Chapter 60

567 22 17
                                    

Here's chapter 60, enjoy reading cguroh :D

IRENE'S POV

I just finished a major surgery this morning, checked my patients and Boa. Ganun na lagi yung routine ko so, sanayan na.

Also, I received an e-mail from South Valley. Magkakaron na pala ng South Valley abroad, grabe nakaka-proud. 

Ang layo na ng narating ng lahat..

Nagpatuloy lang ako sa pagscroll sa computer ko nang biglang pumasok si Joy. Ano na namang ginagawa neto dito? Nasa ibang floor yung department nila dadayo pa.

"Hi Joohyun!" Umupo agad siya sa harap ng table ko.

"Kita mo na e-mail?" Tumango ako. Tumili siya at naglean sa table ko.

"Saang bansa raw? Sabi hindi raw sa Asia eh."

"Huh? Hindi sa Asia?" Umiling agad siya. Mukhang wala rin siyang idea kung saan. Super vague kasi nung e-mail, sinabi lang na magkakaron ng South Valley sa ibang bansa pero walang nakalagay kung saan.

"Hindi nabanggit sayo ni Seulgi? Gaga sure ako alam niya yon, bago nila i-finalize yung mga ganyan sinasabihan muna directors and share holders."

Wala naman siyang nababanggit netong nakaraang araw?

"Sa condo ako nagsstay Joy, wala rin siyang nababanggit kapag magkausap kami."

"Ay ganun, may chismis nga na may mga doctors from here na ipapadala ron." Oh.. it's a good opportunity naman, good for them.

"Sasama ka bebe ko?" Tanong niya at ginamit ang kamay niya para suportahan ang ulo niya habang hinihintay ang sagot ko.

Last week pa siya diyan sa bebe na yan. Muntik na nga siyang batukan ni Seulgi nung nakaraan. Ano bang nahithit neto?

"Bakit ako sasama?" Napa-irap naman siya sa sagot ko.

"Bet na bet ka kaya ng directors dito!"

"Nasa akin parin naman kung sasama ako. Head ako ng NS dito bakit pa ako aalis? Tsaka Jen is a possible candidate, even you guys."

Totoo naman kasi, ang-OA lang nila tuwing sinasabi nilang sobrang sikat ko. Magagaling sila, medyo may saltik lang.

"Why are you here ba?" Tanong ko at sinara yung computer para makausap siya nang maayos.

"I'm on my break so.. wala kang magagawa." Pang-aasar pa niya.

"Tsaka hindi naman ako nandito para inisin ka, bukas nalang." Loka.

"Then why are you here?" Pag-uulit ko sa tanong kaya napairap siya.

"May chinika si Jen."

"Ano na naman yan?"

"Ang tahimik mo raw lately." Ah.. yung babaeng yon napaka-observant pwede nang palitang yung cctv namin dito.

"Anong meron Joohyun?"

"Wala naman.."

"Sasampalin kita umayos ka!" Walangya talaga.

Baka kasi nag-ooverthink lang ulit ako kaya hindi ko sinasabi sa kanila, even kay Seulgi..

It's been a week since I felt this..

"Sampalin din kita Joy."

"Sige magsampalan tayo dito now?" Napatawa nalang ako at bumuntong hininga. Hindi naman lalayas to kung wala akong sasabihin.

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Where stories live. Discover now