CHAPTER 4- Confess

123 10 0
                                    

[Confess]




Rachel's POV




BWESIT talaga! Puro punishment ang alam! Hindi marunong mag-move on. Alam kong nagkamali ako, pero nag-sorry na ako. Ang dami niyang alam!

Kung tutuusin, kaya ko lahat ng pinapagawa niya. Kaso sumusobra na siya! Tinapos ko lahat ang pesteng projects na pinapagawa niya tapos sasabihin niyang 'hindi pa sapat'!

Baka gusto niyang karate-hin ko siya! Talagang hindi niya magugustuhan ang pag-uugali ko! Hmp!

Bumalik ako sa realidad na tinatawag niya pala ako. "Ms. Velasco, tapos kana ba sa pinapagawa ko sayo?" tanong niya na mas lalo kong ikinainis.

Hindi pa pala tapos yung ginagawa ko. Kaya imbes na sagutin ko yung walang kwenta niyang tanong ay itinuloy ko ang naudlot kong gawain.

Dahil kapag hindi ko ito natapos ay hindi niya ako papauwiin bagay na ikinatakot ko. Ayokong mag-stay dito na kasama siya! I feel uncomfortable!

Kaya minadali ko yun sinagutan. Naghula-hulahop nalang ako para mabilis akong matapos. Mga 45 minutes lang ang tinagal ko sa pagsasagot.

Tiningnan ko ang aking wristwatch. 2:30 pm na. Dapat ngayon ay nagpapahinga na ako at gagawa ng mga homework. Bwesit talaga!

Mabilis kong ipinasa ang mga papel kay Sir Michael. Tiningnan niya ako ng may pagtataka. "Ang bilis mo namang sumagot, Miss." pagtatakang saad niya.

Nginitian ko lang siya. "Of course, sir. I'm smart, didn't you say that?" wow! Napa-english ako ng wala sa oras.

Nginisian niya ako. "By the way, I told you that earlier. But, I do not believe you answered so quickly." seryosong saad niya. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Parang seryoso na siya sa pagkasabi niya na yun.

Tiningnan-tingnan pa niya ang mga papel na sinagutan ko habang nakatingin sa akin. Parang hinihintay niya ang sagot ko para mag-explain.

Huminga ako ng malalim bago ako magsalita. Sana may pumasok sa isip ko na pwedeng i-excuse sa pagiging hula-hula ko.

"S-sir...I'm sorry na. Nagmamadali lang talaga ako, e. Marami pa akong gagawin sa bahay ko, e." pag-eexplain ko.

Tiningnan niya lang ako. Para malaman niya kung nagsisinungaling ako o hindi. Dzuh! Never akong nag-sinungaling—ay nag-sinungaling na ako, sometimes lang, kapag kailangan ko na talaga!

Kanina pa ako naiilang sa mga tingin niya sa akin. Hindi nga ako nag-sisinungaling, ok?! Maniwala ka naman sa'kin, plsss...

Hindi na ako nakatiis at umiwas na ako ng tingin sa kanya. Grabe! Balak pa 'ata niyang tunawin ako sa mga tingin niya, e.

"Please, sir. Maniwala naman kayo sa akin. Never akong nag-sinungaling sa'yo, sir..." nakayukong pagmamakaawa ko sa kanya.

"Ok, sige." nagkibit-balikat na lang siya. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niyang iyon.

"T-thanks, sir." sabi ko at agad ko siyang tinalikuran. Baka may pahabol pa, e. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at agad na nilisan ang rooftop ng university namin.

Pero bago ako umalis ng tuluyan ay tiningnan ko siya. Nakatayo pa'rin siya at nakatingin sa'kin. Tinalikuran ko na siya at dumiretso na.

Grabe! Ang malas talaga ng araw na ito. Bumaba kasi ako ng rooftop gamit ang hagdan. Sira daw kasi ang elevator ng university at inaayos pa.

Wala pa naman akong baon na tubig. Kaya pagbaba ko ay nauhaw talaga ako at pinagpawisan.

Tss! Kulang ka lang sa exercise, e!

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now