Chapter 19

1.1K 40 99
                                    

IRENE'S POV

"Doc?" Tawag ko kay ate Taeyon sabay katok. Napansin naman niya agad ako kaya tinigil niya kung ano man ang ginagawa niya.

"Oh Joohyun! What is it?"

Tuluyan na kong pumasok sa office niya at sinara ang pinto.

Ngayon lang ako kinabahan na magpaalam sa kanya.. pano ba naman kase, three days yung ipapaalam kong off..

"Magpapaalam sana 'ko ate." Panimula ko. Agad na nanlaki ang mata niya.

"Magreresign ka? Hoy bruha walang papalit sayo! Kung sasama ka na kay Seulgi sa France tutol ako! It's a no."

Napaka-OA talaga.

"Ate hindi ako magreresign.." Sabi ko at bumuntong hininga.

"Eh ano? Pinakaba mo 'ko gaga ka."

"Eh kung patapusin mo ako.." Halos pabulong ko nang sabi.. minsan nakakalimutan kong boss ko parin to.

Parang krung krung eh.

"Aba nasagot!" 

Loka loka..

"Birthday ni Seulgi sa isang araw, magpapaalam sana 'ko ng three days off." Hindi agad siya sumagot kaya kinabahan na 'ko. Kahit loka loka si ate Taeyon kapag trabaho na, pasyente talaga una.

Maiintindihan ko naman kung hindi niya 'ko payagan kaso mahaba habang paliwanagan yon kay Seulgi..

Baka kausapin pa niya si ate Taeyon kaso knowing ate Taeyon, kapag kailangan talaga kami dito sa ospital, cancel all plans talaga.

"Oo nga pala birthday na ni kupal.. pakasalan mo na yon tumatanda na." Seryoso niyang sabi. Napaka-random niya nakakainis.

Bigla naman siyang tumawa nang tingnan ako, namumula na ata ako leche talaga.

"Ba't three days?"

"Masyado bang mahaba yun doc? Iniisip ko kasi para mas makapag bond pa kami since busy kami pareho recently-"

"Bakit hindi one week?" Naputol ako sa pagsasalita nang sabihin niya yon. Nakangising aso naman siya..

"Seryoso ate? Baka kailangan ako dito sa ospital, baka magka-emergency.."

"Ngayon ka lang naman nagrequest ng off, nung nakaraan si Seulgi nagrequest kaya di counted." 

Nagrequest si Seulgi?

"Kelan? Hindi ba umabsent ako after nung party?"

"Hindi ka absent non, nagrequest bebe mo na counted as off yon kase may hangover ka which is understandable. Hindi na 'ko makikipagtalo sa jowa mong abogado, magwakwak lang ako ng katawan magaling."

Yung mga term nila, kung hindi mo sila kilala iisipin mo talagang psychopath sila. Hindi nalang sabihin mag operate.. bakit kailangan pa mag wakwak or magbuka ng ulo yung sabihin..

"Hindi ko pa ulit siya girlfriend ate.." Mahinang sabi ko pero narinig parin naman niya. Shit talaga..

"Ay hindi ba pa? Akala ko nung nagchukchakan kayo nung party automatic na yon. " 

"Ewan ko rin.."

"Gulo niyo both, sure naman akong kumikilos na kayong parang mag-jowa hindi ko lang napapansin..." Napahinto siya at biglang sinamaan ako ng tingin.

Ano na naman?

"Dahil ba kay Mark to?"

Hindi ako sumagot at umiwas lang ng tingin.

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Where stories live. Discover now