Chapter 28

1K 32 24
                                    

JOY'S POV

"Salamat sa paghatid pre, ingat." Bahagyang tinapik ni Sehun ang balikat ni Jun pagkatapos nilang mababa yung mga bag namin.

Dito na kami nagpahatid sa condo ko para isang babaan na rin, hindi na maa-out of way si Jun.

"Sa hotel ba kayo matutulog?" Tanong ko, tumango naman siya.

"Iiwan ko na rin yung van don. Una na kami pre, good night sa inyo ni Ligaya." Kaway niya at pumasok na ulit ng van.

"Antok ka na ba?" Tanong niya nang makaalus sina Jun.

"Slight."

Kinuha niya yung bag namin kaya ako na nagdala ng mga paper bag. Gusto ko sana siya alilain kaso pareho kaming pagod so next time nalang.

Pagkarating namin ng unit ko, hindi na kami nag-abalang mag-ayos ng mga gamit. Bukas nalang siguro, hapon pa naman shift ko.

"Papasok ka bukas?" Tanong ko sa kanya habang nagpapalit siya ng damit. Wala naman akong makikita diyan patakip-takip pa ng dibdib.

"Boso ka ah."

"Jutay ka naman arte mo."

"Di mo pa naman nakikita, wag ka maghamon ngayon pagod ako."

"Nyenye so ano? Papasok ka ng firm?" Tanong ko pa ulit. Nagkibit balikat lang siga, di rin ata sigurado.

"Baka kukuha nalang ako ng mga case, dito ko nalang aralin. Hahatid kita tomorrow afternoon."

Napa-hmm nalang ako at kumuha ng tubig. Ayoko namang ipahalatang kinikilig ako, di na naman ako tatantanan neto.

Umupo siya sa couch at saglit na pumikit.

Pagod yarn? Chos lambingin ko lang saglit.

Tumabi agad ako sa kanya at yumakap, mukhang nagulat pa siya pero yumakap din naman.

"Dun ka tulog sa kwarto Hun.."

Minulat naman niya ang isa niyang mata at tumingin sakin.

"Huh? Di pwede, baka sugurin ako nila tita."

"Sabi ko tutulog lang. Susugurin ka takaga non kung may iba kang balak."

"Still, nag-promise ako kina tita."

Napaka-masunurin pala ng jowa ko, pakasalan na dapat ako neto.

"Just for tonight Hun, pagod ka kaya."

Our friends might see us na magjowa na everyday bardagulan pero everytime na kaming dalawa lang, we have this different side.

Gago anong akala niya binubugbog ko tong si Sehun 'pag walang ibang tao? Mas bet ko lang inaaway siya minsan pero love ko to parang Mcdo lang.

"Fine, pero sa sahig ako."

Aangal pa sana 'ko pero mukhang final na yon.

Kwento ko kaya sa kanya? Jowa ko naman to... sabihin ko nalang secret.

"Kwento mo na."

Luh gago?

Abnormal ata to.

"Pano mo nalaman?"

"Ewan, na-feel ko lang na may iniisip ka."

Ay shet lupet sige kwento ko na baka mabaliw ako dito.

"Si Boa ba nagpunta nang firm?"

Naka-ilang hinga muna siya bago sumagot.

"Isang beses lang ata, di na-kwento ni Seulgi yon pero nakita ko kase silang lumabas ng office niya kasama si Irene tapos ilang minuto lumabas na si Boa. Tinanong ko si Jessica parang nagka-initan daw. Yun ata yung una at huli?"

The Boss' Rules and Roses [ON GOING]Where stories live. Discover now