Chapter 7

984 39 43
                                    

IRENE'S POV

Two coffees, different flavor. One is Americano, one is caramel macchiato.

Nadatnan ko nalang sa ibabaw ng table ko na may tig-isang note.

"Wakey wakey doc! You'll have a long day ahead!" -Bernard/Dr. Baguette

Yan ang nakasulat sa note na nakadikit sa Americano. Pinangatawanan na talaga niya yung pagiging tinapay niya. Para kasing timang mga tao dito, baka yun na talaga tinawag sa kanya.

"A cup of coffee for my favorite bhie. Don't stress yourself love you!" -Mark

Of course, yan yung note sa Caramel macchiato. Lalamig na to pareho pero 'di ko parin alam kung alin iinumin ko. Ayoko namang mamatay sa palpitation.

"GOOD MORNING MY FRIEND JOOHYUN!" Halos mapatalon ako nang pumasok si Jennie. Napatawa naman siya nang makita ang reaksyon ko.

"Papatayin mo ba 'ko?" Irap ko pero mas tumawa lang siya.

"Oh ano yan? Hayok na hayok sa kape, kailangan dalawa agad?" Tanong niya at umupo sa harap ng table ko. "Ay iba den, may pa-note! Kanino galing to?" Sinenyas ko sa kanya yung mga sticky notes.

"Pota ang haba ng hair mo ah! Si Lisa di ko mahagilap wala pang pa-kape." 

"Gusto mo? Kuha ka isa kawawa ka naman, di inaruga ng jowa." Tawa ko, sinamaan niya ko ng tingin.

"Kapal neto palibhasa habulin ng dalawang papi. Eto nalang akin." Kuha niya don sa bigay ni Bernard.

"Alam ko namang di mo trip strong coffee. Sayang minus points kay Dr. Baguette!" Sabi niya sabay inom nung kape.

Tinanggal ko muna yung note bago inumin yung bigay ni Mark.

"A cup of coffee for my favorite bhie- LUH RUPOK MO NAMAN? IBA NA BABY MO? MAY PA LOVE YOU PA?!"

"Gaga! Sira ulo ka ba?"

"Luh Joohyun bumigay na nagdate lang kagabi."

Hindi ako sumagot at napabuntong hininga na naman. Yung kagabi nga pala..

"Oh ano yan? May nangyari no?"

Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. Napangisi siya.

"Nasesense kong tama ako kaya i-kwento mo na. Ampanget mo magsinungaling."

"Atleast magsinungaling lang ako panget." Natawa ako kaya binato niya sakin yung note.

"Pakahangin mo, kwento na!"

"Eto na! Kase ano.."

Flashback

"Hangga't wala pa siya. Ako muna"

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko nang sabihin niya ang mga salitang yon.

Bigla kong naalala yung sulat na iniwan niya. Bawat salita don, tandang tanda ko pa. Sa araw araw na pagbasa ko don, imposibleng hindi tumatak ang mga sinabi niya ron.

Kapag pagod ka na, don't wait for me anymore. Ayokong paghintayin ka sa wala. Build your own family... Gawin mo kung saan ka sasaya pero ito lang ang huli kong maipapangako sayo baby... I don't know when pero I'll be back.

I'll come back to you baby..

Anggulo ng nararamdaman ko ngayon. Parang nagdadalawang isip na ko pagkatapos ng sampung taong paghihintay ko.

Hindi na 'ko sigurado kung paano pa 'ko sasaya. Kung hinahayaan mo 'kong maghanap ng iba, 'di kaya ganun rin ang ginagawa mo diyan?

"Joohyun let me.. Let me take care of you hangga't hindi pa siya yung gagawa non. Ako naman yung nandito, kung dumating man yung panahon na 'di ako yung piliin mo. Masaya parin ako."

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Where stories live. Discover now