauna na akong pumunta sa kusina dahil inaayos pa niya ang sarili niya. Bahala siya dahil ako mauuna na.


++++++++


NASA university na kami. Mukha na tuloy akong bruha dahil hindi ako nag-ipit ng buhok. Maayos nga ang uniform ko, mukha naman akong mangkukulam na ewan dito, tsk!

Kaya nag-ipit ako saglit ng buhok ko. Ayos na itong ipit ko, pang-nanay na ipit ang peg! Wala, e. Naiwan ko sa kwarto ko ang suklay kaya hindi matino ang ipit ko.

Nauna nang naglakad si Elize kaya nagmadali na ako at naglakad ng mabilis.

++++++++


NANDITO ako ngayon sa faculty room. Kukunin ko kay Sir yung diary noteboook ko. Sakto namang lumabas si Sir Michael.

"Ms. Velasco, anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong niya. Huminga muna ako ng malalim. "N-nasa iyo ba yung notebook ko...po?" tanong ko. Kinakabahan ako, wews!

"Sa iyo ba yun?" tanong niya. Tama nga hinala ko! Nasa kanya ang diary noteboook ko! "Ahh, yes... sir. Kung pwede lang... pakibigay na po yun sa'kin..." sabi ko at parang nagmamakaawa pa ako doon.

Ngumiti ng malapad si Sir. "Wag kang mag-alala, Rachel... Ibibigay ko yun sa'yo." saad niya. Aalis na sana ng magsalita ako. "B-bakit, sir? Binabasa mo pa ba?" prangka ko sa kanya.

At kaagad naman siyang humarap sa'kin pero nanatili pa'rin siyang nakangiti. "Bakit, Rachel? Masama bang basahin?" tanong niya. Hindi kaagad ako nakasagot.

Parang may ibig sabihin yung tanong niya sa'kin. "W-wala naman pero... kailangan ko yun, sir..." sagot ko na nasa baba ang tingin.

"Ibabalik ko din yun sa takdang panahon..." sabi niya at hinawakan niya ang balikat ko at saka umalis na.

Wala na! Paano ko yun babawiin sa kanya? Nandoon pa naman lahat ng sinulat ko tungkol sa amin—sa kanya at ayokong isipin niya na hanggang ngayon ay baliw pa'rin ako sa kanya!


++++++++


"AYOS ka lang ba, Rachel?" tanong sa'kin ni Elize. Kanina pa kasi ako hindi mapalagay tungkol sa diary noteboook na yun! Kailangan kong mabawi yun sa kanya!

"A-ahh, oo. Ayos lang ako." sagot ko sa kanya. Kaagad kong kinuha ang binabasa kong nobela sa bag ko. Magbabasa na lang ako para mawala ang pagkabalisa ko.

Nagulat ako ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Sino na naman itong istorbo?

From: Unknown Number
Message: hi, rachel! Ayos kalang ba? Iniisip mo pa'rin ba ang diary noteboook mo? Wag kang mag-alala... Ibabalik ko yun, kapag natapos ko ng basahin... :)

Hayss! Pati ba naman dito, ipapaalala niya pa! Hindi niya ba alam na sobrang mahalaga sa'kin yung notebook na yun!

Ibalik niya yun sa'kin. Remembrance ko nalang yun sa kanya. Pati ba naman yun mawawala?

To: Unknown Number
Message: hoy! Ibalik mo na sa'kin yun! Wag mo nang basahin, please?! Sobrang halaga no'n sa'kin, e...

Hindi din ako nakabasa dahil nasa cellphone na ang atensyon ko, wala na sa binabasa ko. Hindi ko nga alam na naghiwalay na pala yung dalawang bida doon sa kwento, e.

From: Unknown Number
Message: hindi ko muna siya ibabalik sa'yo. Babasahin ko muna siya.

Naiinis na ako! Ibabalik lang naman niya ang diary sa'kin, e bakit ayaw pa niyang ibalik sa'kin?! Kapag hindi niya talaga ibibigay sa'kin yung diary noteboook, ibabalibag ko siya!

To: Unknown Number
Message: hindi mo ba talaga ibabalik sa'kin yung diary? Baka makalimutan kong professor kita! Kaya, please! Ibalik na sa'kin yung diary...

Totohanin ko talaga yung sinasabi ko sa kanya, ibabalibag ko siya! Masyado na akong nai-stress sa diary noteboook ko. Balewala din ang ayos ko dahil nag-mukha din akong manang sa kanya!

Kapag hindi niya binalik sa'kin yun, aabsent talaga ako sa klase niya! Kahit ipatalsik pa nila ako sa university na ito!

"Gagawin mo talaga para sa diary mo, 'no?" napalingon ako sa katabi ko na si Elize. Kanina pa siya nakatingin sa'kin at nakangisi.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pwede ba, Elize? Masyado ka nang maingay!" ngumiti lang siya at nag-peace sign pa.

Naka-crossed arm ako habang nakatingin sa malayo, kung paano ko makukuha sa kanya yung diary noteboook ko?

Habang sa di kalayuan, tanaw na tanaw ko si Sir, mukhang dito ang punta niya sa'min at...   nakangiti pa siya sa'kin! Talagang nang-aasar!


Humanda ka sa akin, Sir!!!

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now