CHAPTER 12- Who Are You?

71 7 0
                                    

[Who are you?]



Elize's POV



"ANONG pinagsasabi ni Sir, Elize?" naguguluhan na tanong ni Rachel. Nasa mansion na kami at nanonood kami ng TV.

Tiningnan ko siya. "Akala ko ba kakalimutan mo na siya?" tanong ko sa kanya at hindi siya naka-imik doon. Totoo naman kasi.

"May tinatago ka ba sa'kin, Elize?" tanong niya at dahil doon, hindi ako naka-imik. "Wala akong tinatago sa'yo, Rachel. Anong pinagsasabi mo?" depensa ko sa kanya. "Talaga? Bakit hindi ka nagsasalita kanina?" tanong niya, talagang hinuhuli niya ako.

"Malamang nagsasalita ka, alangan naman sumabat pa ako." pamimilosopo ko na ikinainis niya. "Wag kang mamilosopo, Elize! Tinatanong kita ng maayos!" sigaw niya sa'kin.

"Ano ba, Rachel?! Hindi ka ba titigil?! Ano?! Pag-aawayan pa ba natin si Sir, huh?!" hindi ko na rin napigilan ang sumigaw sa inis. "Wala akong tinatago sa'yo, maniwala ka naman!" pagkasabi kong yun ay tumayo ako at umalis.




++++++++++




Rachel's POV


SINO ka ba talaga, Sir? Naiwan akong nakatulala sa sala habang iniisip ang mga nangyari kanina. Meron ba silang hindi sinasabi sa'kin?

(Flashback)

Nasa kwarto lang ako nagkulong, habang tinatapos ko ang mga homeworks ko. Nang may biglang kumatok sa pinto. "Ate Rae! Lumabas ka dyan!" sigaw niya.

Eto naman ako, binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang pinagpawisan at hinihingal pa. "Anong nangyari sa'yo, Cynthia?" nag-aalalang tanong ko.

"Kailangan mo siyang iwasan, dahil kung hindi...papatayin siya ni Papa!" babala niya na ikinagulo ng aking isipan.

"S-sino, Cynthia?" naguguluhan kong tanong. Napabuntong-hininga siya at saka nag-salita. "Y-yung boyfriend mo, Ate Rae! Papatayin siya ni Papa kapag nagpakita pa siya sa'yo." babala niya na.

"H-hindi ko alam ang iyong pinagsasabi at saka...wala akong boyfriend, no!" sabi ko sa kanya. "Balewala din ang mga babala mo, Cynthia. Bumalik ka na sa iyong kwarto." pagtataboy ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako at napa-iling nalang bago ito umalis, saka ko sinarado ang pinto.

(End of Flashback)

Biglang sumakit ang ulo ko sa kakaisip sa mga nangyayari sa'kin. At kahit medyo nahilo-hilo na ako ay pinilit ko pa'rin ang tumayo.

Pupunta ako sa kwarto ko at gagamutin ko itong biglaang pagsakit ng ulo ko. Habang papunta na ako ng kwarto ay mas lalong umiikot ang paligid at nandidilim ang paningin ko.

Kaya dahan-dahan lang ako naglakad at hinahawakan ang bawat madadaanan. Kayanin mo, Rachel baka hindi ka na maabutan ng buhay.

Sorry, Self pero hindi ko na kaya...bibitaw na ako, bibitaw na ako... Unti-unti na akong kinakain ng dilim at mas lalong umikot ang paligid, hindi ko na kaya... Bigla akong natumba at nawalan ng malay.




++++++++++



Elize's POV



NAISIPAN kong lumabas muna para mag-patanggal stress muna. Bahala si Rachel sa buhay niya! Masyado siyang makulit! Eh, ayaw ko ngang sabihin dahil baka maalala niya ang lahat ng pinaggagawa ng Papa niya sa kanya at kay Sir Michael, sure akong magagalit yun.

My Love, Professor [On-Going]Where stories live. Discover now