CHAPTER 27- Necklace

25 5 0
                                    

[Necklace]





Rachel's POV





ILANG araw na siyang wala at inaamin ko na namimiss ko siya. Marupok lang ang peg?! Pero wala na akong pake sa kanila.

Nasa university ako at ito namang isa ay patuloy paring nangungulit sakin. Sino paba? Edi si Cedric Hernandez lang naman!

"Rachel, pwede kaba mamaya?" paulit-paulit na tanong nito sa akin. Hindi ko parin siya pinapansin. Magaling ding humanap ng tyempo ito porket wala na yung isa.

Tiningnan ko siya ng masama. "Pwede ba, Cedric? Wag ngayon." Isa sa mga heartrob ng university si Cedric at wala akong pake kung sabihan nila ako ng 'maarte at pabebe'!

Pinagtitinginan na ako ng mga babae sa hallway dahil sa hindi magandang pagtrato ko kay Cedric. Lumapit ako sa kanila at tinaasan ko sila ng kilay. "Problema nyo sa'kin? Bakit nyo ako tinitingnan ng masama?" mataray na tanong ko sa kanila.

Hindi sila nakapagsalita bagkus ay umalis nalang sila. Natakot siguro sa kamalditahan ko. Tiningnan ko naman si Cedric na nasa likuran ko lang at nakatingin sa'kin.

"Pwede ba, Cedric? Tigilan mo na nga ako!" iritang saad ko. Hindi niya iyon pinansin bagkus nagsalita. "Bakit mo sila inaway?" tanong nito. Nginisian ko siya. "Pake mo ba? Gusto ko makipag-away ngayon, eh!" sagot ko naman.

"Wag mo na ako susundan, huh?!" sabi ko pa at kaagad na umalis. Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya. Gusto ko lang mapag-isa ngayon.


__________




UWIAN na nga. Pero, wala parin akong balak na umuwi. "Hoy, Rachel! Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Elize. "Hindi pa. Umuwi kana kung gusto mo." tipid kong sagot sa kanya.

"Saan ka pupunta ngayon?" tanong niya pa. Tiningnan ko siya. May isang pumasok sa isip ko. "Pumunta tayo ngayon sa probinsya." sagot ko na ikinagulat niya.

"N-ngayon? As in ngayon na?" tanong pa niya. "Oonga! Kaya kung ako sayo, bilisan na natin!" sabi ko pa at hinila siya.

Naisipan kong bisitahin sina Papa at Cyndi sa probinsya. Nami-miss ko na sila! Total, may time ako para gumala at may pera naman ako, why not?

Wala pang isang oras ay nasa kotse na kami. Kotse ni Tita Glenn ang ginamit namin dahil minsan lang naman gamitin ito nina Tita para magbakasyon.

Tahimik lang kami nang biglang basagin iyon ni Elize. "Bakit mo pala naisipan silang bisitahin sa probinsya, Rachel?" tanong niya.

Tiningnan ko siya. "Ang tagal ko na kasing hindi nakakapunta sa probinsya. At saka..." hindi ko naituloy ang sasabihin nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"S-saglit lang, Elize. May tumatawag sa phone ko." sabi ko sabay kinuha sa bag ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag. Si Cyndi.

Kaagad ko yung sinagot.

"Hello, Cynthia! Bakit ka—"

["Ate! Wala lang! Na-miss lang kita!"]

"Ano ba, Cyndi! Kinabahan ako sa'yo kung maka-react ka, eh... Bakit ka nga pala napatawag, aber?"

["Ate, totoo ba yung balita...?"]

"Na alin? Ikaw, Cyndi! Kung saan ka nakakalap ng tsismis!"

["Na nasa Canada ngayon si Kuya Sean at yung girlfriend niya?"]

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now